CHAPTER 50

437 6 3
                                    

CHAPTER 50

Dedicated to my lovely cousins <3 Ate Nicole and Nadine.. kasi pinaalalahanan nila akong mag-update. Sorry nga pala sa inyong lahat... alam kong sobrang overdue na ng update, but I'll finish this story in two months? Vacation ako til August eh :>

Sorry na guys... I promise I'll update regularly from now on..

"So do you want to?" Nabigla nang kaunti si Francesca sa pagsulpot ng asawa na si Robb sa likuran niya.

Di niya kasi napansin ang pagdating at pagkausap nito sa kanya dahil busy siya sa paglalagay ng frosting sa bagong bake niyang mga cupcakes. Naghahanda kasi siya dahil balak niyang ipasalubong ang mga ito sa mga bata sa bahay ampunan na dadalawin ng foundation ng kompanya nila Robb sa umagang iyon.

"Do I want to what?" Distracted na sagot niya dito. Nararamdaman niya kasi kung gaano kalapit ito sa kanya pero alam niyang kailangan niyang magconcentrate sa ginagawa.

Concentrate Fran! For the kids! Mamaya kana maglandi. Kastigo niya sa sarili.

"Come?" Sabi uli nito na lumipat sa harapan ng counter opposite where she's working.

"Come sa?" Tanong niya uli without casting a glance at him. Isang maling pisil lang kasi ay mapupurnada ang cupcake na ginagawa niya. Paubos na pa naman ang ingredients niya at di na niya kayang ulitin pa ito dahil maaga ang alis nila.

"Ano ba Francesca..." Bahagyang naiiritang tono ni Robb.

"Alin ba?" Tanong uli niya.

"Just look at me for christ sake." Sabi nito sa harapan niya pero pinilit niyang pigilin ang sariling tignan ito.

"Wait lang kasi nag-ffrost yung tao. Alam mo alam ko na gwapo ka... 80% off the time sa iyo ako nakatingin, etong 20% naman hati sa pagtulog at doing things for you... Pero maski sa pagtulog ikaw yung nakikita ko so 90% kana dun.. kaya wait lang wait lang ha." Mabilis na sabi niya. Nakagawian na ata kasi nitong idistract siya tuwing natatapos ang trabaho nito.

"Look at me.... 100%" Sabi nito sabay lakad uli papunta sa likod niya at lapit ng mukha sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay nararamdaman niya na ang hininga nito sa batok niya.

"Uhmm.." Distracted parin na sabi niya dahil patapos na siya sa ginagawa.

Biglang hinapit nito ang baywang niya upang magkaharap sila. Sobrang makahulugan naman ang titig nito sa kanya.

Dyosko po, tukso nanaman.... Isip ni Fran na naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi.

"Fran." Sabi nito sa malalim na tinig that brough shivers to her being. Hindi alam ni Fran kung paano papakalmahin ang sarili kaya bigla niyang napisil ng sobra ang hawak na pastry bag.

Natawa siya dahil sa napasobrang lakas ng hawak sa pastry bag ay sumirit ang frosting na laman nito at napunta sa mukha ng asawa.

"What the.." Gulat na sabi ni Robb sabay na bitaw sa baywang ni Francesca.

"Hahaha sorry sorry." Di mapigilan ni Fran na matawa nang makalayo na ng kaunti sa hawak ng asawa.

Lord, salamat po sa paglayo sa'kin sa tukso dahil ngayon ay makakain ang mga bata at matatapos ko ang trabaho ko. Pagpapasalamat niya kasabay ng paghinga ng malalim. Kung paminsan kasi ay di naiiwasan na magkaroon sila ng intimate moments ng asawa at tuwing mangyayari iyon ay di alam ni Fran kung paano aakto dahil sobrang bilis ng pintig ng puso niya.

"You'll pay for that." Sabi ni Robb with a glint of mischief in his eyes.

"Wait wag yung cupcakes ko!" Nang mahulaan nito ang balak ng asawa. Sinabayan din ni Fran iyon ng mabilis na pagtakbo palayo dito.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon