CHAPTER 1 revised

3K 52 5
                                    


"Alam mo, may feeling ako na magkakatuluyan yang mga anak natin pag tanda nila." ani Lorie sa kaibigan niyang si Nancy habang abala ito sa pag iihaw ng isda para sa tanghalian nila. Ang mga asawa naman nila ay abala pagtatayo ng tent.

"Tignan mo sila Nancy, may future oh." Nilingon naman niya ang itinuro ng kaibigan. Nakita niya ang anak niyang masayang masaya kalaro ang bestfriend nitong si Hero habang gumagawa ng sand castle.

"Nako Lorie hah. Kabata bata pa ng mga anak natin." abala pa rin niyang inaayos ang mga nakaempakeng pagkain. Malaki ang kaibahan nila ni Lorie sa paniniwala. Napakasimple lang siya at aminado siyang mahina ang loob niya sanapakaraming bagay. Hindi siya ganoong katatag gaya ni Lorie. Mabuti nalang rin na naging magkaibigan nito dahil siya na rin ang nagsisilbing gabay niya kadalasan. Masaya sila lagi, ni minsan wala silang napag-awayan. Ngayon, may naiimagine nanaman itong kakaiba. Natatawa nalang siya sa isip niya.

"Eto naman. Syempre may potential sila oh." nagkatinginan muna sila at makatapos ng ilang segundo saka natawa. Bakit? Hindi nila alam. Basta pag nagtinginan sila laging ang tuloy nito ay tawanan. Nakasanayan na nilang ganito sila. At nagpromise silang hindi sila magbabago.

Maya maya nama'y tumakbo ang mga anak nilang si Hero at Hannah sa direksyon nila na tuwang tuwa sa senaryong nakikita sa beach. Madalang kasi silang mabakasyon. Kapwa abala sa trabaho sila Lorie at ang asawa nitong si Homer kaya hindi nila nabibigyan ng sapat na oras ang anak. Madalas kasi silang nasa opisina ng lolo ni Hero. Laging busy. Hawang hawa sila sa pagiging workaholic nito dahil obligado silang mag over time twing nag oovertime din ito. Kaya si Hero laging na kila Hannah.

Si Nancy naman ay may inaalagaang boutique kung saan sosyo sila ni Lorie. They were planning na paglaki ng mga anak nila ay sa kanila nila ito ipapamana. But unlike Lorie, Nancy has a lot time with Hannah. Yun kasi ang pinili niyang priority. Smooth lang kasi niyang pinapatakbo ang boutique, araw araw rin naman siya doon pero umuuwi rin agad after niyang macheck ang lahat.

"Tita Lorie, hindi po pala marunong lumangoy si Hero." nagkatinginan silang magkaibigan, maski rin naman kasi si Lorie ay hindi natutong lumangoy sa dagat. May takot kasi siya sa dagat. Marahil namana ito ni Hero kaya maski ito sa pool lang madalas nagbababad.

"Nako baby. Takot kasi kami ni Hero sa dagat eh. Do you want to teach Hero how to swim?" binaling ni Lorie ang tingin sa anak, busy ito na nakatingin sa isang maliit na kabibeng nakita nito sa dalampasigan. He seems so curious. Napangiti siya, manang mana kasi ito sa ama nito na curious kahit sa maliliit na bagay.

"Wag na po tita. Duwag po si Hero eh. Umiiyak po siya kanina nung hinihila ko siya papunta dun ehh." napapakamot nalang tuloy si Hannah habang tinatanaw ulit ang kaibigan sa malayo.

"Takot pa kasi siya sa ngayon baby. Paglaki niyo ikaw magturo sa kanya hah." tumango naman ang cute cute na 6 years old na si Hannah ngumiti ng malapad sa tita Lorie niya. Maya maya'y tinabihan na nito ang tahimik na si Hero.

"Hero, what's that?" Kusang nilingon ni Hero si Hannah.

"This is a Clam, kabibe sa tagalog. I dug it out from the sand while you were busy swimming. I have read something about this from the book na binasa ko kahapon eh." kinuha ni Hannah mula sa kamay ng kaibigan ang kabibe at pinagmasdan maigi. Napangiti siya sa ganda ng kabibe. Tumayo sila parehas nang marinig na tinatawag na sila ng mommy nila.

"Ang ganda talaga. Anung sabi sa nabasa mo?" curious na tanong ni Hannah.

"Sabi doon, Clams are kinds of invertabrates, found in the oceans. Ang pinakamalaking clam sa mundo, tawag nila, Tridacna Gigas.  " walang kakurap kurap na sabi ng 6 years old na si Hero kay Hannah.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon