Life Without Him

5.4K 130 1
                                    

GAANO KADALAS ANG MINSAN?



PAGKALIPAS pa ng ilang buwan.Naging madalas ang pagpunta ni Warren sa Maynila.
Bihira na lang din silang magkita ni Audrey, bagamat nauunawaan ng dalagang may iba pang business si Warren na inaasikaso sa Maynila at siya naman ay nagiging abala na rin sa mga pag-aaral niya ay di pa rin siya bumibigay kahit na minsan ay masakit ang tuwina'y di makita ang minamahal.

Dahil nakakapag-therapy na din si Aling Karisa ay unti-unti na itong nakakaupong mag-isa. Naging masipag na din sa pag-aaral sina Brix at Tanya.

Isang araw ay naging abala sa Restorante si Audrey at habang kinukunan niya ng order ang mga costumers ay bigla niyang nakita ang kakarating lang na kotse ni Warren malapit sa mga private suite ng Villa. Na-excite ang dalaga. At pagkatapos niyang kunan ng mga order ang mga costumers ay bigla niyang nilapitan si Warren. Sinalubong niya ito ng mga yakap at halik.

"Mahal ko.." masuyong sabi ni Audrey. Bigla din siyang hinapit ng binata sa beywang at isinandal ang likod niya sa kotse nito at masuyo ding hinagkan. Wala na silang pakialam kahit marami ang nakakita, basta't sabik na sabik sila sa isa't isa."Sobrang na-miss kita." Ani Audrey.

"I miss you too, Mahal. Patawarin mo'ko kung masyado akong naging abala sa mga business ko sa Manila." Ani Warren at yakap ng mahigpit si Audrey.

"Ayos lang 'yun, mahal. Narito ka naman na ngayon eh. Pwede na tayong bumawi, di ba?" malambing na sabi ni Audrey at inayos ayos ang tie ng binata. Malambing din siyang iginiya ni Warren patungo sa loob ng office nito.

Naupo si Warren sa kanyang swivel chair at paharap niyang iniupo sa kandungan niya si Audrey. And they started kissing each other's lips. Soft kiss from the beginning until it became aggressive. Masuyong dinama ni Warren ang malulusog na dibdib ng dalaga and plays them with his fingers. Mas lalo pang hinigpitan ni Audrey ang yakap sa batok ng binata.

After kissing ay umalis na sa kandungan niya si Audrey at naupo sa isang silya.

"How's nanay and the kids?" tanong ni Warren at itinaas ang mga paa sa desk niya.

"Ayos naman, mahal."Tugon ni Audrey. "Si Nanay lagi kang itinatanong sa akin. Minsan nga akala niya'y wala na tayo, kasi madalang ka na lang kung makapunta sa bahay." Ani Audrey at pinagmamasdan lang ang maamong mukha ni Warren. Agad siyang nilapitan ng binata at masuyo siyang dinala nito sa kanyang dibdib at mahigpit na niyakap.

"I'm sorry, mahal. Hayaan niyo't balang araw ay babawi ako. Narito lang ako ngayon upang mag-appoint ng mga tao dito dahil mamayang gabi'y aalis din ako. At baka matagalan pa bago ako muling makabalik. Hope you can undestand at sana, maghihintay ka pa rin sa akin." Sabi ni Warren. Kumalas sa yakap niya si Audrey at tumingin ng tuwid sa mga mata ng binata. Bigla siyang nalungkot.

"Dk mo na ba ako, mahal?" tanong niya at biglang naluha.

"Mahal na mahal kita, mahal ko! But there are things na dapat muna nating ayusin. I can't tell you the reason right now, dahil ayaw kong mag-alala ka." Ani Warren. Naiyak lalo si Audrey.

"May asawa ka ba? Siya ba ang dahilan kung bakit lagi kang naroon? Siya ba ang dahilan kung bakit kailangan mo na'ng bumalik agad doon kahit kakarating mo pa lang? Ano ako? Kabit?" sabi ng dalagang nasasaktan.

"Mahal, hindi. Wala ako'ng asawa. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Ikaw lang ang mahal ko." Sabi ni Warren. "Kailangan ko lang gawin 'to!"

pinag-aaralan siya ni Audrey. Hinawakan ni Warren ang kanyang mga kamay.

"Mahal, di ko na yata kaya ang mawalay pa nang matagal saiyo. Nahirapan na ako sa bawat araw na wala ka, tapos ngayon ay sasabihin mo sa aki'ng baka matagalan ka pa makabalik? Paano ako? Tayo?" aniya.

Pilit na pinapahid ni Warren ang kanyang mga luha.

"Di lang ikaw ang nahihirapan mahal.Maging ako man. But I need to do it." Sabi ng binata at sinimulang halikan ang dalaga. Maya-maya pa ay natagpuan na nila ang kanilang mga sariling dinala ng mga paa sa suite ng binata.
And right there, they made love. Mahimbing na nakatulog si Audrey. Umiiyak siyang iniwan ni Warren.

LUMIPAS pa ang mahigit isang buwan buhat nang umalis na si Warren tungo sa Maynila.
Sa bawat araw ay naghihintay si Audrey sa binata, ngunit wala ito. Di rin niya alam ang dahilan kung bakit. Sa tuwing nakakakita siya ng mga gumamela ay lalo lang siyang nasasaktan. Napag-alaman na din niyang buntis na siya, mabuti na lang at di siya nahihirapan sa pagbubuntis.

Nahihilo si Audrey habang tinatawid ang daan palabas ng kanilang paaralan. Kaya di niya namalayang nabundol siya ng isang jeepney. Agad naman siyang isinugod ng mga tao sa pagamutan.

At nang magising siya ay nakita niyang nasa tabi na niya sina Brix at Tanya.

"Brix, Tanya, ba't narito ako? Ano'ng nangyari? Ba't kayo umiiyak?" sabi ni Audrey at hawak ang ulo niyang masakit pa rin.

"Ate.." sabi ni Tanya at mahigpit na yumakap sa kapatid.

"Tan, ano ba'ng nangyari?"alalang tanong niya.

"Ate, wala na si Nanay." Ani Tanya. Biglang nangilid ang mga luha ng dalaga.

"Ano?" di makapaniwalang sabi niya at biglang bumangon. Mabilis siyang napigilan ni Brix.

"Ate, biglang tumaas ang dugo ni Nanay na'ng marinig na naaksidente ka." Sabi ni Brix. Lalong nasaktan si Audrey. At nang magwala siya'y bigla niyang napansin na dinudugo na rin siya.

"A-ang b-baby ko! Tanya ang baby ko!" tarantang sabi niya. Agad namang tumawag ng doctor sina Tanya.

Nakunan ang dalaga. Pakiramdam niya'y sunud sunod na kamalasan na ang dinaranas niya buhat nang mawala si Warren. Sobra siyang nasaktan. Sobrang nahirapan. Di na niya alam ang gagawin.


GAANO KADALAS ANG MINSAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon