CHAPTER 33

831 15 6
                                    

CHAPTER 33

Kasalukuyang mag-isa si Fran sa tent kung saan siya dinala ni Robb, umalis kasi ang asawa niya matapos siyang ibaiba doon dahil kukuha daw ito ng makakain at maiinom niya. Wala naman siyang ibang nagawa kung tumango nalang dito dahil di niya alam kung paano ito haharapin o kakausapin matapos ang lahat ng sinabi niyang pagtatapat dito na di parin nito sinasagot hanggang sa oras na iyon.

Tapos na, nagtapat ka na... sinayang mo lahat ng efforts mo. Wala na, kalimutan mo na siya, pagpasok niya uli sa tent na yan sabihin mo na kakalimutan mo na siya at sorry sa pagiging OA kanina! Yung mga sinabi niya kaninang wife ka niya wag mo nang bigyan ng malisya wala lang lahat yun! Isip niya sa sarili niya at pag-pigil sa pag-asang unti-unti nanamang umuusbong.

"Must abandon all efforts of making him fall in love with you! Okay, I got this! Operation forget Robb starts now!" Pagpapalakas ni Fran sa loob niya nang biglang bumukas ang zipper ng tent at pumasok sa loob si Robb na may dalang tinapay at juice.

"Eat." Simpleng sabi nito sabay abot sa kanya ng mga dala-dala nito.

"Uhm... Thanks." Sabi niya sa asawa dahil hindi niya sigurado kung narinig ba nito ang mga sinabi niya o kung ano pa ang iba niyang dapat sabihin dito.

Sa sobrang gutom ni Fran sa loob ng ilang minuto ay wala na siyang inisip na iba kundi ang kumain kaya naman di man niya napansin na umupo na pala sa tabi niya si Robb at nabigla nalang siya nang bigla biglang nagsalita si Robb na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya.

"I'm sorry." Mahinang sabi nito kaya naman nabilaukan si Francesca sa gulat dahil biglaan at di din niya inaasahang hihingi ito ng tawad.

Ba't siya nagsosorry? Dahil nagustuhan mo siya? Bakit? Bakit? Sigaw ni Fran sa sarili niya dahil matapos nitong humingi ng tawad ay di pa ito muli nagsasalita.

"For saying all those things about you... about you and Jeff." Mahinang sabi nito habang nakaupo parin sa tabi niya at nakatingin sa malayo. Tinitigan ito ni Fran na wala namang masabi, habang tuloy lang ito sa pagsasalita.

"I know I haven't been the greatest... erm... husband considering our situation but you do know what we have is just a deal so I tried distancing myself from you." Paliwanag pa nito sa mahinahong boses.

"Yes, alam ko. Kaya nga magmula ngayon titigila-" Paguumpisa ni Fran ngunit tuloy tuloy parin sa pagsasalita si Robb.

"No, I don't want you to stop. I appreciate everything." Sabi ni Robb na ikinagulat pa ni Fran.

Don't stop... loving him? Ano? Anong nangyayari? Gusto na din ba niya ako! Sigaw ng isip ni Fran ngunit di siya makapagsalita upang itanong ito sa asawa.

"Don't think about what you said earlier anymore and..." Biglang naputl ang sinasabi ni Robb nang may narinig silang tumatawag sa kanilang dalawa mula sa labas ng tent.

"Robb, Fran! We're having a bonfire come! Bilis labas kayo dyan. We have marshmallows and I know how you love sweets!" Sigaw ni Jamila mula sa labas.

And... and what! Nako naman tong si Jamila reyna ng wrong timing! Nako! So di ako susuko? And what? Ano pa! Jusko po bitin na bitin. Naiiritang isip ni Fran habang nakatingin sa tumayo na bulto ng asawa na sa ngayon ay iniabot ang kamay sa kanya para itayo na rin siya.

"Let's go? Is your foot okay?" Tanong nito sa kanya. Di siya makapaniwala sa biglang pag-iiba nito na parang naging caring at napakabait bigla.

"Uhm... oo." Lang ang naissagot niya sabay abot sa kamay ng asawa at tayo mula sa kinauupuan.

Nang makalabas sila sa tent ay naglakad sila ng magkatabi ng walang sinasabing maski ano.

Should I ask? Tatanungin ko ba... ipapatuloy ko ba yung love confession niya? OMG FRAN! Sabi mo di ka na aasa anong love confession ka dyan! Litong lito si Fran habang naglalakad at nagtatalo ang mga ideya sa isip niya.

Pagdating nila sa grupo ay may malaki nang bonfire na nakaset-up at napapalibutan ng mga kaklase niya na nakaupo sa mga blankets na nakalatag.

Natuwa si Fran dahil halatang successful at napaghandaan talaga ni Jamila ang lahat.

"Fran! Here here!" Tawag sa kanya ni Jamila na katabi ang fiancé nito at pati na rin si Jeff.

Tinignan naman ni Fran ang asawa at tumango lang ito at sabay silang naglakad papunta sa direksyon ng kaibigan. Bago pa man naisip ni Fran ang ginagawa niya ay bigla niya nalang hinwakan ang kamay ng asawa na ikinagulat nito.

Bahala na si Batman! It's now or never! Fighting! Sigaw ni Fran sa isip niya bago magsalita.

"Sabi mo don't give up di ba? Handa ka na ba sa full-force ko? Maski maubos na yung part ko sa deal wala akong pakialam, prepare yourself to fall inlove with me Robb Villaruiz" Bulong niya dito sabay ngiti.

Wala namang sinabi ito at bahagya lang na natawa.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon