Kabanata 32

908K 21.4K 5.4K
                                    

Kabanata 32

Pwede Bang Mag Usap Tayo?

Naka faded short pants ako at loose cropped shirt pagdating ko ng Le Marcelle. Hindi ko kasi alam kung anong susuotin sa pool party. Yun pala, dress ang dapat na sinoot ko. Nakita kong dress ang sinoot nina Sunny at iba pang interns. Ako lang yata ang naka shorts.

Kinabahan agad ako nang nakita si Jayden.

Nakangiti siyang lumapit sakin. Naka white polo shirt lang siya at khaki short pants. Bagay na bagay sa kanya ang soot niya.

Niyakap at hinalikan niya agad ako.

"See you sa pool. Titignan ko lang kung okay ba lahat ng departments." Bilin niya.

Nagsi tilian naman ang mga interns sa simpleng ginawa ni Jayden. Napangiti na lang ako sa kanila.

Nagpunta na kami sa ppol. Nandoon lahat ng nag tatrabaho sa Le Marcelle. Dalawang oras lang daw ang party na ito. Ang may duty ngayon ay ang night shift. Mag du-duty mamayang gabi ang morning shift (party naman ng night shift mamaya). Pero wala na kaming duty ng mamayang gabi, interns lang din naman kasi.

Maiksi lang ang program. Nag speech ang daddy ni Troy, at nagpalakpakan kami. Maraming pagkain. Kumakain ako samantalang busy sina Sunny at kapwa interns ko sa paglalagay ng sunblock para maligo.

"Daming expats!" Sabi ni Sunny habang tinitignan ang pool na may mga expats na costumers ng Le Marcelle.

Nag tilian sila. Hindi ko alam kung bakit. Basta ako, kumakain lang ako dito sa ilalim ng malaking payong sa sun lounger.

"Oh my god!" Hinika ang isa sa amin.

"Uy! Pigilan niyo si Winny!" Sigaw ng isang intern.

Nag ha-hyperventilate siya habang ngangang nakatingin sa kabilang banda ang lahat ng intern. Walang pumapansin sa nag ha-hyperventilate.

"Uy! Ano ba kayo! Si Winny!" Saway ko sa kanila.

Kinalabit ko si Sunny pero di niya ako pinansin. Nairita pa nga siya nang kinalabit ko siya ulit.

"Teka lang! Si Troy!" Aniya.

Napatingin ako sa tinitignan nila. Ngayon... alam ko na kung sino...

Si Troy Ezekiel Salazar ay madramang tinatahak ang gilid ng pool. Naka board shorts lang siya at nakabalandra na naman ang madugong katawan niya. Laglag na rin ang panga ko. Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa kanya.

"Potangshet! Sarap ng karneng yan." Sabi ng isa sa interns.

Ginugulo niya ang buhok niya habang nakaawang ang bibig na tumitingin sa malayo. Yung V-line niya ay nakakaagaw ng pansin. Parang sumisigaw na 'hubaran niyo ako!'.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon