"PAGWAWAKAS"

10.5K 288 29
                                    

GAANO KADALAS ANG MINSAN?

NAKAPAGSUOT na ng roba si Audrey dahil sobra siyang nag-alala sa asawang nawalan ng malay. Agad na dumating ang mga katulong at si Mang Sebastian, ang kanilang driver. Nagtatakbo sila mabuti at nakatawag agad ng ambulansya si Audrey kani-kanina lang.

"Ma'am, dahan-dahan po kayong bumaba ng hagdanan, baka po makunan kayo at malalagot kami kay Sir Dom." Bilin ng isang katulong ng umaalalay sa kanyang bumaba. Sumunod naman siya.

Nang makalabas sila ng bahay ay nakita nilang paparating na ang Ambulansya. At nakita ni Audrey na nasa kabilang kanto si Warren na may dalang bag. Nang makita ng binata na mukhang may masamang nangyari kay Dominique ay agad din siyang tumawid sa kalsada upang alamin ang nangyari at bago pa niya namalayan ay nahagip na siya ng isang malaking truck!

Kitang-kita ni Audrey ang nangyari sa binata, kaya ubod-lakas siyang napasigaw.

"Warren!" umiiyak niyang sigaw
sa bayaw. "Warren! Diyos ko po. Wag naman sana.." piping dasal niya.

Siya namang pagdating ng Ambulansya. Nabigyan na ng oxygen ang walang malay na si Dominique na mukhang naghihingalo na rin. At agad namang nagtatakbo ang mga Red Cross Volunteers upang tulungan ang nakabulagtang si Warren sa gitna ng daan!

Hindi na malaman ni Audrey kung sino ang uunahing lapitan. Ang asawa ba niyang may sakit sa puso? O ang bayaw niyang naaksidente? Para na siyang nababaliw at sinisisi ang sarili sa mga pangyayari!

Sa ambulansya na siya sumakay at hinawakan niya ang mga kamay ng asawang parang bibitaw na.

"Dominique, please lumaban ka! Kailangan kita, kailangan ka namin ng baby natin. Please Dom, gawin mo yun para sa amin. Mahal kita.."
sabi niya. Tumitirik na ang mga mata ni Dominique. Hirap na hirap na siyang huminga. Gusto niyang sabihin kay Audrey na anuman ang mangyari ay napatawad na siya nito. At hangad nitong lumigaya sana siya sa piling ng nag-iisa niyang kapatid na si Warren. Gustong sabihin ni Dominique kung gaano niya kamahal ang asawa. At kung gaano siya napaligaya nito bago pa mang nakauwi si Warren. Gusto niyang magpasalamat sa asawa sa hiram na sandaling naramdaman niyang minahal din siya nito.

"Dom, lumaban ka! Di ko kayang mawala ka sa akin. Patawarin mo na ako, nagsisisi na akong nasaktan kita. Alam kong nagkamali ako, pero maniwala ka sa akin, sinubukan kong tumanggi at labanan ang tukso, pero mahirap gawin ang bagay na iyon dahil una kong minahal si Warren bago pa tayo pinagtagpo ng tadhana. Sa maniwala ka man o hindi, minahal kita. At mahal na mahal kita." Sabi ni Audrey na lumuluha. Dinig na dinig iyon ni Dominique, ngunit sadyang di na niya kayang imulat pa ang mga mata. Hapung-hapo na siya sa mga sandaling ito.

Maya-maya pa ay isinakay na ng mga Red Cross Volunteers ang duguang si Warren at inihiga sa kaliwang side ng Ambulansya.
Nilagyan na din ito ng Oxygen. Habag na habag si Audrey sa sinapit nito. Gusto niyang yakapin ang binata at nais niyang sana ay maligtas ito sa kapahamakan o kamatayan man. But she decided to stay on her husband's side.

"A-Audrey.." tawag ni Warren sa kanya. "Audrey.."

Lumingon naman si Audrey.

"Warren.." tugon niya at humalik muna siya sa asawa bilang paalam na lalapitan niya si Warren. Nauunawaan iyon ni Dominique, ngunit di lang siya makapagsalita.

"M-makikita k-ko n-na ang munti nating anghel sa langit. Pangako, ikukumusta kita sa kanya at kami ang magsisilbi mong gabay saan ka man dalhin ng tadhana. Mahal na mahal kita, Audrey. Mahal ko. Sobra-sobra. Kung sana lang ay naipagtapat ko noon saiyo na may malubha akong karamdaman, sigurado a-akong maghihintay ka sa akin. But I was so unfair, pinaramdam ko saiyong niloko kita kahit hindi. Pero ayaw ko lang talaga ang mag-alala ka noon sa akin."
sabi ni Warren,sa pautal-utal na tinig..

GAANO KADALAS ANG MINSAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon