Ch. 5 - Explain Nicole! Explain

99 5 0
                                    

--x 

Pinapanood ko lang silang lumayo sa akin. Tahimik lang din si Theo at napatigil katulad ko, malungkot ako at naiinis ako sa sarili ko dahil nakalimutan ko ang date na yun. Nadisappoint ko ang best-friend ko, nagalit pa sa akin yung ibang tao—pero dapat ba akong masaya dahil nalaman kong crush din ako ni Theo? Hindi ko alam. 

Hindi pa sila nakakalayo sa amin ay bigla akong napahagikgik ng tawa dahil sa nakita ko. Hindi ko naman sinasadya pero natawa kasi ako dahil biglang nadapa si Cassie—isipin niyo pang isang dramatic walk-out yung ginagawa nilang tatlo. Napansin ko ding pinagtawanan ni Thunder at ni Drake si Cassie na parang bata na nakaupo sa sahig, nakitawa din si Theo sa amin.

At dahil walang taglay na pagkagentleman yung dalawa, ay tumayo si Cassie mag-isa  at naglakad papunta sa akin, nakita ko namang sumunod yung dalawa sa kanya na siyang ipinagtaka ko.

"Uy best friend joke lang yung kanina. hahahaha" napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko na-gets yung sinasabi niya. Pero parang sumaya ako dahil parang hindi galit sa akin si Cassie—ata.

"Huh?" sagot ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha ko dahil sa sobrang pagtawa kanina. 

"Joke lang yung kanina, scripted yon. Ang galing kong umarte hano? Alam mo bang pinilit ko pa si Thunder na sabihin yung line na yun, ang galing nga niya eh. Parang nanonood ako ng darama. Hihihihi, mag-audition kaya kami?" natutuwang kwento niya sa akin habang inirapan naman siya ni Thunder. Tumalon yung puso ko dahil nalaman kong hindi pala galit sa akin yung best friend ko at dun sa thought na napilit niyang umarte si Thunder, ang saya-saya ko dahil alam kong crush ako ng crush ko at wala akong po-problemahin pa.

"Okay na sana eh. Kaso nadapa ka pa. Ang clumsy mo." sagot naman sa kanya ni Thunder at medyo ginulo yung buhok ni Cassie, nakita ko namang nag-blush bigla yung babaita—hmm, I smell something fishy.

Napabaling naman ang atensyon ko nung biglang nag-hi si Cassie kay Theo. Napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala kong kasama ko nga pala siya.

"A-ah, Theo, si Thunder, si Drake at si Cassie. Uy kayong tatlo, si Theo nga pala." pakilala ko kay Theo. Kinindatan naman ako ni Cassie tapos nagtanguan naman yung mga lalaki—hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun. Pagkatapos, ay nagpaalam na si Thunder at Drake, pati na din si Theo. Hindi na kasi kami nagpahatid ni Cassie dahil may mahabang paliwanagan pang ang mangyayari sa aming dalawa. 

"So, anong nangyari?" pag-uusisa ni Cassie habang nasa loob kami ng Kotse nila—medyo kinikilig pa ata ang luka. "Wala naman. Nagkwentuhan lang kami." sagot ko sa kanya habang pinipigilang ngumiti. "Weh? Eh anong nginingiti-ngiti mo dyan?" sagot niya naman at saka ngumiti ng nakakaloko sa akin, tinaas-taas pa niya yung kilay niya. Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya kinuwento ko sa kanya yung nangyari.

"Buti nalang pala, medyo nalate kami ng dating, kung hindi, hindi pa nakaamin sayo si Theo babes." sabi niya habang kinikilig-kilig. "Alam ko naman kasing may pupuntahan kayo kasi nagpaalam si Theo. Kaya lang naman kami nagpunta dun ay dahil hinahanap ka na ng mama mo at saka wala lang talagang magawa yung dalawa at dahil wala din akong magawa, ayun nag-role playing kami. hahaha" pagke-kwento niya sa akin. Napansin ko ding nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. 

"Gaga ka talaga, akala ko galit ka, buti nalang talaga at hindi dahil baka mapuyat ako kakaisip kung paano ako magso-sorry. Kung nagkataon, papangit pa ako." nakangiti kong sagot sa kanya. Masyado akong masaya ngayong araw na to. Sa wakas, may lovelife na din ang maganda. 

"Sayang nga eh, akala ko maso-solo ko na yung dalawang papable." natatawa niyang sagot sa akin bago ko tuluyang isara yung pintuan ng kotse.

 Pumasok na ako ng bahay pero nagulat ako dahil isang ilaw lang ang nakabukas na sala. "Saan ka galing?" sabay na tanong ni Mama at ni Kuya habang nakasandal sa isang upuan na nasa ilalim nung ilaw. Eto pa ang isa, bakit nga ba nakalimutan kong umuwi ng maaga at nakalimutan kong mayroon akong baliw na pamilya? Isang mahabang paliwanagan to, kailangan ko ng i-ready ang kagandahan ko. 

--x

nicole on the right side

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon