CHAPTER 18

1.1K 10 0
                                    

CHAPTER 18

 

“Wooh thank you kuya! Ang gaganda talaga ng mga nakita ko sa ilalim ng dagat kanina” Manghang-manghang sabi ni Fran sa nagsilbing tour guide at activity guine niyang si Mang Kardo. Kakatapos lang niyang umahon magmula sa pagsnorkeling na unang-una sa listahan ng activities na inihanda para sa kanila.

“Ay walang anuman po ma’am.” Nakangiting sagot sa kanya ng matanda at inalalayan siyang umakyat pabalik sa bangka nito.

“Kuya sa susunod yung parasailing? Pwede bang balik muna tayo sa resort sandali bago natin gawin yun? Medyo masakit kasi yung tyan ko hehe. Napasobra ata ako ng kain kaninang umaga. Okay lang po ba?” Sabi ni Fran sa matanda dahil kumukulo talaga ang tyan niya.

“Ay okay lang po. Saka po mas maigi din po kung kasama niyo si sir Robb. Yun po kasing parasailing ay iyong itatali sa bangka yung parang hot-airballoon at sasakay kayo. Masayo po iyon pero mas masaya kung may kasama kayo sa experience ma’am” Sabi ng matanda habang pinapaandar na ang bangka pabalik sa dalampasigan.

“Talaga ho? Sige po titignan ko kung maayos na ho ang pakiramdam niya.” Sagot naman ni Fran. Nasabi niya kasi sa matanda na masakit ang ulo ni Robb kaya di siya nito masasamahan sa mga activities na gagawin dapat nilang magasama ngayong araw.

Nang makabalik sila sa resort ay nagmadaling umakyat si Fran sa suite para makapagbawas na nga siya at para na din subukang kumbinsihin si Robb na samahan siya pero pagbalik niya sa suite ay wala doon ang asawa.

Hay guminhawa din! Asan kaya yung lalakeng yun? Sabi magtatrabaho pero ngayon wala naman dito. Isip ni Fran sa sarili.

Hahanapin ko nalang baka mahila ko na siya sa parasailing tutal di na naman siya nagtatrabaho tuwang tuwang isip niya.

Kung saan saan na nagiikot si Fran para hanapin ang asawa pero di talaga niya mahanap ito. Handa na sana siyang bumalik sa may dagat nang makita niya sa sulok ng mga mata ang asawa niya.

Paglingon niya ay gulat na gulat siya dahil may kasama itong babae at nakahalik pa ang babae sa asawa niya.

Hindi mapigilan ni Francesca ang mabilis na pag angat ng galit sa loob niya. Galit dahil isang araw palang silang kasal ay may kasama na agad itong ibang babae.

Galit dahil nasa kasunduan nilang bawal mangaliwa ngunit wala naman siyang magagawa dahil nasa kasunduan din nila na hindi siya maaaring makialam sa kung ano man ang ginagawa nito dahil hindi naman siya talaga nakikita nito bilang asawa.

Galit dahil hindi man lang siya masamahan nito sa mga gusto niyang gawin pero may oras itong makipaglandian sa kung sino mang babae.

Madali niyang nilapitan ang dalawa at pinigil na sigawan ang mga ito dahil ayaw niya din naman nag maging sanhi ng eskandalo.

“Robb” Mahinahong sabi niya sabay hawak sa balikat ng lalake.

Tila napabalikwas ang lalake at naitulak ang babaeng kanina lang ay kahalikan nito. Bakas na bakas ang gulat sa mukha nito na tinignan siya at nagsalita, “Fran”.

“I came here to ask you to go parasailing with me but I can see you’re busy so wag nalang. Don’t forget the five hundred thousand additional my dear husband” Sabi niya, pertaining to their contract that if ever someone cheats he or she would be complied to pay five hundred thousand, sabay talikod sa mga ito at lakad pabalik sa may dalampasigan.

Narinig niyang tinawag pa siya uli ng asawa at napagpasyahan niyang kung hahabulin siya nito ay papatawarin niya ito dahil totoo namang sa papel lang sila kasal. Ngunit di siya hinabol nito.

“Sa papel lang nga kami kasal. Fake ang kasal pero yung pagmamahal ko sa kanya totoo.” Mahinang sabi ni Fran sa sarili na pinipilit pigilan ang mga luha niya nang biglang may makabungo sa kanya at makatapon ng kung ano mang juice na napakalagkit sa damit niya.

“Ahhhh kung minamalas ka nga naman!” Sigaw niya sa pagkagulat at pagkainis na din dahil lahat ata ng malas ay nakuha na niya sa araw iyon.

“Sorry Fran.” Sabi ng nakabungo sa kanya na pagkatingala niya ay nakita niyang si Jeff pala.

“Jeff naman kasi!” Sabi ni Fran na di na napigilang maiyak.

“Oh dear, please don’t cry. It’s only slurpee! Look tatapunan ko din ang shirt and shorts ko para same tayo. Wag kang umiyak di naman big deal ito. Matatanggal din agad pag nilabhan.” Mabilis na sabi ni Jeff sa kanya.

Natawa naman siya sa pag-aattempt nitong patahanin siya.

“It’s okay Jeff. Emotional lang ako kasi mainit tapos masakit daw ang ulo ni Robb kaya di niya ako masasamahan magparasailing.” Natatawang sabi ni Fran sabay punas sa mga luha niya.

“I must look like a crazy lady huh? Umiiyak tumatawa? Sorry don’t mind me I’ll be going.” Sabi niya kay Jeff at di na niya hinintay na makasagot ito. Naglakad na siya papunta sa direksyon ng naiwan niyang si Mang Kardo.

“Wait Fran!” pigil ni Jeff sa kanya sabay hila nito sa braso niya.

“I’ll join you. Parasailing tayo? It’ll be fun. I’m always fun to be with you know.” Sabi ni Jeff sabay kindat pa sa kanya na ikinatawa naman niya.

“Okay? I think?” Sabi nalang ni Fran at hinila na siya ni Jeff papunta sa dock.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon