CHAPTER 49

1K 18 11
                                    


CHAPTER 49




Pagkauwi ng mag-asawa kinagabihan ay sobrang pagod na ni Fran kaya sinabihan na siya ni Robb na mauna ng matulog dahil may tatapusin pa raw itong trabaho na hindi niya nagawa dahil sa ginawang paghahanda para sa celebration ng mga magulang nang gabing iyon.

Pagkagising ni Fran kinabukasan ay agad-agad siyang bumaba para maghanda ng agahan nilang mag-asawa, bagama't nagbalik na ang mga kasambahay nila na pinagpahinga noong bagong kasal sila ay nakasanayan na niyang siya mismo ang naghahanda ng agahan at baon nilang mag-asawa. Ganadong-ganado si Fran sa paghahanda dahil sa mga nangyari nang nakaraang gabi, hindi niya mapigilang mapakanta at mapasayaw sa sobrang saya.

Nang matapos na siyang maghanda ay umakyat siya para gisingin ang asawa ngunit bago pa man siya maka-katok sa pinto nito ay napatigil siya dahil marami paring tanong ang bumabagabag sa kanya.

"Wait... mag-ano na ba kami... magMU? Magboyfriend? o talagang mag-asawa na.." Pagkausap niya sa sarili sa harapan ng pinto ng kwarto ni Robb.

"Bahala na, atleast he admitted something... he liked me? Or he loved me? Grabe di ko na maisip ng maayos kung ano talaga sinabi niya pero same lang naman di ba?" Sabi ni Fran na pabalik balik ang paglalakad sa harap ng pintuan ni Robb.

"sweet ba dapat...wait baka sabihin clingy agad?" litong isip niya.

"Dapat ba indifferent? Baka sabihin naman pa-hard to get?"

"Mababaliw nako..." Pagmamaktol niya dahil alam niyang walang ibang nakakakita.

"Okay kaya ko 'to... be my usual self... okay let's do this!" Pagpapalakas niya sa loob bago kumatok sa pintuan ng kwarto.

"Robb.. Robbb... hubbyyyy, my love so sweet husband." Pagtawag niya sa asawa ngunit wala siyang narinig na anumang response magmula rito kaya napagpasyahan niyang pasukin ang kwarto nito.

"Robb?" Tawag ni Fran pagpasok niya sa kwarto nito ngunit pagkakita niya ay maayos na ang higaan nito at wala na ang asawa dito.

Lumapit si Fran sa r ng kwarto sa pagbabaka sakaling naliligo na ito at idinikit niya ang tenga sa pintuan ng cr para marinig kung andito nga ito.

"Rooobbb? Naliligo ka na ba? Or nagdedeposit..." Natatawang tanong niya ngunit wala parin siyang sagot na nakuha mula rito.

"Robb sisilipan talaga kita pag di mo pa'ko sinagot."

"Robb?"

"Bubuksan ko 'to... i'm not kidding sisilipan kita pag di mo'ko pa pinansin." Pagbabanta niya dito sabay hawak sa doorknob ng cr.

"1.." Bilang niya.

"2."

"3." Pagpapatuloy niya ngunit bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay narinig niya ang pagtawa ng asawa.

"You never fail to amuse me." Sabi nito na nasa may pintuan ng kwarto, looking fresh and already made up while carrying a boquet of extraordinarily arranged flowers in his hand.

"AY NASILIP!" Sigaw ni Fran dahil sa pagkabigla at tinawanan lamang siya ni Robb bilang sagot.

"What exactly would you like to see?" Playful na tanong nito sa kanya habang unti-unting lumalakad ito papalapit sa kinatatayuan niya.

"Ikaw... I mean wala. Wala." Pagtatama ni Fran sa sarili.

"Really?" Di kumbinsidong tanong nito.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon