Kabanata 46

1M 25.4K 6.7K
                                    

Kabanata 46

At Nagsimula Na Siya...

Kinuskos ni Troy ang mga mata niya. 30 minutes din siyang natulog. Tinignan ko lang siya habang nakahiga siya sa lap ko.

"May tumawag." Salubong ko sa kanya.

"Sino?" Tanong niya.

"Si Abbie."

Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya at umupo ng maayos. May kinuha siyang can sa drawer niya. Nakita kong isang Royal na softdrink at Heineken. Binigay niya sakin ang softdrinks at agad niya namang ininom ang Heineken.

"Tapos?" Tanong niya.

"Wala naman... Uhm... Kinausap din ako ni Nash." Sabi ko.

Napatingin siya sakin, "Bakti daw?"

"Uhmm. Akala niya ikaw yung kausap ni Abbie kaya kinausap niya rin ako. Tapos tinanong ko kung anong nangyari, sinira mo ang birthday party mo?" Tanong ko.

Umiling siya, "I deserve the best birthday party, Trisha." Aniya.

"Huh?" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"And the best is with you..."

Hinaplos niya ang mukha ko... Lumakas na naman ang kabog ng puso ko. Sobrang lakas parang may nabubuhay na isang pulutong na sundalo sa loob, nagmamartsa at nagpapaputok, para bang gusto nilang kumawala.

Hinaplos niya ang labi ko.

"I really wanna kiss you..." Napalunok siya.

"Hindi pa tayo pwedeng mag kiss, diba? Nililigawan mo pa lang ako." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Pumapayag ka sa alok ko?"

Natahimik ako.

Ngumiti siya at kinagat ang labi. Damn, I miss him so much. Parang ang tagal niyang nawala. Ngayon lang siya nakabalik ulit... Miss na miss ko na siya na gusto ko na rin siyang halikan.

"Mag to-toothbrush lang ako." Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko nang narealize kong nakita niya ang pagtitig ko sa labi niya. Sumulyap siya sa wrist watch niya habang pinapaandar ang sasakyan.

"Ang aga pa pala." Aniya.

And it's his birthday. Ang alam ko, party siya nang party tuwing birthday niya. Siguro ito ang unang pagkakataon na nasira ang birthday niya. 8:00PM pa lang at wala na ang party niya.

"Magbar na lang tayo, Troy?" Sabi ko.

"Ha? Bakit?" Sumulyap siya sakin nang nakakunot ang noo.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon