Kabanata 23

986K 26.2K 9.1K
                                    

Kabanata 23

Di Makawala

"Manang..." Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok at nilalagay ang earrings sa tainga.

Kinatok ko ang katulong namin. Ilang sandali pa bago nabuksan ang pintuan niya.

"Bakit, Trisha?" Tanong ni Manang.

"Manang, uhm, emergency lang po... Aalis muna ako. Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko. Uhm... Tatawagan ko na lang si mommy at daddy mamaya. Paki gising po kay manong Bert. Papahatid lang ako sa, ano, sa highway tapos mag tataxi na lang ako para makatulog na ulit siya."

Ginising ni Manang ang driver namin.

"Ihatid na lang kita kung saan ka pupunta." Antok na sinabi ng driver namin.

"Wa'g na po. Malapit lang naman yun dito. Sige na po... Wa'g na..." Sabi ko nang palabas na kami sa Domino Heights.

Tinigil ni manong ang sasakyan sa highway at pumara ng taxi.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya.

"Opo. Sige na po... bye!" Agad akong pumasok doon sa taxi.

At ngayon eto naman ang po-problemahin ko... Kung nasaan si Troy ngayon.

"Manong, Penthouse." Sabi ko.

Nang nakarating ako doon... tinanong ko agad ang guard.

"Manong may beerpong po ba dito?" Tanong ko.

"Wala po, eh."

"Ganun po ba? Saang bar po may beer pong?" Tanong ko kahit hindi ko talaga alam kung ano ang beer pong. Yun kasi yung narinig ko sa background.

"Marami, miss eh."

"Ha? Talaga? Uhm... pwede paki lista?"

Una, aayaw-ayaw pa siya pero nang binigyan ko ng tip, agad naman kumanta.

Nagbihis talaga ako ng maayos para papasukin ako sa bar. May ibang bar kasi na masyadong mapanghusga... pag di maayos ang bihis mo, sasabihing fully booked na (yun ang sabi ni Troy).

Mahaba ang listahan ni manong guard. Dumugo naman ang ilong ko. Mauubos yata ang pera ko sa kakataxi. Mabuti na lang at meron ding mga bars malapit dito sa Penthouse ang may beer pong.

Dalawang beses akong nahipuan sa tatlong bar na pinuntahan ko, kung saan wala si Troy. Damn shetttt! Mga walang hiyang manyak!

Sinubukan kong tumawag kay Troy pero patay na yata yung cellphone niya.

TING! May naalala ulit ako. Doon sa Hybrid Square (kung saan ko nakita yung sasakyan niya nung isang araw). Sinuyod ko ang buong Hybrid Square. Ilang libo na ang naubos ko sa kakapunta sa mga bar. Sheeeet! Uuwi ba akong walang napapala?

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon