Bakit hindi nalang ako?

72 7 0
                                    


Bakit hindi nalang ako?

Hindi nalang ako ang mahalin mo?

Andito naman ako para sayo

Handang pumasok sa iyong puso.

Bakit siya ang lagi mong nakikita?

Oo na, siya na maganda

Ako'y nagdurusa,

Nakikita mo ba?

Ang manhid mo na nga, tapos bulag pa

Bakit hindi mo nakikitang gusto kita?

Ang mga efforts ko, nababalewala

Bakit hindi nalang ako imbis siya?

Siguro nga kailangan ko ng tanggapin

'na walang pagasa 'itong damdamin

Tila ikaw ay parang mga bituin

Na kahit anong abot, mahirap kunin.

Sa malayo nalang kita sisilayan

Sa malaking puno ng kawayan

Andun ako nakatayo tinatanaw ka

Tinatanaw kang masaya sa piling ng iba.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon