CHAPTER 27

430 8 0
                                    

[Hero's POV]

Nagkataong sabay kami ni Shaira na dumating ng school. Pinapansin niya yung pagiging tahimik ko at ngiti lang ang tanging sagot ko.

Pero ang totoo inis na inis ako. Kanino? Hindi ko alam. Kaya lalo akong naiinis.

At inexpect kong pagpasok ko ng room ay makikita ko si Hannah with a worried and apologic eyes. Pero nang makita niya ko sa pinto-- she looked away. I unconsciously gulped looking straight at her and then sit beside her still staring at her. Pero hindi niya ko sinulyapan. Halata namang nakikita niya ko sa gilid ng mata niya pero ayaw niya kong pansinin.

Didn't she still owe me another apology?

Sobra akong nagtataka dahil kahit kailan hindi siya umakto ng ganito. Ang tratuhin akong invisible.

Nanliit ang mga mata ko ng makita kong nakasulyap sa di kalayuan si Geoff. Busy ang mga kasama niyang nagtatawanan. He then took an irritating grin. Tumingin siya kay Hannah bago tuluyang nakisamang tumawa sa mga kasama.

Humalukipkip ako at sumandal. Muli, tinignan ko si Hannah. Diretsyo parin ang tingin niya sa harapan. Sh*t lang. Natitiis niya na ko?

Buong period kong tiniis ang hindi siya abalahin. Ni hindi niya rin ako inimik at maski ata tignan ako sa sulok ng mga mata niya hindi niya nagawa. Pilit kong iniisip kung ano ang dahilan ng pagiging ganito niya. Clueless ako.

"Tara na maglunch." tinignan ko kung sino ang sinabihan niya. Ako pala. "Hero, pwede mo ba kong samahan maglunch?" si Shaira na nasa harap ko ang nagtanong pero kay Hannah ako tumingin. Wala siyang reaksyon pero mataman siyang nakatingin sakin. "Diba may pag uusapan pa naman tayo?" Hindi ako agad nakasagot. Alam ko kasing hindi sa canteen kumakain si Shaira twing lunch. Sa office. Which is a 20 minutes-drive. Ako na ang umiwas sa tingin ni Hannah."Ahh s-sure." I have no choice. Naintindihan ko ang ibig sabihin ng tingin ni Shaira. Na may kailangang  gawin sa opisina. Pero sakin parin nakatuon ang tingin ni Hannah. Nang tignan ko siya. Inirapan niya ko at nagsukbit ng bag.

"Princess tara?" bumalik si Geoff na nasa pinto. Gusto kong pigilan si Hannah lalo pa nung nakita kong inalalayan siya ni Geoff sa likuran niya.

Lintek ka Geoff. Pag nalaman ko kung anong ginawa mo at sinabi mo kay Hannah lagot ka!

"I'm sorry kung nakaabala ako kanina. Pero importante to." nasa elevator na kami ng building ng opisina ng magsalita siya. Ngumiti lang ako ng pilit para ma-loose yung pagiging guilty niya sa ginawa niya. "Maiintindihan naman siguro ni Hannah." *ting. Pagkalabas ng elevator diretsyo kami sa investigator na naghihintay sa office ko.

"Magandang tanghali." tumayo yung investigator pagkapasok palang namin sa pinto.

"Magandang tanghali po. Dala ko na yung record ng mga naging contacts ni don Ricardo pati ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao." kinuha ko yung folder na nilagay niya sa table. Habang binabasa ko humahanap ako ng malaking pag asang sana mahanap na si papa.

"Joseph Sarmiento recently had a call from a suspicious number. I traced the number myself, one hour after their conversation but the number cannot be reached anymore." kumunot ang noo ko sa narinig at nabasa ko.

5 minutes call? Joseph Sarmiento? 34 years old. Ibig sabihin...

"Si Joseph Sarmiento ang pinakapinagkakatiwalaang tao ni don Ricardo. Anak siya ng dating butler. Malapit ang loob ng mga Sarmiento sa pamilya Cuevas. Kaya malaki ang tiwala ni Ricardo sa kanila. Kung yung tumawag ang mga nagbabantay kay sir Homer malaking pagtataka ko ay kung bakit sa personal phone pa ni Sarmiento tatawag ang number na yon. Nasa kanya rin naman ang personal phone ni Cuevas. Maliban nalang kung personal na tawag lang yon. Pero bakit biglang hindi na makontak? Kaya ng mga nakakaraang araw si Sarmiento ang binantayan ko."

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon