CHAPTER 10

1.6K 21 3
                                    

CHAPTER 10

         “So…. You’re proposing?” Nanlalaking mata na tanong ni Fran kay Robb habang nasa sasakyan sila.

         “No, I’m laying out a deal” Sabi nito na di man siya nilingon at nakafocus lang ang mata sa daan.

         “You’re asking me to marry you.” Di makapaniwalang sabi niya habang titig na titig sa binata. Di niya alam kung nananaginip ba siya, nagiimagine nanaman ng kung ano-ano o by some twist of fate ay niyayaya na siyang magpakasal ni Robb.

         “I’m asking you to be my wife on paper at magkukunyaring asawa ko in fron of my relatives for the next six months dahil after noon papa-annul tayo then we’ll go on living our lives” iilang segundo itong tumingin ng seryoso sa kanya at binalik ang tingin sa pagmamaneho.

         “Paano pag di ako pumayag?” Nangiinis na tanong niya pero alam naman nilang pareho na papayag siya dahil ito naman talaga ang gusto niya mula pa sa simula.

         “Then fine, sabihin natin na nagbreak tayo and I’ll find someone, an ex maybe or someone who’s less annoying.” Sabi nito at nagsmirk pa ang loko na parang wala lang ang lahat.

         “Kaya ba nag-iba ang isip mo kanina? Kaya bigla mo kong pinakilalang girlfriend mo dahil pumapayag ka na?” she continued asking him.

         “Gusto ko lang inisin si Jeff, dati pa kami magkakompitensiya sa lahat ng bagay at nakita ko na gustong gusto ka niya. I found a chance to get back at him and I took it. Mali nga ata na nagpadala ako sa inis ko sa kanya dahil ngayon bilga akong nagkagirlfriend na napakakulit at napakadaldal” Sabi nito habang hinihimas ang ulo na parang may migraine na pinapalabas nitong dahil din sa kanya.

         “Jerk! Paano kung di ako pumayag at kay Jeff ako papakasal!” Sabi niya na inis na inis ang boses. Nairita si Fran dahil sa nalaman niya na kung wala doon si Jeff ay baka pinaamin parin siya nitong nagsinungaling lang siya sa mga magulang nito.

         “Well then, go ahead. I’m done messing with him.” Sabi ni Robb na parang walang pakialam sa gagawin niya.

         Ilang minuto na walang nagsasalita sa sasakyan. Nagiisip si Fran kung tama ba ang gagawin niya dahil sa oras na pumayag siya ay wala nang balikan, wala nang sukuan at kailangan bago pa matapos ang six months ay mapaibig niya ang binata. Kaya niya kaya iyon? Kaya niya bang mapaibig ang masungit at napakaseryosong lalakeng ito?

         “I’ll marry you”

         “So are you in?” Sabay silang nagsalita ng binata.

         “Okay then, we’ll get married next month and you can go down now.” Bigla siyang nilingon nito at inunfasten ang seatbelt niya. Nagulat si Fran dahil di man lang niya napansin na nasa tapat na pala sila ng bahay ng isa’t isa. Tuloy tuloy lang siyang tumitig sa mukha ni Robb na seryoso ding nakatingin sa kanya dahil di siya makapaniwalang malapit nang matupad ang pangarap niya na maikasal dito.

         “See something you like?” sabi ni Robb na may mapanginis na ngiti bigla habang nakatingin sa kanya.

         “Ohh more than that, I’m seeing something I love” Sabi niya na wala sa sarili.

         “So you still love me huh?” Sabi ni Robb na biglang natawa sa kanya.

Di alam ni Fran kung anong sasabihin at gagawin, mapapahamak na naman siya dahil sa kadaldalan kung di siya makakaisip ng palusot sa lalake.

         “Ang yabang mo! Kala mo naman kung sinong pogi! Di ikaw ang love ko, naiimagine ko lang yung 5 million pag tinitignan ko yang mukha mo.” Palusot niya at dali dali ding bumaba sa sasakyan, narinig niya nalang ang tawa ng lalake na di niya na pinagkaabalahang lingunin.

----------------------------------

Sorry for the short update bawi nalang next update. Wala pa kasi akong makalkal sa imagination ko kung anong kapalaran nila.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon