Maine
"I don't wanna see your face here, ever again."
Napaismid ako. Hmfs! Nakakaasar. Hindi ko maintindihan yung taong yun. Ang sama ng ugali! Hindi ko naman talaga sinassadya eh!
Napaka clean freak. -_-
Akala niya ipagsisiksikan ko sarili ko dito?! Hah! Hah! Hah...
T.T
Paano na ako ngayon?! Ang pangarap ko! Para sa mga lola ko! Maine naman eh! Clumsy eh! T.T Pati kamalditahan mo, inilabas mo!
Siya kasi eh! T.T Naiiyak talaga ako. Nakakaasar.
Lumabas na ako ng TeleCom. Haaay. Makapunta na nga lang sa palengke. Bibili muna ko ng pasalubong. Pampalubag loob sa news ko sa kanila mamaya. T.T
Pinuntahan ko yung suki namin sa palengke. Si Lola Tidora, hopia na munggo ang gusto. Si Lola Tinidora naman, tikoy. At si Lola Nidora, pili nuts. Sosyalin diba? Buti na lang taga Bicol yung nagtitinda ng mga ito.
Pagkatapos kong mamili naglakad na ko papuntang sakayan.
Nakalimutan kong magdala ng payong. :/ Ang init eh.
"Ate, pahingi barya." Tinignan ko yung kumalabit sa akin. Batang pulubi. Ang dungis dungis talaga niya. Kawawa naman. Naghanap ako ng barya sa wallet ko at inabot sa kanya.
Mukang tuwang tuwa ito. Nagpasalamat ito sa akin at umalis na. Nakakatuwa sila. Kasi kahit sa maliit na bagay marunong silang makuntento at matuwa. Sana lahat tayo ganun, noh?
"Tabiii!" Aray! Aray naman ah! Makatabig eh noh!
"My bag! Oh my god! May bag!" Napatingin ako doon sa babaeng nasigaw. Naiiyak na siya. Napatingin din ako doon sa tumatakbo. Medyo napapabagal takbo nya dahil marami nakakasalubong. Alam na alam ko na kung saan ang labas niya kaya tinungo ko yung shortcut papunta dun.
Loko kang magnanakaw ka ah. Babanggain mo pa ako. Beastmode na talaga ako ngayon!
Saktong pagkadating ko doon sa kanto ay makakasalubong ko uli siya. Nagtago ako sa gilid ng pader para ndi niya ako makita. Humanda ka sa akin ngayon kuya. May patabi tabi ka pa kanina ah. Sinilip ko siya, medyo malapit na siya sa akin. Hindi siya naka concentrate sa harap dahil panay tingin niya sa likod niya. May mga humahabol din kasi sa kanya.
Nang makalapit na siya ng husto sa akin, pinatid ko siya at dinamba. Pinaghahampas ko siya ng bag ko.
"May patabi tabi ka pa kanina!! Loko ka!! Prinovoke mo ako! Provoke! Akina yang bag!" Nang maagaw ko sa kanya yung bag, akmang tatayo siya pero nadamba uli siya nung mga taong bayan. Haay. Grabe ah! Yung effort ko na inexert doon ah! Hundred one percent eh. Nakakaprovoke si kuyang magnanakaw eh.
May dumating na mga tanod at sasakyan. Bumaba sa sasakyan yung babaeng nanakawan.
"Ohmy! Thanks! Thank you so much!!" Naiiyak na pasasalamat ng babae.
Ngumiti lang ako at tumango.
"Mag-ingat ka na sa susunod, miss. Marami talagang ganyan dito." Nagpasalamat din yung babae sa tanod.
Itinayo na nila si Kuyang magnanakaw. Nagpaalam na din ako. Gusto ko na talagang umuwi. Haaay.
Pero pinigilan ako nung babae. "Wait, miss. Please let me do you a favor." Pakiusap nito. Naglabas ito ng kung ano sa bag at iniabot sa kanya. Pera. Hindi lang basta pera, maraming pera.
Ngumiti ako at umiling. "Ang paggawa ng kabutihan ay hindi napapalitan ng kahit anong materyal na bagay. Masaya ako at natulungan kita. Pero walang kapalit yun." Sabi ko sa kanya. Oha! Isa yan sa mga natutunan ko kay Lola Nidora. :)
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (AlDub)
RomanceMadaldal, makulit, at magaling magpatawa. Yan si Maine Mendoza. Laki man sa hirap pero nagagawa pa ring magpasaya ng mga tao. Nagsusumikap para sa kanyang tatlong Lola. Ang mga pinakamamahal nyang mga lola. Tahimik, suplado, at bitter sa buhay. Yan...