CHAPTER 1: PAGHIHIRAP NI AUDREY

10.5K 161 1
                                    


GAANO KADALAS ANG MINSAN?
By:Yeshameen Brejente

Nasa puntod ni Mang Leonardo si
Audrey. Binibisita ang nasirang ama. Sa bawat sakit na nararamdaman niya ay dito siya nagsasabi at dito niya rin ibinubuhos ang lahat ng mga hinanakit at pasakit.

"Tay, nami-miss ko na po kayo ng sobra-sobra.kung nabubuhay lang sana kayo ay alam kong di kami maghihirap ng ganito." Sabi ni Audrey sa puntod ng ama. May sakit ang nanay niyang si Aling Karisa. Kaya ay minabuti niyang tumigil sa pag-aaral ng kolehiyo upang makapag-hanapbuhay na at para na din masuportahan ang pag-aaral ng dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Brix at Tanya.
Marami siyang pangarap sa buhay. Pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa mahal niyang pamilya.

Kasalukuyan siyang naninilbihan bilang kasambahay sa mansion ng mga Buenavista. Masyadong mata- pobre si Donya Herminigilda.Lagi itong galit sa mga kasambahay. Minsan sa tuwing nasisigawan at namumura si Audrey,pakiramdam niya ay isa siyang napakababang uri ng babae. Nanliliit siya.

Noong nabubuhay ang tatay niya, kahit mahirap sila ay nakakaraos pa rin sila sa pang-araw araw na pangangailangan at kahit papaano ay nabibili din nila ang gusto nila.

Biglaan lang ang pagkamatay ni Mang Leonardo. Hindi ito nagkasakit at sa araw ng pagtatrabaho niya sa hasyenda ng mga Medel ay bigla na lang itong inatake sa puso at hindi na naisalba.

Naglilinis ng mga mamahaling antique na nasa Cabinet si Audrey. Seryoso siya, kaya di niya namalayan ang paglapit ng anak ng amo niyang si Eric. Binata at pasaway.

Nilagyan nito ng yelo ang dibdib ng dalaga. Napasigaw sa gulat si Audrey at nabitiwan niya ang isang antique. Bigla iyong nabasag.

"Lagot ka kay Mama!" pananakot ni Eric.

"Kasalanan ninyo iyon, Señorito" Sabi ni Audrey.

"Bakit? Ako ba'ng may hawak no'n?" nakangising sabi ni Eric.

Bigla namang nakalapit si Donya Herminigilda sa dalaga at agad nitong binatukan si Audrey.

"Mas mahal pa yan sa buhay mo! Ano'ng karapatan mong basagin ang gamit ko'ng ito? Regalo pa ito ng Papa ko noon, hayop ka!" sigaw ni Donya Herminigilda.

"Hindi ko po sinasadya, Senyora. Si Senyorito Eric ho kasi.." umiiyak na paliwanag ng dalaga.

"Wag na wag ka nang mangangatwiran at lalong wag mong idamay dito ang aking anak!" sabi ni donya Herminigilda at sinampal si Audrey. Si Eric naman ay mabilis nang umakyat patungo sa silid niya.

Di naman niya intensyong magkaganon si Audrey, nagkataon lang na gusto niya itong kulitin. Nahabag tuloy siya sa sinapit nito sa kamay ng kanyang ina.

"Magta-trabaho ka ng anim na buwan ng walang sahod!" sabi ng donya.

"Pero senyora, alam niyo hong malaki ang pangangailangan ko at ng pamilya ko. Maawa ho kayo." Sumamo ni Audrey.

"Puwes problema mo na iyon! Palibhasa hindi ka nag-iingat kaya yan ang napala mo! Gaga!" ani Donya Herminigilda at saka tumalikod na ito. Naiwang luhaan at nasaktan si Audrey. Paano na kaya niya mabubuhay ang mga kapatid niya
at paano niya kaya maibibili ng mga gamot si Aling Karisa?

Sa labis na sama ng loob ay minabuti ni Audrey na puntahan ang puntod ng tatay niya at doon ay naglabas ng sama ng loob. Labis pa rin ang pag-iyak niya.

Kinabukasan..

Malungkot na nagtrabaho si Audrey, habang iniisip na wala siyang sahod sa loob ng anim na buwan.

Sobrang pagod na pagod na siya at dahil hindi pa siya nag-aalmusal ay sobrang nanghihina siya. Nang mapansin iyon ni Eric ay tinawag niya ang dalaga upang saluhan siya nito sa almusal. Di na nagdalawang isip si Audrey sapagkat gutom na gutom na siya.

GAANO KADALAS ANG MINSAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon