Kabanata 2

1.3M 30.8K 9.4K
                                    

Kabanata 2

Akala ko Nakatalikod

"Sinasabi ko na nga ba, Trisha!" Sigaw ni Emma sakin.

Ngumisi lang ako habang nag aayos ng buhok. Ito ang unang araw na dapat akong mag duty sa hotel pero dahil hawak ko naman sa leeg yung acting CEO nila, nandito ako sa school. Kukunin ko din kasi yung letter sa kanya.

"Masaya si Mommy at Daddy na nakuha ako sa Le Marcelle. Maging masaya na rin kayo!" Sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Binlackmail mo si Troy Salazar. At! Pustahan tayo, gusto mo lang pumasok dun para mapalapit ka kay Sir Jayden." Umiling si Emma.

Napabuntong hininga din sina Beatrice at Camille.

"Aminin niyo, ang swerte ko!" Sabay tili ko sa kanila.

Tumili din sila pero natahimik dahil sa titig ni Emma.

"Hayaan mo na lang Em! Eh ako nga muntik na akong nag shift sa HRM nung nakita ko si Sir Jayden. Ang gwapo niya talaga!" Tumili pa si Camille.

Habang nagtitilian si Camille at Beatrice, naispatan ko si Mr Araw Araw May Dalaw sa gilid ng mata ko. Gaya ng sabi ko, madali siyang makita kasi pinapalibutan siya ng isang pulutong na kaibigan. Nagtatawanan yung mga babae sa joke niya. Halatang inaakit siya ng mga babae dahil hinahaplos siya kung saan saan. Mga babaeng ito, ang kakati, sumasamba sa Troy na yan.

Tinignan ko siyang mabuti. Tawa siya nang tawa. Sigurado akong mag mo-mood swing yan ngayon pag makita ako. At tama nga ako! Nang nasulyapan niya ako at ibinalik ulit ang tingin niya sakin, bahagyang nanlaki ang mga mata niya at sumimangot agad.

Napabuntong-hininga si Camille at Beatrice.

"Bakit ba kasi may mga gwapo at mayabang at the same time? Hindi ba pwedeng gwapo at mabait tulad ni Sir Jayden?"

Ngumisi ako at nilapitan si Troy. Nang nakita niya akong lumalapit na... sobrang laki na ng pinagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Talagang mukha na siyang may dalaw ngayon!

"Troy!" Mahirap siyang lapitan dahil sa nakalibot na mga tao sa kanya.

"Ew? Who is she, Troy?" Sabi nung modelong nakita ko nung isang araw.

Pa-conyo pa ito. Suntukin kita diyan! Tignan natin kung makapag english ka pa diyan.

"Huh?" Pa blind naman itong si Troy kahit na mukha na siyang may dalaw.

"Sino ba 'to, dude?" Tanong ni Nash.

Ni-head to foot ako ng mga kaibigan niya. Nagkibit-balikat na lang si Troy.

"Maybe a fan." Sabay iling ng kutis-porselanang babaeng ito.

"Miss, walang time si Troy sayo kaya sorry ka na lang. Tsaka di siya mahilig sa tulad mong nobody!" Inirapan ako ng modelong conyo.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon