Gaano Kadalas Ang Minsan?Naunang nagising si Audrey at nagulat siya dahil umaga na pala. Nagmadali siyang nagbihis at inayos ang sarili. Tulog pa rin si Warren. Pumasok pa siya sa banyo at naghilamos at nang makita niya ang sarili ay biglang tumulo ang luha niya. Oo at mahal na niya si Warren sa limang buwang pagtatrabaho niya sa Villa ng binata, pero ngayon nasasaktan siya dahil itinaya niya ang kanyang pagkababae sa lalaking naging mabait lang at tumulong sa kanya.
Ngayon niya napagtanto sa sarili niyang wala na ngang libre sa panahon ngayon. Siguro iyon lang ang habol ni Warren sa kanya. Ang kunin ang pagkababae niya kapalit ng pagtulong nito sa kanyang alisin siya sa piling ni donya Herminigilda.
Masakit man ang katotohanang iyon ang mga kabayaran sa pagtulong ni Warren sa kanya.
"Bahala na, pero pagkatapos ng gabing iyon, hindi na niya ako makikitang muli. Aalis na ako dito at maghahanap ng panibagong trabaho." Aniya sa sarili at nagpahid ng mga luha.
Mabilis na niyang nilisan ang Villa. Agad siyang nagtungo sa puntod ng kanyang ama, dinalhan pa niya ng mga bulaklak si Mang Leonardo.
"Tay, patawarin niyo po ako kung naging mahina akong labanan yung nangyari sa amin ni Sir Warren kagabi. Mahal ko ho siya 'tay kaya hindi na ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya ang sarili ko." Hikbi ni Audrey.
Huli na rin para pagsisihan niya ang nangyari ay nangako naman siya sa sariling iyon ang una't huling pagkakataon na mangyari iyon.Nang makauwi siya sa kanila ay nakita niya ang kotse ni Warren sa tapat ng kanilang bahay. Kaya hindi na muna siya tumuloy.
Hindi niya alam kung ano ang motibo nito doon pero ayaw na niyang magpakita pa kaya minabuti niyang doon na muna sa batis tumuloy.Inilublob niya ang mga paa sa rumaragasang tubig sa batis at bigla niyang naalala kung paano siya napaligaya ni Warren sa kama kahit noong una ay nasaktan siya. Ramdam pa rin niya ang init ng mga halik ng binata sa kanya, ang mga mahihigpit na yakap at naglalagablab na paghaplos no'n sa bawat parte ng katawan niya.
Nangarap siya na sana ay muli niya iyong madama ngayon.Pero natauhan din siya nang maalalang "Sex" lang yung namagitan sa kanila.
Sa init na nararamdaman ng katawan niya ngayon ay minabuti niyang ilublob ang buong katawan sa ilog. Kailangan niyang mahimasmasan upang makalimutan ang tawag ng kanyang pagnanasa.
Pag-uwi niya sa kanila ay wala na roon si Warren. Tumuloy na siya sa kanyang silid at doon na nagbihis. Wala na ang mga kapatid niya, Lunes ngayon kaya nasa eskwela na ang mga iyon.
Nagmano at humalik siya kay Aling Karisa.
"Anak, saan ka ba nanggaling?" tanong ni Aling Karisa sa anak."Nay, napainom ho ba kayo ni Tanya ng gamot?" pag-iiba niya sa usapan.
"Tapos na 'nak, galing dito ang boss mo at hinahanap ka." Sabi ni Aling Karisa.
"Di bale Nay, dadaan na lang ako doon mamaya." Aniya. "Sa ngayon po ay lalakad na muna ako at maghahanap ng bagong trabaho."
aniya."Bagong trabaho? Bakit 'nak, may problema ba kayo ng boss mo?" takang tanong ni Aling Karisa.
"Ho? Naku 'nay wala ho. Pero kailangan ko pa ng ibang trabaho." Sabi niya. Tumango naman si Aling Karisa.
Matapos magpaalam ni Audrey kay aling Karisa ay umalis na ito at naghanap ng panibagong trabaho. Nagtanong tanong na rin siya, ngunit walang bakante. Nagutom na siya at naisip niyang kumain na muna sa Carinderia at saka niya naisip na di niya dala ang wallet niya. Sobrang gutom na siya dahil di pa naman siya nakakain kagabi at di pa nakakapag-almusal kanina.
BINABASA MO ANG
GAANO KADALAS ANG MINSAN?
Romance"Una kang naging akin,Audrey. At hindi kasalanan kung binabawi na kita.Narito na ako at alam kong walang sinuman ang makakapantay sa pag-ibig natin. Walang tama at mali sa pag-ibig at kasalanan ang pilit na magtimpi sa tunay na sigaw ng ating mga da...