Pakiusap

38 2 2
                                    



May kaunting hiling lang ako para sa iyo

Para rin ito sa ikakabuti natin, sana naman pakinggan mo 

Sa eskwelahan, na tuwing magkakasalubong tayo

Pakiusap lang, sana ito ay gawin mo 


Huwag na huwag kang lilingon at titignan ako sa mata

Parang awa mo na, huwag ka ding ngumiti dahil hindi ko kaya 

Marupok ako, kaya huwag ka ng magparamdam pa 

Utang na loob, umiwas ka dahil iniiwasan kita


Pakiusap ko sayo, huwag mo akong hayaan magpakatanga 

Huwag ka ng magbibigay ng motibo, para hindi na ako umasa pa

Pakiusap, ayoko ng lagi akong nasasaktan dahil gusto ko ng maka-laya

Maka-laya sa ating dalawa na ako nalang ang natitirang kumakapit


Pakiusap aking mahal, may karapatan din akong sumaya

Gustong gusto ko ng tulungan ang sarili kong makalimutan ka

Dahil wala ka namang ibang dulot kundi puros hindi saya

Kaya parang awa mo na, huwag mo na ulit akong bigyan ng pagkakataon para mahalin ka.





-----

Anosaveh? HAHAHAHA kbye  :>


PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon