GAANO KADALAS ANG MINSAN?
Matapos ang lambingan nina Audrey at Warren ay iginiya ng dalaga ang binata papasok sa loob ng bahay nila. Ipinakilala na ni Audrey si Warren sa Nanay at mga kapatid niya bilang nobyo niya.
"Naku, hijo pasensya ka na kung hindi kita mapakisamahan ng maayos ha? Ako kasi'y matagal ng nakaratay ng ganito."hinging-paumanhin ni Aling Karisa kay Warren nang pumasok ito sa silid niya kasama si Audrey.
"Naku 'Nay Karisa ayos lang ho iyon. Masaya nga ho ako dahil welcome ako dito." Sabi ni Warren at hinawakan ang payat na kamay ng matanda. "Nay, kung mamarapatin ho sana ninyo ay dadalhin ko kayo sa bayan at nang mapatignan yang kalagayan ninyo." Dagdag ng binata.
"Naku Salamat na lang ng marami
ngunit wag ka nang mag-abala pa at ako ay matanda na rin. Pakiramdam ko rin ay di na ako magtatagal dito sa mundo."Sabi ni Aling Karisa at biglang nangilid ang mga luha sa mga mata nito tungo sa kanyang mukha.Biglang yumakap si Audrey sa Nanay niya.
"Nay naman, wag naman ho kayo magsasalita ng ganyan o! Ngayon pa ho at ako ay nagpatuloy na sa pag-aaral ko, isang araw ay maiaahon ko na ho kayo sa kahirapan. Di ba po nangako ako sa inyong gagawin ko kayong Reyna ng magiging palasyo natin balang araw?" napaluha na ring sabi ng dalaga.
Napangiti naman si Aling Karisa at hinimas ang buhok ng anak.
Di nagtagal ay nakatulog na si Aling Karisa at sina Tanya pati si Brix. Inihatid na ni Audrey sa labas ng bahay nila si Warren. At bago pa ito sumakay sa kotse niya ay pumitas pa siya ng isang gumamela sa puno nito.
Natatawang tinanggap ni Audrey ang pulang gumamela mula sa binata.
"Dk na yata kumpleto ang araw ko kapag walang gumamela akong natatanggap mula saiyo." Sabi ng dalaga at yumakap sa binata.
Masuyo siyang kinitalan ng halik ni Warren sa kanyang mga labi.
"I love you, Mahal." Ani Warren habang yakap siya.
"Mahal?" takang tanong ni Audrey at tumingin sa mga mata ni Warren. Kaagad naman siyang kinindatan ni Warren at agad din siyang kinilig.
"Mula ngayon, mahal na ang tawagan natin sa isa't isa,okay? Para kahit dumating yung araw na magkatampuhan tayo at mumurahin mo 'ko, mahal mo pa rin ako. Ayos ba?" sabi ng binata.
"Oh sige na nga mahal." Sabi ni Audrey.
"Pwede ba'ng sumama ka na lang sa akin ngayon? Samahan mo 'ko sa Villa. Ngayon pa lang kasi ay nami-miss na kita agad." Malambing na sabi ng binata at hinagkan nito ang mga kamay niya.
Saglit na nag-isip si Audrey at dahil tulog na rin ang pamilya niya ay pumayag na siyang sumama dito.
Tumuloy na sa suite ni Warren ang dalaga dahil magsa-shower lang siya.
Samantalang si Warren ay nasa kitchen ng Restorante at ipinagluto si Audrey. May pinag-aralan naman siya sa Culinary, kaya marunong din siyang magluto.
Matapos mailuto ni Warren ang mga espesyal na pagkaing inihanda niya para sa kauna-unahang dinner date nila ni Audrey.
Pumunta siya sa plaza ng Villa sa likurang bahagi nito at naglatag siya ng Outdoor Mat sa bermuda grass. Naroon na ang mga pagkaing inihanda niya para sa dalaga.
Pinatay niya ang mga ilaw sa poste at sinindihan niya ang apat na malalaking torch sa bawat side ng place mat.
Nang makalabas si Audrey ay suot na nito ang extra large shirt ni Warren. Kahit malaki ang damit ng binata ay kitang kita pa rin ang magandang kurbada ng pangangatawan ng ni Audrey. Nagmistulang long mini dress na ang suot niya.
Masuyo siyang iniupo ng binata sa place mat. Napaluha naman si Audrey dahil buong buhay niya ay saka pa lamang siya nakadama kung paano ang magkaroon ng isang lalaking magmamahal sa kanya sa ganitong paraan. Para sa kanya ay hulog ng langit si Warren. Kaya sobrang mahal na mahal na niya ang binata, kahit na naunang may mangyari sa kanila at naging sila na kahit walang ligawang nangyari.
Dahan-dahan siyang hinagkan ni Warren sa labi at agad siyang napapikit. Matapos ang maalab na halikan nila ay sabay na silang nagdinner at nagtoast pa sila ng uminom ng Scotch.
Right after their dinner ay inihiga ni Warren sa dibdib niya si Audrey at nakatingin sila sa kalangitan. Masyadong maraming kumikinang na mga bituin. Masyadong maganda ang view.
Malamig ang simoy ng hangin at maging ang ilaw ng torch ay unti-unting namamatay. Pero wala silang pakialam. Ang magkasama sila ng ganito kahit sa gitna ng dilim ay sapat na sa kanilang dalawa. They mean the world to each other.
Maya-maya pa ay ibinuklat ni Warren ang outdoor tent niyang kulay asul sa mismong banig na inilatag. Nang maisara ni Warren ang tent ay dahan-dahan niyang hinawakan at hinaplos ang maliit na mukha ni Audrey at marahan niyang inilapit ang kanyang mukha dito.Ginawaran niya ng mainit na halik ang labi ng dalaga at masuyo niyang niyakap ang likod nito, closer to his body.
Agad namang iniyakap ni Audrey ang mga braso sa batok ng binata at dahan-dahan niyang hinila sa ibabaw niyang pahiga si Warren. Nakatukod ang dalawang kamay ni Warren sa magkabilang tagiliran ni Audrey,at nilaro ng binti niya ang binti ng dalaga. Pataas, pababa at paulit-ulit.
Dumukwang si Warren at muling sinalubong ang bahagya pang nakaawang na bibig ni Audrey. At minsan pa ay nagkahalikan sila.
Unti-unting itinaas ni Audrey ang damit ni Warren at marahan niya iyong hinubad sa katawan nito. Gano'n din si Warren sa dalaga.
Nang matanggal niya ang suot ni Audrey ay malaya niyang pinagsawaan ng tingin ang hubo't hubad nitong katawan.
And right there inside the tent, they made love--intensely.
Ilang ulit ding may namagitan sa kanila sa loob ng Tent at halos madaling araw na nang tuluyang binuhat ni Warren si Audrey papasok sa Suite niya. At doon ay muling may namagitan sa kanilang dalawa.
Kinabukasan.. Mahimbing pa ring natutulog si Audrey habang pinagmamasdan siya ni Warren. Tapos nang magshower ang binata kanina pa, kaya bihis na ito. Ipinamili na niya ng mamahaling mga damit si Audrey at maging mga underwear nito.
Sa mga nakita kay Audrey ay alam na alam na niya ang sizes ng dalaga. Nang magising si Audrey ay may nakita siyang tatlong gumamela sa side table. At isang note. Agad niyang binasa ang mensaheng nakapaloob.
'Mahal, As you can see may mga paperbags na nakapatong sa loob ng closet ko, it's all yours. Mag shower ka na at magbihis. It would be better kapag sinuot mo ang pulang dress. Alam kong bagay iyan saiyo, tapos puntahan mo ako sa office ko. I love you.'
Agad siyang nagshower,at pagkatapos ay nakapagbihis na rin.Pagdating niya sa office ni Warren ay agad siya nitong sinalubong ng yakap at halik.
"Ang himbing ng tulog mo, mahal." Sabi ni Warren.
"Ikaw eh, masyado mo akong pinagod kagabi." Biro niya. Saglit na natawa si Warren.Dinala siya ni Warren sa kanila.Nagulat pa ang dalaga nang makitang may kuryente na sila at may television set na sa sala.
Pati sala-set ay mayroon na sila.Nasurpresa din si Audrey nang makitang nakaupo na sa wheelchair si Aling Karisa.
Pagpasok niya sa kitchen ay wala na ang pugon at naroon na ang rice cooker at stove. Puno din ng groceries ang kusina.
Iginiya din siya ni Warren sa silid niya at nagulat siya nang makita ang isang laderized bed at mga bagong pillow cases.Maging ang mga closet niya ay lahat bago na rin.
Walang kasing saya si Audrey, dahil mukhang panaginip lang ang lahat.
"Mahal naman, di mo na kailangang gawin 'to." Aniyang lumuluha na.
"Mahal, I'll do everything just to make you happy." Sabi ni Warren.
"Baka masanay ako nito, ha?" aniya.
"Eh di masanay ka, mahal. Wala naman akong balak na itigil 'to eh." Masuyong sabi ni Warren.
BINABASA MO ANG
GAANO KADALAS ANG MINSAN?
Romance"Una kang naging akin,Audrey. At hindi kasalanan kung binabawi na kita.Narito na ako at alam kong walang sinuman ang makakapantay sa pag-ibig natin. Walang tama at mali sa pag-ibig at kasalanan ang pilit na magtimpi sa tunay na sigaw ng ating mga da...