Veamin POV
"Lintek na tinapa naman oh!! Bakit wala pa sina Mama pati si Papa?!" Galit kong sigaw dito sa bahay.
Paano eh mag 11:00 na wala pa sila gabi na oh!! Mag uumaga na. Kanina pa ako naghihintay.
"Senorita a-ang to-too po nyan umalis ang senorita at senorita. Pumunta po sila sa Bohol dahil po sa business trip. Wala ho ba silang sinabi sa inyo?"
"Aiiyyyy! Meron kaya nga galit na galit ako eh kaya nga hinihintay ko sila!! Putcha naman oh!!" Sigaw ko ulit sa kanila at padabog umakyat pero narinig ko silang nagbubulungan.
"Meron atang dalaw si senorita kaya ganyan nalang kaaungit ngayon."
"Ganyan naman siya kapag may dalaw eh." Tangna naman oh oo na sige na aaminin ko na may nga ako.
"Putchang kalabaw naman oh!!! Kung anong nalalaman niyo sa inyo nalang wag niyo ng ibulgar para lang sabihin ko sa inyo naririnig ko kayo!!!!" Nanahimik naman sila. Haiy salamat naman.
Bat ganyan di man lang nag paalam si Mommy pti papa!! Nakakatampo naman sila. Haiy bahala sila mag mamaneho ako bukas nung kotse ko. Tutal naman wala sila at akin yun. Pwede kong gamit gamitin ng sarili ko lang. Hindi ko na kailangan ng driver kaya ko kase tinitignan ko si Manong Gi kapag nag dadrive siya. Tsaka na try ko na rin naman g drive na di alam nina papa eh.
*bzzzzzz (vibrate)
Sino naman kaya ang nag text na'to?
Jiro? Nanaman.
From Jiro:
Hi
Hayyy bahala ka dyan baka mamura lang kita dyan pag nakatext kita.
Diko rin natiis at nireplyan ko din siya. Kailangan ko din naman gumanti sakanya sa mga ginawa niya kanina. Sinamahan niya kaya ako.
To Jiro:
Sorry but I'm tired!!
Sent
Yan lang naman ang sasabihin ko eh baka kase maghintay siya sa reply ko eh!!
Makatulog na nga at may pasok na naman bukas. Good night to me!
*cring cring cring (alarm clock)
Nagising agad ako dahil sa pag alarm ng alarm clock ko dito sa kwarto ko. Hindi na ako nag saya ng oras at dumiretso na sa CR dito sa loob ng kwarto ko na malaki pa sa isang apartment. Natapos na akong maligo at mag ayos at dumiretso na sa ibaba. 5:30 palang naman maganda na rin to para wala pang masyadong mga sasakyan.