GAANO KADALAS ANG MINSAN
Written By: Yeshameen BrejenteAgad na umalis si Audrey sa hapag
at nagtungo na lang agad sa kusina. Hiyang-hiya siya sa bisita ng mga Buenavista. Ang pagkapahiyang naramdaman kanina, ngayon ay nahalilihan ng mga totoong takot at kaba lalo na nang papalapit si Donya Herminigilda."Malandi ka! Pati ba naman ang aming panauhin ay balak mo pang akitin at hindi ka nag-iingat!" sabi ni donya Herminigilda'ng nanggigigil.
"Senyora, hindi po. Hindi ko naman po sinasadya, aksidente lang po ang pagkakatapon ng juice. Sorry po." Sabi ng dalagang nanginginig sa takot sa maaaring gawin ng donya sa kanya.
Agad siya nitong sinampal at pinaghihila ang kanyang buhok.
"Senyora, tama na po. Nasasaktan na ho ako, pangako po, mag-iingat na ako. Di ko na po uulitin." Sumamo ni Audrey.
Muling sinampal ng donya sa pisngi si Audrey, kahit nagmakaawa ito ay walang naglakas-loob sa kanya'ng tumulong.
Umiiyak si Audrey habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Sobrang sama na ng loob niya sa mga ginagawa ng amo niya. Napansin niyang pumasok sa banyo sa may kusina si Warren.
Nagpahid siya ng luha dahil ayaw niyang makita siya nitong luhaan.Nagdidilig ng mga halaman sa garden ng mansion si Audrey. Kausap niya ang mga halaman habang dinidiligan ang mga iyon.
Nasa may bintana ng terasa si Warren, mukhang pinapanood ang dalaga. Wala itong pan-itaas na damit. Halos di namang makakilos ng maayos ang dalaga, dahil tiyak niyang may nakamasid sa kanya.
Sa mga kilos ni Warren tiyak ni Audrey na mayamang-mayaman ito. Nagtataka siya kung may asawa na ba ito o ano? Sa tantiya kasi niya ay mukhang mga tatlo o limang taon ang agwat nito sa kanya.
Sobrang nagulat pa si Audrey nang mapansing nasa tabi na niya si Warren. Napalunok siya nang makita ang magandang pangangatawan nitong paglalawayan ng kahit na sinong babae. Guwapo at sobrang cool nito.
"Sir, may kailangan ho ba kayo?" tanong ni Audrey na di mapakali.
"Nothing, masyado pa kasing mainit sa loob kaya andito ako." Tugon ni Warren na sa malayo nakatingin. "Matagal ka na ba'ng naninilbihan dito?"
"Opo Sir. Mahigit tatlong taon na rin." tugon ng dalaga habang tinatanggal ang mga lantang dahon sa mga halamang nasa loob ng paso'.
Biglang kumuha ng isang gumamela si Warren at inilagay iyon sa may tainga ng dalaga.
"Sir, naku po baka makita kayo ni Senyora." Sabi ni Audrey.
"Natatakot ka ba kay tita Hermie?" tanong ni Warren at kinuha ang hose ng tubig at siya ang nagdilig ng mga halaman.
"Sino naman ho ang hindi? Sir ako na po dyan, baka pag nakita kayo ni Senyora ay iisipin niyang---" di na naituloy ni Audrey ang sasabihin dahil tinakpan ni Warren gamit ng hintuturo ang labi ni Audrey.
"Ssshh, tama na. Ako ang bahala saiyo. I've seen how she treated you and it's no good. Kahit kasambahay ka, mayroon kang mga karapatang pantao. I'm not in favor of what she is doing to you." Ani Warren at tumingin ng may halong awa sa dalaga.
"Sir, ayos lang ho iyon. May kasalanan din naman ako dahil di ako nag-iingat." Ani Audrey.
"Accident is everywhere, Miss.." ani Warren.
"Audrey po." Anang dalaga.
"Tell me kung matagal ka na ba niyang sinasaktan. I will help to get you out of here. You can come with me and work for me." Saad ni Warren.
BINABASA MO ANG
GAANO KADALAS ANG MINSAN?
Romance"Una kang naging akin,Audrey. At hindi kasalanan kung binabawi na kita.Narito na ako at alam kong walang sinuman ang makakapantay sa pag-ibig natin. Walang tama at mali sa pag-ibig at kasalanan ang pilit na magtimpi sa tunay na sigaw ng ating mga da...