CHAPTER 28

411 18 0
                                    

*Beep

Kasalukuyang nag-didinner kami ng parents ko kasama si tita Lorie nang may tumunog yung phone ni tita. Hindi pa rin matapos tapos ang usapan nila. Nagsasalita pa rin si tita habang kinukuha sa bag yung phone niya.

Halata sa kanya na nagpapanggap siyang okay lang siya. Na kaya pa. Pero naaawa ako. Hanggang ngayon wala pa rin si tito Homer. Halos magdadalawang buwan na siyang nawawala. Yung mga magulang ko sinisikap na i-accompany si tita para hindi niya maramdaman ang pag iisa. Buti nalang medyo nakakangiti na siya.

"Si Hero pala. Kakauwi lang daw niya." sabi ni tita habang binabasa yung text sa kanya. "Ohh, sabihin mo dito na mag-dinner. Baka hindi pa siya kumakain." sabi ni mama. Ngayon palang siya umuwi? Himala! Ang aga!

Nag-dial si tita Lorie saka tinapat sa tenga yung phone.

"Anak. Kumain ka na ba? Nandito ako ngayon sa mga tita Nancy mo. Dito ka na kumain kung gusto mo. Hindi kasi ako nagpaluto sa katulong eh."

"Hah? Sigurado ka? Anak baka naman malipasan ka ng gutom niyan. Dadalan nalang kita jan ng pagkain kung pagod ka. No. Kakain ka. Wag matigas ang ulo. O siya sige. Bye."

Binaba na ni tita yung phone. "Loko talaga tong anak ko. Pinapatay na ang sarili sa pagod. Dalan ko nalang siya ng pagkain." napapailing si tita Lorie nang humarap sa kinakain. Tumayo na ko para maghilamos. Tumayo na rin si mama at hinanda yung ibibigay kay Hero.

*ringgg..

"Hello?" tita Lorie picked her phone for the nth time. Kanina pa tawag ng tawag ang mga nurse na nagbabantay kay lolo William sa kanya. Hindi na nga siya nakakain ng matino kakasagot sa tawag.

"Ahh yes, I'll be on my way. Sige." nagmamadaling tumayo si tita Lorie. "Anong problema?" tanong ni papa. Hindi magkaugaga si tita Lorie na nilagay sa bag yung phone. "Tumawag yung nurse. Ayaw daw uminom ni papa ng gamot. Pasaway talaga yun." natawa ng mahina si papa sa sinabi ni tita. Pati si mama nangiting humarap sa kanila.

"Kilala mo naman si tito Will. Walang tiwala sa ibang tao yon." komento ni papa. "Naku sige na puntahan mo na. Baka madelay pa yung paginom ni tito ng gamot. Si Hannah nalang ang pagdadalin ko ng pagkain ni Hero." sabi naman ni mama. Ohh? Bat ako?

Alam naman ni mama na hindi na kami nag-uusap ni Hero. Hayaan niyo siyang magutom. Tss!

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon