Ch. 7 - Theo and I, a flashback.

50 4 0
                                    

[A/N]: So as far as we remember po, medyo magulo yung last chapter dahil dun kay Theo at kung bakit ganun maka-emote si Nicole. So, baka may 2-3 chapters kaming gagawin para mas maliwanag. So baka maguluhan kayo, We just want to remind you na "FLASHBACKS PO ITO."

--x

"Nicole, kwek-kwek ka ba?" napatingin ako sa gwapong nilalang na kakaupo pa lamang sa tabi ko at maluwang na maluwang ang pagkakangi-ngiti at inaangat-angat pa ang kilay. Pinapakita nanaman ang charms niyang kahit kailan hindi ko maresist. 

"Bakit?" Kinunot ko ang noo para kunwari ay nagtataka ako at maitago ang kilig ko. Para hindi niya din mahalata na kinikilig ako sa presence niya kahit na magkaklase naman kami. 

"Kasi nagugutom na ko, pwede mo ba kong samahang bumili?" sabi niya sa akin at saka humagalpak ng tawa. Pinagt-tripan nanaman ako nito. Pasalamat siya gwapo siya, dahil kung hindi, malamang pinaglalamayan na ang hot niyang katawan. 

"Masamid ka sana kakatawa dyan." sabi ko sa kanya saka ko sya inirapan. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mo kong pag-tripan." dagdag ko pa, tampo effect lang kunwari.

"Sungit naman nito, kaya sayo ko eh!" sabi niya at kinindatan niya ako. Oh my gosh! Kailangan ko ng oxygen. Sino bang hindi kikiligin kung nakikipaglandian sayo ang ultimate crush mo? "Nagpapasama lang naman akong bumili eh." dagdag niya pa at saka nagpa-cute sa harap ko, kaya pumayag na din ako nung bandang huli. 

Dumiretso kami sa park ni Theo, may 30 minutes break pa naman kaya okay lang. Bumili lang siya ng kwek-kwek at tokwa, saka siya umupo sa favorite spot namin. Nagkwentuhan lang kami at nanglait ng bawat taong dumadaan.

Ganito ang gawain namin sa halos 2 buwan na pagkakilala namin. Medyo komportable naman kami sa isa't-isa—maliban sakin dahil may halong malisya ang lahat ng ginawa niya dahil nga crush ko sya. Nakatingin lang kami sa lake pagkatapos naming kumain ng kumain ng kwek-kwek at tokwa—na sabi ni Theo, tofu daw kasi yun daw ang tawag ng mga pogi dun. 

"Ang ganda hano?" basag niya sa katahimikan. Tumango at saka humarap sa kanya pero nagulat ako nung makita ko na sa akin siya nakatingin.

"Oo nga, ang ganda." sagot ko sa kanya ng marealize kong ako ang tinutukoy niya. Nagtawanan lang kami dahil sa naging sagot ko. Syempre ako si Nicole, katulad ng sinabi ko sa inyo, alam kong maganda talaga ako. 

"Ang confidence level oh, beyond the reach na." biro niya at saka ako hinagisan ng damo na binunot niya. "Pero totoo nga, ang ganda mo." bigla siyang sumeryoso at saka tumitig sa akin. Nailang naman ako ng kaunti pero kinilig ako. 

"Alam ko naman na yan eh." nginitian ko siya para matago ang pagka-ilang ko saka para gumaan yung atmosphere, nag-iwas ako ng tingin at saka ako humarap ulit sa lake..

"Oo na, oo na. Ikaw na talaga." sabi niya sa akin habang nata-tawa tawa pa. Parehas ulit kaming natahimik pero binasag na naman niya. "Pero may isang bagay akong alam pero hindi mo alam.." napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo, bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya at nagtanong gamit ang mga mata ko.. 

"...I like you Nicole." biglang bumilis yung tibok ng puso ko. "..ngayon alam mo na."

--x

theo on the right side. 

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon