Chapter 3

6 0 0
                                    

"San mo gustong kumain?"

"Kahit saan."

"Dun nalang tayo sa canteen sa second floor. Air conditioned kasi dun. Ano tara?"

"Sure." Excite kong sagot.

"Bat hindi kana nag reply kagabi?"

"Nakatulog kase ako eh. Ah Jiro ikaw lang ba talaga? Wala kang kaibigan?"

"Meron. Actually lima kami. Makikilala mo rin sila kapag na i tour na kita dito." Buti nalang at may kilala ako rito.

"Ah okay. Salamat." Teka bat parang ang dami nakatingin samin.

"Ah-eh- Jiro bat nakatingin yung mga students satin?"

"Syempre kasama mo ata ang pinaka gwapo sa school na'to." Tsk pinaka gwapo daw.

"Pinaka gwapo? Sure ka?"

"Ahm sikat kasi kami sa school na'to kaming lima ng mga kaibigan ko." Pano?

"Maliban sa gwapo kayo. Bat kayo sikat?"

"Kayo? Bakit nakita mo na ba mga kaibigan ko?" Malamang hindi pa.

"Di pa. Pero alam ko naman na gwapo sila gwapo ka." Sabi ko na hindi man lang nahiya. Nakita ko naman ang pamumula niya.

"Maliban sa gwapo kame. Kilala ang parents namin dahil sa business."

"Ahh." Sabi ko na parang naiintindihan ang lahat.

Nag simula na kaming kumain. Ang galing naman siya pa talaga ang nakasama ko ngayon. Wal man lang nag badyang mag salita sa oras ng pagkain.

"Min saan mo pa ba gustong pumunta.?" Tanong niya. Hmm Sa GYM kaya? Mag tatry-out sana ako ng long tennis.

"Saan ba yung gymnasium dito?" Tanong ko kay Jiro siya na naman kase ang kasama ko.

"Sa likod pa. Dun tayo tara." Sabi niya at ngumiti.

"Ano palang sports ang sinalihan mo?" Tanong ko.

"Ako ba? Basketball. Since first year." Ah basketball.

"Ikaw ba?" Tanong naman niya saken habang naglalakad kami.

"Long tennis sana." Sabi ko sa kanya.

"Ah. Marunong ka ba?" Malamang sasabihin ko ba kung hindi?

"Malamang." Bulong ko pero sure naman akong narinig niya yun.

"May sinasabi ka?" Lagot.

"Ah-eh Wala hehe tara na gusto ko ng pumunta sa gym." Sabi ko at hinila ang braso niya at kunwareng tumatakbo.

"Nandito na tayo." Sabi niya sa akin.

"Hala! Ito ba yun. Gate Palang malaki na paano pa kaya sa loob?" bulong ko.

"Tara pasok na tayo para makita mo." Sabi niya at binuksan ang gate.

Ng makapasok kami diko napigilang hindi mamangha. Eh kung ikukumpara sa dating school ko eh kalahati lang siya dito. At naka air conditioner pa sa loob. Pano mamamawis kung pati gym may aircon.

"JIRO!!" Tawag ng isang lalaki sa kanya na naglalaro ng basketball. Lumapit siya kay Jiro.

"Bat hindi ka sumama sa amin?" Tanong niya kay JIRO

"E-ehem.!" Sabi ko para naman kaseng wala ako dito.

"Siya ba yung transferee?" Tanong nung lalaki kay Jiro

"Oo. Siya yung kinuhanan ko ng number sa Mall habang hinihintay natin si Gaze." Gaze? Siguro siya yung isa sa Lima.

"Veamin si Lucas. Lucas si Veamin." Pagpapakilala saken ni Jiro sa lalaking kausap niya.

"Nice to meet you." sabi niya. Na may kasamang kindat. Hala napano si kuyang pogi?

"Nice to meet you too." Sabi ko nalang at inabot ang kamay niya.

"Cge mauna nako sa inyo. Nice to meet you again Veamin." Sabi ni Lucas at kumaway kaway pa. Hindi ko ipagkakailang gwapo siya tulad ni Jiro.

"Siya si Lucas isa sa lima. Siya ang pinaka playboy sa amin. Kaya mag ingat ka sa kanya."

"Ooh nasan pa yung tatlo mong kaibigan?"

"Siguro nasa kanya kanya nilang babae." Ah ganon?

"Ikaw wala ka bang girlfriend?" Tanong ko.

"Ako? Wala pero babae meron." Ngumisi pa si mokong.

"Ganun na din yun." Sabi ko sa kanya at naglalakad na patungo sa classroom.

Umupo na ako sa desk ko ganun din ang ginawa ni Jiro. Hinihintay nalang namin ang prof namin. At dumating na rin siya.

Natapos na ang isang araw na klase. Hay salamat makakauwi na rin.

*pitpitpit

Sino naman kaya tong makapag busina saken?

"Veamin gusto mo bang sumabay saken?" Si jiro nga pala.

"Ah hindi sasakay nalang ako ng trycycle." Sabi ko. Oo tama trycycle kase ayokong paalam na isa ang tatay ko sa nag mamay ari ng school na to at marami kaming nagsisilakihang kumpanya sa bansang ito at mapa sa ibang bansa. Gusto ko ang buhay ko ay simple lang.

"Tricycle? Diba mayam---" pinutol ko na. Oo nga pala nakita niya ako na naka dress at hills tapos tricycle lang ako?

"Ah-Eh di naman ako mayaman. Nakipag date lang ako sa hapon para makapera." Sabi ko. Hindi ako nahiya dahil hindi naman totoo.

"Huh? Nakikipag- date ka sa ha---"

"Oo. Para mag kapera ako at makapag aral sa ganitong skwelahan. Sige mauna na ko. Salamat." Wala akong pake kung anong isipin niya. Kesa naman malaman niyang mayaman ako. Tsk

"Senorita tara na ho." Nandito na pala si manong gi salamat naman at di nakita ni jiro. Pinagbuksan niya na rin ako ng pinto

"Salamat po." Sabi ko kay manong Gi.

Thank you Lord at natapos na ang isang araw. =)

My Boyfriend Is My ENEMY  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon