Ch. 1 - Cassiopeia, her best friend

244 13 5
                                    

--x

"Nicole! Anong ginagawa mo diyan?!" nakita ko si Cassie na agad-agad na bumaba sa itim na BMW na pagmamay-ari ng pamilya niya. Diyan din ako sumasakay tuwing uuwi ako galing ng school. Hindi ko din alam, pero simula nung maging bestfriend ko siya ay diyan na ako pinapasakay ng mga magulang ni Cassie, oh well since birth ata ay magbestfriend na kami.. Anong ginagawa ko dito? Hindi ko din alam. Basta natatandaan ko ay may dalawang lalaking humatak sa akin dito at oo nga pala wala na pala ang first kiss ko—napahawak ako sa labi ko.

"Hoy Nicole anong ginagawamo diyan? Bakit ka naglalakad mag-isa eh ang dilim dilim?" Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.. Kung titingnan mo siya ay parang okay lang kahit na maglakad ako ng madaling araw ng  582 kilometers dahil naiinggit yan sa long legs ko na walang ka muscle-muscle. 

"Ca-cassie.. Na-na r-rape ako.." pag-arte ko na kunwari ay na-trauma sa nangyari—pero nakaka-trauma naman talaga dahil ninakaw ng lalaking hindi ko kilala ang first ko. 

"ANO? Sinong pangahas ang nagtangka? Kawawa naman siya." Umiling iling pa ang gaga at humalukipkip. Ay nako, kahit kailan talaga tong babaeng to, mapapa-omaygas ka nalang. Ako na nga yung kawawa pero wala pa din siyang pakialam.. 

"Uwaaaaaaaa! Cassie!" Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at bigla ko siyang niyakap at siningahan ang suot niyang magarang damit. Ano tatak nito? Ah oo Forever 21.. Samantalang ang mga damit na suot ko ay binili ko lang sa 168 dahil mas tipid doon at mas marami akong mabibili. Hindi ako kuripot.. Nagiging praktikal lang, at saka kahit ano naman ang isuot ko ay maganda parin ako. 

"O-oy Nicole! N-narape ka ba talaga?" gulat natanong niya. "Eh bakit ang ayos ng damit mo?" Mukhang nag aalala na siya. Umiyak lang ako or should I say ngawa, tapos inalalayan niya akong sumakay sa kotse niya habang umiiyak at hinatid sa bahay. Sabi na eh, ihahatid ako nito konting arte lang—tagumpay ang plano!

"Ano ba talaga nangyari sayo Nicole? Narape ka ba talaga? Kailangan natin tong sabihin kila Tita!" pagkapasok na pagkapasok palang sa kwarto ko, nag-umpisa na ang bibig niya na daig pa ang sirena ng isang fire truck. Minsan OA talaga 'to kapag tapos na yung palabas—kita niyo, ngayon lang nag-alala sakin, pero madali siyang mauto kasi hindi man lang niya nahalata na nagloloko lang ako, pero naapektuhan talaga ako dun sa first kiss. Aba first kiss ko yun hano!

"Ehehehe joke lang yung kanina.. Ako ma-rarape? Sa ganda kong to?" pagmamalaki ko kahit walang kakonek konek yung part na maganda. Eh totoo naman kasi? Diba? Maganda ako—yan ang lagi niyong tatandaan. Mula una hanggang sa dulo ng storya na to.. Mananatili akong maganda.

"Eh bakit ka tulala kanina?" At sa tanong niyang yan.. Biglang nag flashback sa utak ko ang nangyari kanina.. Ang pagnakaw ng lalaking nakasalubong ko sa daan na hindi ko kilala..sa first kiss ko..

"Uwaaaaaa Cassie! Ang first kiss ko! Wala na ang first kiss ko!" ngawa ko ulit. Pinaalala na naman niya kasi sakin. "Dapat sa mapapangasawa ko yun eh!" This time totoo na to. Hindi na talaga ako umaarte dahil kahit na sabihin mong halik lang iyon.. Importante parin yon sakin.. Dahil babae ako..

Binigyan niya ako lang ng tingin na mukhang na-iskandalo siya at parang may nasabi akong out of this world. Masama ba na ibigay sa mapapangasawa ang first kiss? Aba! Ang tunay na maganda, Maria Clara at dalagang Pilipina—kaya nga ako maganda eh. 

"Gwapo ba?" Automatic na gumalaw ang mga kamao ko papunta sa batok niya. "A-aray! Bakit ka ba nangbabatok? Pero gwapo nga? Ano itsura? Kayo naba?" Binatukan ko nga ulit. Misan talaga hindi ko alam kung concern siya sakin o gumagana nanaman ang lantuday braincells niya. At ang hindi ko talaga maisip kung bakit siya ang naging bestfriend ko.

"Gwapo." sagot ko naman sa kanya—totoo naman eh, gwapo siya kaso walang hiya. Mukha siyang model ng bench at ang kinis kinis ng balat kaso magnanakaw—magnanakaw ng halik! My virgin lips! Ohmaygas. Sinong pontio pilato ba kasi yun? Hahatak ng babae sa daan para lang halikan? Nakakainis!

"Waaaaa! Ang swerte mo bestfriend!" Inirapan ko nalang siya dahil walang kapupuntahan yung sinasabi niya. Salit na icomfort niya ko, inuna niya pang itanong yung letcheng lalaki na yun kung gwapo ba o hindi. After some moments, naisipan na niyang umuwi, ewan ko kung ano na naman pumasok sa utak nito.

"Uuwi na ko Nicole!" sabay labas ng kwarto ko.. "Kailangan kong makilala yung gwapo na yun." Pahabol niya sabay kindat. Yuck!

Nahiga nalang ako sa kama ko at binalikan lahat ng pangyayari kanina. Gosh! Sa isang iglap nawala ang first kiss ko. Oo nag-oover react ako, pinangako ko kasi na sa mapapangasawa ko lang mapupunta ang first kiss ko. Oo, ako ay hopeless romantic. Hinawakan ko ang labi ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa yung labi niya.. Pero aaminin ko—masarap. Ang lambot ng labi. Nakakabitin.

*tok.tok*

Napabalikwas ako ng higa ng may kumatok sa pinto.. Masyado akong natulala sa pag-iisip. Hindi ko nga ma-imagine na naisip ko 'yun. Nakakabitin? San ko bang lupalop nakuha 'yun? Ayoko mahalikan ng rapist ng lips na katulad ng lalaking 'yun, unless siya ang mapapangasawa ko..

*tok.tok*

"Bakit po?" Hiyaw ko sa kumakatok, tinatamad akong buksan yung pinto. 

"Anak, andyan sila Mr. Liean sa baba" sagot ni Mama sa labas ng kwarto.

"Bakit daw po?" sigaw ko ulit dahil hanggang ngayon di ko parin binubuksan ang pinto.

"Itatanong lang daw kung kamusta ba si Cassiopeia sa school at kung anu-ano daw ang ginagawa ng anak nila." pahina ng pahina ang sagot ni Mama lalo na nung binanggit niya yung word na 'anak'. Si Tito Raphael at Tita Sapphire ay ang mom and dad ni Cassie. Lagi silang nagpupunta dito tuwing may free time. Ako yung ini-interview nila tungkol kay Cassie hanggang tungkol na sakin ang itinatanong nila.

 "Okay po! Bababa na!" Kahit mahirap lang kami eh may second floor naman ang bahay namin. Hindi naman kami sing hirap ng daga.. Sakto lang.. Yung normal. Walang sariling kompanya ang papa, isa lang din siyang simpleng empleyado. Nag-ayos ako ng buhok at saka tumakbo pababa.

"Nicole!" sinalubong ako ng yakap ni Tito Raphael at Tita Sapphire. Sabi nila ituring ko na daw silang nanay at tatay dahil parang anak na daw nila ako dahil kay Cassie. Ganun din naman ang Mama at Papa kay Cassie parang anak na din ang turing nila dito.. Kaya para kaming isang Big happy family!

 "Kumusta ka na?" masayang bati ni Tita.

"O-okay naman po."

"Si Cassie, kumusta naman sa school ang batang 'yon?" tanong naman ni tito.

"Ahmm.. okay naman po. Ganun pa din, lagi niyang nirereject yung mga nanliligaw sa kanya. He-he."

"Sayo ba? Walang nanliligaw?"

"Naku! Wala po! Ay. Di niyo po ba nakasalubong si Cassie, kapupunta lang po niya dito."

"Ganun ba? Hindi namin napansin ng tito mo, sige Nicole una na kami ah, basta pag may gusto ka at kailangan, sabihin mo lang samin." paalam ni tita. Niyakap nila kong pareho at saka lumabas ng bahay.

 Weird diba? Ganun lang sila lagi kada bumibisita dito. Mag bestfriend nga pala ang mga magulang namin ni Cassie kaya kada may hindi magandang gagawin ang isa sa amin nirereport nila agad sa isa't isa. Pero ang hindi nila alam, may kalokohan kaming tinatago na mag bestfriend lalo na yang si Cassie, ang hilig manglalake. At ayan ang resulta, nagsisinungaling ako at sinasabi ko nalang na nirereject niya ang mga manliligaw niya.

Umakyat ako sa tass at bumugtong hininga ako ng may bigla akong naalala—patay! Hindi pa pala ako nagrereview! *facepalm*

--x

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon