CHAPTER 10 revised

965 24 0
                                    

"Heyy.. Hannah? Teka nga.. anyare sayo?" sabi ni Dominique habang tinitignan ako na para bang takang taka.

Parehas na tumaas ang kilay nila habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Pinipigil kong ngumiti sa paraan ng pagtingin nila sa kabuuan ko. Hindi ko alam kung nagustuhan nila o hindi ang major make over ko. Kasi naman may nakita ako sa internet... sabi makakatulong raw to sa mga brokenhearted. Not that I thought na gayahin talaga.. it just happens na naging interesado rin ako.

"Okay ba? For the first time nagamit ko ang internet sa magandang paraan." sabi ko sabay ayos ng bag ko sa balikat. 

"May laso ka ba? Ba't ganyan ka magsalita? Parang nagbakasyon lang ng halos isa't kalahating linggo, eh nagkaganyan ka na." sabi ni Dom sabay tinginan nila ni Thomas.

"Oyy tehhh! Infairness naman ahh. You look bongga today. I like the transformation. Pero what happen ba? Do you have a new papa?" ngumiti naman ako agad. Buti naman kahit isa may nagsabi ng positive sa pagbabago ko. Si Dom kasi parang ayaw niya. Hmmm...

"Wala. Kayo naman, ayaw niyo ba ng ganito. Syempre lahat ng tao nagbabago rin naman." ngumiti ako sadya kong inartehan na parang pang pictorial ang dating sabay pungay pungay ng mga mata.

Ramdam ko ang mascara ko. Ngayon ko lang to ginawa. Yung tipong ako mismo ang may gusto na magayos. Sabi kasi nila magmature ehh. Ayan. Unahin natin ang looks.

Umismid si Dominique while looking at me from head to toe, and for the last time she show me her distaste look.

"Yuck." said she.

"SO why nga ba you're so pagirl?" asked Thomas habang papapanhik na kami ng hagdan papunta sa room ko ngayong araw. Sabi kasi nila makiki-sit it raw sila dahil mamaya pa yung klase nila sa economics.

Ngumiti lang ako habang nauunang naglalakad papanhik. Ayoko naman kasing sagutin eh. Basta lang may dahilan.

"AYYYYYYY! Snobish." sabi ni Thomas.

"Pilitin mo muna ko." then I continued walking.

"Sige na nga. PILIIIITTT!"

Sige na nga pinilit na ko ehh...

"Kasiii..."

  FlashBack.

"YESS! WUTWOO! Mahaba habang bakasyon itey! Bet na bet!" said I while stretching my arms forward and up habang nasa sasakyan na pauwi.

Tinignan lang ako ng kakaiba ni Hero. Then acted matured with a side smile.

Ah wafakels papa.

"Kuya daan tayo starbucks." sabi ko sa driver. Kahit naman hindi namin driver yung sinabihan ko, sinusunod din naman ako nito kaya okay lang.

Narinig kong bumuntong hininga si Hero. Ewan ko kung sinadya niyang iparinig yon just so show that he's tired.

Natahimik naman ako kasi parang biglang naging awkward. Lumayo tuloy ako kay Hero at kunwari itinuon ko sa daan ang tingin ko.

Ilang weeks na rin yung nakalipas after nung sobrang naguluhan ako dahil kay Hero. Buti nalang hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin si Hero at nag aral aral nalang.

Nakatulong sa akin ng malaki yung hindi namin madalas na magkasama.

"Maam Hannah, nandito na po tayo."

Aba oo nga noh? Aktong kukuhanin ko na sana yung bag ko ng unahan ako ni Hero.

Tinignan niya ko ng matalim saka inilagay sa front seat yung bag ko.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon