CHAPTER 7 revised

1K 29 1
                                    

"Langya lang.. kung maka angkin ah. H'wag kang mag alala, hindi ko naman aagawin." nagpatuloy kaming maglakad habang nag uusap. Sa pagka playboy nitong kaibigan ko  na to, hindi ko lang talaga malaman  kung paano ko naging kaibigan.

"Aagawin?She's just a bestfriend. More like a sister, ayoko lang mapunta sa'yo at alam ko kung gaano ka kachickboy." I said  almost ignoring his presence. Ganito lang ako sa kanya pero sanay na siya dahil matagal tagal na rin kaming magkaibigan.

"Naks, pare, kung hindi pa kita kilala. Walang kaibi-kaibigan sayo. Saka hindi ako chickboy, Mahilig lang akong mag appreciate ng magagandang babae sa paligid. Hindi ko palang talaga nakikita ang babaeng para sakin. Buti ka pa nakita mo na ang 'Hannah mo'. Hahaha." sabay akbay niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama, a death glare I used  to  give him especially when he  talks non -sense.

"Kulit mo talaga." sabay tulak ko sa noo niya. Parang may sayad lang kung makapagsalita. He's reffering to Hannah okay? Not just any other girls that I  used  to date. Hindi na nga kami pwede.

"Naman pare. Ay, teka... may sasabihin ako sayo." sabay akbay niya ulit sa akin. Iba talaga to, enrollment palang may balita na. Lakas talaga.

"May nakita akong chicks kanina. Actually, nagkabungguan kami then..." nagdedemonstrate pa niya  yung katawang sexy nung babaeng  dinedescribe niya.

"Nakabungguan o sinadya mong bungguin?" tinignan ko siya  ng makahulugan.

"Oy, hindi ah. Fate ang tawag doon. Me.. Her.. in that kind of moment. She's really charming as it is." binatukan ko nga. Nag  daday dream  nanaman.  Kung makademonstrate kasi, parang totoo.

"Pare, naman. Nakakailan ka na. Papatulan na kita jan." aktong babatukan din niya ko nang hamunin ko siya ng tingin. Pero  hindi niya natuloy. Takot din sa  akin to eh.

"Nagiging korny ka nanaman kas---"

*Blagg...

Notebooks and some books are all over the  ground. Nilingon namin parehas ang babaeng nakabunggo sa likuran ko.

"Ahhgh, sorry. Si tita naman kasi, daming pinapadala. Thanks. " tinulungan namin siya ni  Nick. Her scent is somewhat familiar.

Teka...

"Shaira?" my voice is covered with questions. What is she doing here? Akala ko ba magto-tourism siya?  Diba...

"Oy, Hi! Ikaw pala yan. Sorry ah. Kamusta?" sabi nito ng makatayo na siya at mabitbit na  ng maigi ang mga dalang libro.

"Okay  naman. Dito ka  mag aaral?" todo ngiti kong tanong sa kanya. She's nice and very simple kaya  kami nagkasundo  agad.

"Pare, natural. Tingin mo nag-audition din gaya mo?" singit ni Nick mula sa likod ko. Kaepal ba? May nag-uusap diba?

"Audition?" nagtatakang tanong nito.

"Hi.. ako nga pala si Dominick, but my fellas call me 'Nick'. Nice to meet you, Shaira, right?". Masiglang nagpakilala si Nick kay Shaira at nakipagkamay pa.

Langya lang...

Diskarte agad ah?  Kapresko lang ni pare!

"Ikaw yung tumulong sakin kanina sa entrance diba?" bakas ang pagka pamilyar ni Nick kay  Shaira. Si Shaira ba yung sinasabi niyang "Fate"? No wonder.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon