Ch. 4 - Confession and a broken promise(?)

91 7 1
                                    

--x

Nasa flag ceremony ako ngayon at medyo inaantok pa ako dahil sobrang late na ko nakatulog dahil sa  hirap ng assignment namin sa advance physics, dahil sa sobrang pagmamadali kong pumasok ng school ay nakalimutan ko ng gawin ang daily routine ko—ang tingnan ang kagandahang taglay ko sa harap ng salamin. 

Narinig kong inannounce ng principal ang tungkol sa retreat namin next week at sa nalalapit na sem break., pagkatapos ng announcements ay umakyat na ko papunta sa room ng bigla akong napahinto sa nakita ko—si Theo, yung crush mo simula nung first year at classmate ko. 

Napansin niya ata na nakatitig ako sa kanya kaya medyo kumunot yung noo niya at napatingin sa akin, kaagad ko namang iniwas yung tingin ko dahil sa sobrang hiya. Biglang akong kinabahan nung lumapit siya sa akin, at parang inexamine yung mukha ko.

"Bakit parang blooming ka ngayon?" sabi niya sa akin at biglang ngumiti na naging dahilan ng pagkawala ng mata niya. Pilit kong pinipigilan yung kilig ko, dapat kasi pakipot muna.

"Hindi ah." sagot ko sa kanya habang kinakamot yung mukha ko. "Lagi naman akong maganda ah." dagdag ko pang sabi na naging dahilan ng pagtawa niya ng mahina.

"Ah Nicole, ano sana, may itatanong lang ako." sabi niya habang nagkakamot ng batok. Nagulat naman ako dahil ngayon niya lang ako kinausap—madalas kasing dedma ang beauty ko sa kanya.

"Ano yun?" sagot ko habang nagpipigil pa din ng kilig at nginitian siya ng matamis.

"Ah eh ano sana, pwede bang asegfvbyunm?" sabi niya sa akin ng mabilis at medyo nakayuko pa. 

"Ano?" tanong ko ulit kasi hindi ko narinig, nakita ko namang huminga siya ng malalim at narinig ko pang bumulong siya ng 'kaya mo yan Theo' kaya natawa ako ng kaunti.

"Pwede ba kakong samahan mo ko mamaya." sabi niya sa akin ng mabilis na naging dahilan ng pagkahulog ko ng libro ko. Kinilig kasi ako, enebe.

"Sure. Yun lang ba?" sagot ko ulit at saka ko siya nginitian at saka ako pumasok ng room, pagkatalikod ko ay nilabas ko na lahat ng ngiti ko. Inaya ako ni Theo sa date! Sa wakas, napansin niya ang kagandahan ko. 

Habang nasa classroom ay napansin kong patingin-tingin sa akin si Theo, at ngumingiti kapag nahuli niya yung tingin ko. Kinikilig ako sa ginagawa niya dahil sobrang cute niya. Hindi na nga ako makapaghintay na matapos yung klase dahil excited na ko sa date namin. 

Kinalabit ako ni Cassie ng mapansin niya yung pag ngi-ngiti ko at pagtingin ni Theo, hindi siya nagtanong pero nginitian niya ako ng makahulugan, hindi ko nalang siya pinansin.

Napatayo ako ng marinig kong mag-bell, nakita ko ding napatayo si Theo. Lumapit siya sakin at nginitian ako, bago ako hatakin palabas ng school.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng medyo bumagal na yung paglalakad namin. 

"Kung saan tayo dadalhin ng tadhana." sabi niya kaya bigla akong namula. Ano ba to, ang cheesy bigla. Samantalang dati, hindi niya ako pinapansin.

Napansin kong huminto kami sa isang park malapit sa school, lumapit siya dun sa may manong na nagpapa-upa ng bike, kinausap niya si manong at saka niya kinuha yung isang bike at lumapit sa akin.

"Sakay na." sabi niya sa akin habang itinuturo yung likod ng bike. Napatingin ako sa kanya, at nginitian niya lang ako. Wala akong nagawa kasi crush ko eh, walang time para magpakipot at saka naisip ko din na chance ko na to para ma-chansingan siya.

Pinaandar niya yung bike at saka ko napansin na ang romantic pala ng ambiance dito sa park. Kumapit ako sa bewang niya habang pinapanood ko yung mga swan na nasa lake at mga batang nagtatakbuhan. Tahimik lang kaming dalawa habang nakasakay sa bike.

"Alam monagulat ako dahil bigla siyang magsalita. "—ang tagal ko ng gustong mangyari to." biglang tumibok ng mabilis yung puso ko dahil sa kilig, sa kaba? Ewan, pero nanatili lang akong tahimik dahil hinihintay ko kung may susunod pa siyang sasabihin.

"Natuwa ako nung pumayag ka, alam mo ba yon?" sabi niya niya at ngumiti sa akin, habang pinepreno niya yung bike para tumigil doon sa gilid—sa isang bench sa ilalim ng acacia. Umiling nalang ako bilang sagot. Nawala kasi yung kadaldalan ko ngayong araw. Medyo nagugulat pa ako sa mga nangyayari. 

Umupo kami doon sa may bench at saka niya nilabas yung mga junk foods sa bag niya  at binigyan ako. 

"Ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito hano?" sabi niya sa akin habang nakatingin sa may ilog, medyo gumagabi na din—hindi ko napansin yung oras. "Hindi nga tayo nagpapansinan simula nung first year eh." dagdag niya pa.

"Eh ikaw kasi eh, ang sungit mo." pabiro kong sabi at saka ko siya binato ng isang chips. "Sus, ako pa daw yung masungit, eh ikaw kaya yun. Ang suplada mo." sabi niya at saka sumubo ng maraming maraming Nova. Natahimik ulit kami saglit at saka napatingin ulit sa pond. 

"May sasabihin ako sayo Nicole.." tumingin siya sakin ng seryoso. Bigla akong kinabahan, sa mga napapanood ko kasi sa T.V, dito magtatapat yung guy, tapos magki-kiss sila. Hindi pa ako ready, tapos baka mabaho pa yung hininga ko, paano na yun? 

"A-ano yun?" tanong ko sa kanya, pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Lumapit siya sa akin, sa may tenga ko at saka bumulong.. "Inubos mo yung Nova. Palitan mo yan bukas." bulong niya at sa lumayo. Napasimangot naman ako dahil ang assuming ko pala.

"Uy, disappointed siya. hahaha" Pang-aasar niya sa akin habang tumatawa ng malakas. Hinabol ko siya at saka pinagbabato ng iba pa niyang chips. "Pero seryoso, crush kita Nicole, nung first year pa." hiyaw niya habang tumatakbo parin, natigilan ako pero hinabol ko padin siya. 

Tawa lang kami ng tawa, hanggang sa matigilan kami nung may tatlong pigura ng tao ang lumapit sa amin.

"Kaya pala hindi ka sumipot at sumasagot sa mga tawag, kasi nag-eenjoy ka dito, habang kaming tatlo, gutom na gutom na kaka-antay sayo." napahinto ako sa narinig ko. Nakalimutan kong ngayon pala yun, napatingin ako sa nagsalita—si Thunder. Kasama si Dylan at Cassie na  umiling lang at saka tumingin sa baba.

"Tama nga sila, promises are meant to be broken. Ay hindi ka nga pala nag-promise, napilitan ka lang. Sorry ah." and with that lines, nakarinig ako ng yabag palayo. Papalayo sa akin, kasama ang best friend ko.

--x

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon