Ch. 9 - Thunder the singer.

37 4 0
                                    

--x

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bumalik sa realidad. Kinakapa at iniisip ko kung saang parte ng pagsasama namin ang hindi nagpakita sa akin ng pag-asa na naging dahilan kung bakit ako umaasa at nasasaktan ngayon. Masyado na pala akong matagal na nakatulala. Hindi ako makahinga dahil sa nakita ko. Alam kong wala akong karapatang magalit kay Theo dahil una sa lahat, walang kami

"Napakasakit, kuya teddy ng sinapit ng aking buhaaaaaaaaaaaaay!" napatingin ako sa katabi ko ng may gulat. Literal na lumaki ang mata ko dahil sa nakikita at naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Siguro kung hindi ako heart-broken ay tinawanan ko na ang taong katabi ko sa loob ng kotse—si Thunder.

"What?" sigaw niya sa akin habang nakataas pa ang kilay. A slight grin formed on his lips at biglang pumito na parang nang-aasar pa. First time ko siyang narinig kumanta at for pete's sake, yun pa ang kinanta nya.

"Nang-aasar ka ba?" prangkang tanong ko sa kanya at saka ko sya inirapan. Nakakainis talaga to, buti nalang hindi ako umiyak dahil naalala kong nakakapangit yun..

"Bakit naman ako mang-aasar?" painosenteng tanong niya habang suot-suot pa rin ang mapang-asar niyang ngiti. Konting konti nalang, pipilasin ko yang pink lips mo Thunder. 

"Teka nga.. Wag mong sabihing?" napatakip ako ng bibig dahil sa narealize ko—alam ko na kung bakit niya ako inaasar. "Nakita mo din si Theo kanina?" sabi ko with a bitter tone. Hindi ko naman sinasadya na maging tunog bitter yung tanong ko, it just came naturally. 

"Obviously.. yes." sabi niya at saka ako inirapan na dahilan kung bakit ko siya binatukan.

"Ouch! What the hell was that for?" sigaw niya sa akin. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sobrang tinis ng boses niya kapag sumisigaw—nakakaturn-off.

"Eh kasi naman salit na i-comfort mo ko, nang-aasar ka pa! Broken-hearted na nga yung tao eh!" sigaw ko sa kanya with the same volume. Magkabingihan na kung magkabingihan, kailangan kong ilabas ang galit ko ngayon. 

"Why would I?" seryosong tiningnan niya ako. Hindi ako nakaimik at napansin kong kanina pa pala kami nasa tapat ng bahay. Kaya pala hindi niya na hawak yung manibela habang nakikipagsigawan sa akin. 

"Be-because you are my friend!" nag-aalangang sagot ko sa kanya.

"Who told you?" sinabi niya sa akin at saka ngumiti ng mapakla.

"Hindi pa ba tayo friends ng sumasabay kayong mag-lunch sa amin ni Cassie minsan?" nagkakapikunan na kami ni Thunder. Naiirita ako sa pagiging prangka niya. Nakakainis!

"Who told you na ikaw ang sinasabayan namin?" he said. Napatingin ako sa kanya—confused. "Si Cassie, siya yung sinasabayan namin dahil lagi siyang nagmumukhang kawawa! You are always leaving her alone whenever Theo comes!" sigaw niya sa akin na parang nagagalit na. Then it hit me, tama nga, wala na yung bonding moments namin ni Cassie simula nung naging close kami ni Theo at hindi ko man lang napansin yon. "tapos ano ngayon? Umasa-asa ka sa wala, tapos saan ka ngayon pupunta? Kay Cassie na lagi mong iniiwan dahil kay Theo because you saw that bastard kissing other girl? Wag ka ngang tanga Nicole! Tangina naman!" napayuko ako at napaiyak. Ngayon ko lang narinig mag-mura ng ganyan si Thunder. He has a point. Tama siya sa lahat ng sinabi siya, asa naman talaga ako, tanga pa. 

Napatingin ako sa kanya ng abutan niya ako ng panyo habang nakatingin siya sa bintana ng kotse niya. Agad kong kinuha iyon at sinigahan.

"Kilala mo na ba talaga si Theo?" he asked me habang nakatingin parin siya sa bintana, sumagot ako ng oo dahil base sa mga kwento niya sakin, parang kilala ko na nga siya. "Really?" tanong niya niya ulit sa akin as if mas kilala niya si Theo more than I do. "Did he told you that he likes you?" tanong niya ulit sa akin but this time, nakatingin na siya sakin. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi but in the end, kinuwento ko sa kanya lahat. Somehow, parang nabawasan ynug nararamdaman ko.. 

"That bastard. Mapapatay siya ni Drake." he whispered pero narinig ko. Nagtaka ako sa sinabi niya at tinanong kung ano yun.. Nagulat siya ng malaman niyang narinig ko ang sinabi niya, then he sighed tapos tiningnan niya ako sa mata.

"That Theo guy.." napatingin ako sa kanya ng muli siyang magsalita. "..he is Drake's sister's boyfriend."

--x

thunder on the right side.

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon