Walang Pinagbago

20 0 1
                                    


Pinakawalan kita hindi dahil para maghanap ka nang iba

Kung hindi para magbago at maging matino ka

Hindi kita iniwan dahil hindi na kita gusto

Dahil akala ko mahihintay mo 'ko 


Hindi ko alam kung tama pa bang bumalik ako sayo

Pero sino ba naman ako kumpara sa mga bago mo? 

Hindi ka pa rin pala nagbabago, ano? 

Sandamakmak pa rin ang mga babae mo


Ngayon, kailangan kong umasta na ayos lang

Pinipilit na ngumiti kahit nasasaktan 

Sa inyong dalawang naglalandian

Ginawa niyo pa talaga sa aking harapan


Huwag mo na sana siyang lokohin at pakawalan

Huwag kang gagawa ulit ng kagaguhan

Baka pagsisisihan mo sa kinabukasan

Isang babae nanaman ang iyong sinaktan 


Ang tanging hiling ko lang sana sa iyo

Huwag mong gawin ulit yung ginawa mo

Sobrang sakit, dahil naranasan ko na ito

Noong panahong tayo pa at niloko mo lang ako


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon