LONGEST CHAPTER I HAVE EVER MADE....
C͜͡H͜͡A͜͡P͜͡T͜͡E͜͡R͜͡ 19.2: P͜͡A͜͡Y͜͡B͜͡A͜͡C͜͡K͜͡ T͜͡I͜͡M͜͡E͜͡!
Ysabel
"Empress, meron po kaming nahuli sa loob ng building na kasabwat nila nung wala kayo dito."
"Nasan siya?" Malamig kong tanong.
"Nandun po siya sa chamber." Iniwan ko na siya dun at dumiretso chamber.
Ang torture area or mas kilalang 'killing chamber' ay bahagi ng KOH. Nasa pinakadulo ito ng building at kailangan mo pang sumakay ng elevator para makarating dun. So basically, may underground ang KOH. May metal door ito na naka-lock at pwedeng makapag-unlock nito ay ako o si Mike. Machete, machine gun, armalite, lahat ng klaseng sniper at assault rifles, shotguns, pistols, mga bomba, lahat ng malalaki at maliliit na kutsilyo nandito nakatambak lahat. Iilan lang ang mga taong nadala namin dito. Mga sampu?
Nakasalubong ko sa elevator sina Nathan, James, Jaime, Athena at Michelle. Nagulat sila ng nakita ako pero hindi ako umimik hanggang sa umabot na kami sa 3rd floor ng underground. Lalabas na sana ako ng nagsalita si Nathan.
"San ka pupunta?"
"Sa pupuntahan." Malamig kong tugon at lumabas. Nakarinig ako ng footsteps na nakasunod sa akin at alam kong sina Nathan iyon. Nasa tapat na ako o kami ng nagsalita na naman si Mike.
"Empress, kakagaling lang namin diyan. Bukas nalang natin siya balikan." Humarap ako sa kanila at tinitigan sila isa't-isa.
"Wala akong pakialam kong kakagaling niyo pa dito. Ako ang papasok, hindi kayo. Nasa inyo nalang kung sasama kayo o hindi." Tumalikod ako sa kanila at hinarap ang monitor kung saan itatype ang password.
B-I-T-C-H-E-S-K-I-L-L
PASSWORD CORRECT!
Crank! Crank! (tunog ito ng pagbukas ng pinto. Basta, iimagine niyo na lang na ito ang tunog!)
Pumasok ako at inikot ang aking paningin. It's been a long time since I've been here. Naglakad ako habang iniikot pa rin ang paningin ko. Nasa gitna ang kung saan ang torture area. Bale nasa left side lahat ng mga baril kabilang na ang mga rifles. Nasa kanan naman ang lahat ng knives at nasa pinakadulo ang isang malaking kahon na puno ng bomba. At ang mas pinakatindi na hindi ko pa nagamit bilang pangtorture sa isang tao ay ang acid shower. Isa itong shower pero hindi tubig ang lumalabas.
Acido.
Tahimik kaming naglakad hanggang umabot kami sa gitna at nakita ko ang lalaking puno ng pasa pero walang kutsilyo o baril man lang ang pinaputok sa kanya. At nakatulog pa siya habang nakaupo at nakatali.
"Ganyan ba kayo magbigay ng parusa? Iyan ba ang tinuro ko sa inyo?" sabi ko sa kanila na nakatitig lamang sa lalaki. Pinuntahan ko ang lalaki at malakas na sinipa ang upuan niya at siyang ikinatumba niya. Inupo na naman siya pabalik ni Mike.
"Ano ba?! Kita ng natutulog ang tao?!" Bulyaw niya sa amin. Uminit ang ulo ko sa asal niya.
"Sino ka ba para makapag-asal ng ganyan sa amin?!" Tanong ni Athena. Ngumisi ang lalaki at tiningnan niya ako.
"Ikaw ba si Ysabel Reyes?" Nguso niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
"Ikaw nga. Well, ito lang masasabi ko sa iyo. Karapat dapat lang na mamatay ang magulang mo kasi kapa--"
Boogsh!
"Empress!" Hinila nila ako palayo pero nagpumiglas ako at tagumpay na nakawala. Dumiretso ako sa cabinet na may maliliit na kutsilyo at kumuha ng isa. Ingat-ingat ko itong dinadala dahil poisonous knife ang hawak ko. Kung madapuan ang balat mo nito, in less than 10 minutes, pwede kang mamatay.
BINABASA MO ANG
When Ms. Gangster meets Mr. Gangster
Teen FictionShe witnessed her parents die. She suffered her whole life parentless. And now she's back for REVENGE! Ysabel, also known as Ysa, grew up with her grandma. But things get more dangerous as the assassins who killed her parents found her. She will als...