CHAPTER 32

755 24 16
                                    

"Ano?? Yun lang pinag usapan niyo?" ayan nanaman si Dom sa I-can't-believe-you look. Ehh sa hindi ko naman kasi nakausap ng matino si Geoff eeh.

"He always try to divert the topic Dom. Naiinis nga ako kasi di niya ko sineseryoso kanina." nagpangalumbaba ako saka bumuntong hininga. Langya naman kasi si Geoff. Napaka-secretive.

"Sinabi mo bang alam mo na yung tungkol sa kanila ni Shaira?" umiling ako ng sobrang tamlay. Inirapan nanaman ako ni Dom. Seriously?? Nakakailang irap na siya ahh. Nagpangalumbaba nalang din siya. We faced each other with a weak system.

"You know? You should've said him that. Malay mo mag-open up siya sayo, diba?" bumuntong hinga nalang ako bilang sagot. Maybe I should've. Ano nga bang kinakatakot ko?

"Are you afraid?" suddenly I get interested at Dom's topic. "Takot ka noh?" sumandal ako then as I turn to her again. She's smiling. Alam na niyang tama siya kaya ganun. Natatakot talaga ako na maging seryoso ang topic namin ni Geoff. Seriously? As in seriously! Never ko siyang nakausap SERIOUSLY! (Ayan caps-lock para intense)

"Tama ako. Takot ka. Takot kang magsimula ng something serious between the two of you. Do you know why??" yun nga ang tanong ko sa sarili ko eh. Kung bakit ako takot. At grabe hah.. si Dom pa ang makakasagot non para sakin mismo.

"I thought so. Hindi mo alam." sumandal na rin si Dom. Her eyes narrowed looking at me as she smiles meanigfully. Nagpapaexcite pa to. Gusto ko na nga malaman kung bakit ehh.

WEHH? Talaga bang mas kilala ako ng ibang tao kaysa sa sarili ko mismo?? Bakit ba ganito ko? HUHUHU! TT__________TT

"Kasi assuming ka... in a different way nga lang. Ikaw yung tipong... ayaw nung naa-assume. Gets mo? Tss." HHHAAA?? Magulo! 

"Diba ikaw na rin naman ang nagsabi. You see Geoff as a friend? Kasi sobra kang natutuwa sa kanya. Yung tipong lagi kang nakatawa pag kasama mo siya. Pero dahil ang tinitibok tibok ng iyong heart ay si Hero.. ayan, you're letting you're mind think... na hindi ka gusto ni Geoff kahit na everytime na magkasama kayo lagi niyang pinaparamdam sayo na hindi lang friends ang turing niya sayo." suddenly lahat ng sinabi ni Dom strikes me. Kung bato siguro yung mga words niyang binabato sakin... malamang wala na kong mukha.

"Bebs.. you see.. there's nothing wrong kung masaktan mo si Geoff. Lahat ng tao nasasaktan when it comes to love. At least pag nalaman niya na agad.. mas madali niyang matatanggap. That you're the heartthrob's princess, not his." nasa stage pa rin ako ng realization. Parang ayoko pa rin maniwala. Hindi naman siguro. Tama. Confused lang ako kaya ako ganito. Tama. ^_________^

"Hay nako... you denied it to yourself, again." napabaling ako ulit kay Dom. Nakataas ang isang kilay niya and with again, a disappointed look.

"BAAABBESS!" sabay kaming napalingon sa sumigaw papalapit samin. Si Nick yung exaggerated, na naka-wide arms pa. Si Hero naman cool lang na nakapamulsa tapos hindi man lang mangiti. Nabigla pa siya sa exaggeration nung kasama niya kaya napatigil siya saglit at naiwan nung tumatakbong papalapit samin.

"Babes, namiss kita!" ako mismo ang kinikilig sa ginagawa ni Nick para kay Dom. Sa totoo lang. Kahit laging wala si Nick... bawing bawi talaga pag nagkakasama sila. Hayy! So happy. :""""">

"How's your chat with Geoff?" nakalapit na rin pala si Hero samin. Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko nung katabi ko na siya. Tuwang tuwa ako sa dalawa sa harap ko kaya ayan tuloy hindi ko napansin katabi ko na siya.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon