Maine
"Nananana. Naniniwala na ako sa forever.... Ay kalabaw! Ayyy! Muning! Akin na yaaan! Breakfast namin yan eh! Doon ka sa restaurant ni Aling Marta. Maraming food doon. Iba ibang putahe pa. (Sorry, Aling Marta! ✌) May beef steak, karekare, fried chicken. Ayun! Fried chicken! Di ba favourite mo yun? Hu..."
Ay. In fairness. Effective. Umalis din sya nung pagkasabi ko chicken. Galing mo Maine!
Hello! Ako nga pala si Maine, ang bida dito. Haha ✌ Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal namin. Maaga ako ngayon... Well, lagi naman akong maaga. Mas nga lang ngayon. May interview kasi ako mamaya sa TeleCom. Hihi. Excited na ko na kinakabahan. Sana matanggap ako.
Anyways, 21 years old ako. Nag iisa sa buhay. Chaaar! Joke langs! May tatlo akong lola. Yes. Laking lola ako. At tatlo sila.
"Maine, hija. Nakita mo ba yung pamaypay ko?" -Lola Nidora
Ayan si Lola Nidora ko. Sya ang panganay sa kanilang tatlo. At sa kanilang tatlo, eto ang pinaka strikta. At pinakamasungit. Pero mabait naman yan. Yeee. Labyu lola.
"Oo La. Nasa taas po ng aparador nyo." Sagot ko sa kanya.
"O sige. Tapos ka na bang magluto? Anong oras na ba? Gisingin mo na ang Lola Tidora at Lola Tinidora mo.
"Si ate, ang aga aga, ang ingay."
Yan naman si Lola Tidora. Ang pinakakwela at pinakamaganda sa kanila. Hahaha. Sorry Lola Nidora at Tinidora! Labyu two! ✌
"Anong maaga dyan, Tidora? Tanghali na oh. Dapat ikaw ang naghahanda ng mesa eh." Sagot naman ni Lola.
Hay nako. Mag uumpisa na naman sila.
"Huwaw ate. Huwaw talaga. 6:30. Tanghali na? Huwaw. Kahit manok nyan, tulog pa eh."
"Ewan ko ba sa mga manok dito sa Maynila. Late magising. Sa probinsya natin wala pang araw, tumitilaok na." Lola Nidora
Napailing ako sakanila. Mga lola ko talaga. Partida, wala pa yung isa ha.
"Hey, I'm so excited! Just can't hide it!"
Speaking of.....
"Gooood Morniiiiing, everyone!" Sumasayaw na bati ni Lola Tinidora.
Sya si Lola Tinidora. Ang pinakamaingay at "wild" sa kanilang tatlo. Haaay. Naloloka ako sa mga lola ko.
Wala na akong parents. According to Lola Nidora, namatay na ang mother ko. Ang father ko naman daw, iniwan kami. Kaya sila ang nagpalaki sa akin.
"Ano ba yang suot mo Tinidora?!" Bulalas na tanong ni lola nidora.
Hahaha. Si lola Tinidora naman kasi eh. Naka mini skirt at back less? Kung hindi mo pa talaga sya matawag na "wild".
"What? Eto na ang uso ngayon, Nidora. Hooo. Balak ko sanang mag jogging today, kaya lang nalate ako ng gising." Sumasayaw sayaw pa na sabi nito.
Hindi ko mapigilang pagmasdan silang tatlo. Okay, guys. Magsesenti muna ko ha? Haha.
Lumaki akong sila ang kumakalinga sa akin. Kahit magkakaiba sila ng ugali at pananaw sa buhay, mahal na mahal ko silang lahat. Si Lola Tinidora, sya ang nagturo sa aking manamit ng maayos. Hindi niya hinahayaan na mahuli ako sa uso. Ayaw ni Lola Nidora pero wala din syang nagawa.
Si lola Tidora naman, sya ang nagturo sa akin na magluto at mag garden. Kada may matutunan syang bagong recipe, ituturo agad nya sa akin. Kaya nga kaming dalawa ang cook dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (AlDub)
RomanceMadaldal, makulit, at magaling magpatawa. Yan si Maine Mendoza. Laki man sa hirap pero nagagawa pa ring magpasaya ng mga tao. Nagsusumikap para sa kanyang tatlong Lola. Ang mga pinakamamahal nyang mga lola. Tahimik, suplado, at bitter sa buhay. Yan...