Prolouge

88 0 0
                                    

Lola Nidora

"Tidora! Ano ba yan?! Pakihinaan naman ng radyo mo!"

"Ano na naman ba ang problema mo Ate Nidora?"

"Kaaga aga eh, lakas lakas ng radyo mo!"

"At kaaga aga eh, lakas ng boses nyo!"

At talaga namang sinasagot pa ako. Ang aga aga hinahay blood ako. Tulog pa nga mga kapitbahay namin eh, kung makapagpatugtog akala mo may party dito sa amin.

"Dancing queen!"

Susmaryosep! Maakyat na nga itong intrimidida na ito! Napakaingay talaga!

Ginalabog ko yung pintuan niya sa inis.

"Ano ba ate?!" Nakasimangot nitong sabi ng buksan niya yung pinto. Pawis na pawis ito.

"Nag eexcercise ako ate! Kelangan ko ng music! To light up my moves."

"To light up to light up!! Tigilan mo ako. Pwede namang mag excercise na walang music eh. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Ang aga aga, ang ingay mo." Mahaban litanya ko sakanya.

"Huwaw ate! Yung mga kapitbahay nating mga palay? Ang mga neighborhood natin dito nasa kabilang ibayo pa. Nakalimutan mo na ate? Para tayong nasa kalawakan. Kung gaano kalalayo ang mga planets doon, ganon din tayo magkakalayo! Churva mo te."

"Nasagot ka pa! Patayin mo yan kundi....

"Kundi ano ateeee?"

"Papatayin ko yung meow meow mo sa baba!"

"Ay! Hard mo ate. Eto na oh. Kj much. Hmfs!"

Haay. Nahahayblood na talaga ako. Ang totoo ayoko talaga ng maingay. Kaya nga mas pinili kung tumira sa probinsya. Tahimik.

Bumaba na ako para maghanda ng almusal namin. Nasaan naman na kaya si Tinidora? Yung isa pa namin kambal.

Oo. Kambal kami. Hindi lang kambal. Quadruplets pa kami. Ang galing dibaaa. Haay.

*toktok!!!*

Nagulat ako ng may gumalabog sa pintuan.

"Ate ate! Tidora!"

"Tinidora! Anong problema?!"

Nagulat ako pagkabukas ko ng pinto. May dala siya na sanggol. At hindi siya nag iisa. Kasama niya ang bunso naming kakambal. Si Isadora.

"Sino ang sanggol na yan?!"

"Ate." -Isadora. Umiiyak siya.

"Isadora." Malamig kong sabi sa kanya. "Buti naman at naisipan mo pang umuwi?"

"A-ate." Umiiyak niyang sabi. Napatingin ako sa sanggol na buhat ni Tinidora. Mukhang nahuhulaan ko na ang pangyayaring ito. At hindi ako natutuwa.

"Sino ang ama ng batang yan, Isadora?" Mariin kong tanong sa kanya.

"Ate. Iniwan na sila ng ama ng bata." Sabad ni Tinidora.

"Sinong iniwan? Tinidora! Isadora!!!" Gulat na sambit ni Tidora.

Marahil ay nagtataka kayo. Oo. Nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Isadora. Matagal na siyang nawala. Isang taon, pagkatapos mamatay ng aming ina ay naglaho sya ng parang bula.

"Sang lupalop ka ng daigdig nagmula, Isadora?!" Bulalas na tanong ni Tidora.

"At teka. Bakit nasa labas pa kayo? Hello, bahay niyo din to. Pasok kaya kayo."

God Gave Me You (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon