Chapter 1

192 16 9
                                    

Those Rainy Days

Written by Tintin


Chapter 1





Faster babe . . . Ugh . . . Make it a little faster . . . That's right babe ugh! . . . Do it that way babe. . . Ugh . . . Ugh . . . I'm near babe ahh . . . Just like that babe ugh . . . Ahhhh

"PONYETA ka, Patricia Anne Manalang! Natutulog ka na ba dyan sa C.R. babae?" sigaw ni nanay. Oh Em! Sigaw ni . . . Sigaw ni NANAY! Oh shet! Masaket! Pag tinira ka sa— "Ponyeta ka! Malelate ka nang bata ka!"

Nagmadali ako at naglagay ng rejoice 4 in 1 sachet sa aking mala pang-palmolive model na buhok. "Opo Nay! Magshashampoo lang ako", sagot ko sa kanya. Gosh! Kaderder yung panaginip ko.

"Abay ponyeta ka talagang bata ka! Kanina ka pa dyan sa C.R. Inenjoy mo na ba yang trono mong inidoro?" bulyaw nya ulit. Anlaki na ng kahihiyan ko sa buhay. Abot hanggang kapit-bahay yung boses nyang hinu u ang tiyahin ni Jenny sa kwento ni OwwSIC na jenny and the magic arinola.

Lumabas na ako ng banyo. Fresh na fresh ang feeling ko. Hinagilap ko ng tingin ang bahay upang hanapin ang bungangera pero lovable na nanay ko. Wala na sya. For sure pumasok na sya sa napakarangal nyang trabaho. Utility Manager sya sa isang company. Ang sossy ng trabaho nya diba? Hu u kayo hahahaha.

Nagmadali na akong magbihis sapagkat 20 minutes na lang late na ako. Ba't ba kasi ako nakatulog sa loob ng CR. Kaderder pati nung panaginip ko. Masyadong SPG. Kaloka!

Pagkabihis ko ay agad kong kinuha ang aking Jansport na bulaklaking bag. Binili ko yung sa bangketa kahapon worth 150 at may libreng buko juice pa! San ka pa? Anyways, nagmadali na akong lumabas ng bahay. Di ko na kinandado kase andun pa naman ang pagkabait-bait kong tatay at ang napakasanto kong kapatid.

Halos tumakbo na ako papuntang sakayan kasi for sure, mahirap na namang sumakay dun. Kapag naghihintay nga ako dun e parang may forever na. Pero nakakasakay pa din ako kaya WALA PA RING FOREVER!

At dahil swerte ako ngayon, nakasakay ako agad sa isang jeep na may saksakan sa tigas na upuan. Gawa yata sa sinaunang bulak 'tong upuan e. Ibenta nya kaya 'to sa mga archaeologist para rumangya naman yung buhay nya.

Dumating na ako sa school. Grabe! Super busog ako sa buhok ng babaeng katabi ko sa jeep kanina. Hindi ba uso ang pagtatali ng buhok sa kanila? Anyway, naglalakad na ako papuntang room. Andilim kahit malapit nang mag 6 'o clock. Anlamig din ng hangin. Para ngang minumultong village 'tong school namin.

Binilisan ko na ang lakad ko. 10 minutes na lang kase start na ng first subject. By the way, first day ngayon at kalilipat ko lang dito sa mala-haunted school. Ayaw ko namang first day tapos late ako. Masisira image ko. Mahihirapan akong sumipsip.

Dali-dali akong umakyat sa pagkadilim-dilim na hagdan. Kaloka talaga rito sa nilipatan ko. Ni wala man lang pambili ng ilaw. Kasalanan ni P-noy ang lahat ng ito e. Sisihin natin sya!

Dumating na ako sa classroom namin. As usual, dahil bago ako, lahat ng bagong classmates ko ay nakatingin sa akin: ang awkward tuloy ng feeling.

Pumasok ako. Naghanap muna ako ng bakanteng upuan. May nakita naman akong upuan na walang tao at bag na nakalagay sa bandang center isle sa unahan. Maganda ang pwestong 'to para sumipsip.

Agad-agad kong inilapag ang jansport kong bag. Ang lagkit pa din ng tingin sa akin ng mga classmate ko. Siguro inggit lang sila kase ako ang may pinakacolorful na bag sa kanila.

Maya-maya pa'y tumunog na ang bell. Hudyat iyon para sa pagsisimula ng unang klase para sa isang panibagong school year. Nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan yung mga makatingin-wagas kong classmates.

Isang saglit pa'y dumating na yung teacher namin. Medyo mapayat sya na mahaba ang buhok. Kahawig nya si Slendrina kapag nakaside view. " Okay class. Kindly stand." nakangiti nyang sabi. For sure madaling sipsipan si Slendrina. "Good morning class! I'm Celine Bartolome and I'm your english teacher." pagbati nya. Oh shet! Si Ma'am Celindrina yata sya haha. Coincidence ba this?

"Gooooooood moooooorning Mrs. Bartolomeeeee." pagbati namin sa kanya. Bakit kaya parang mga Bulakeña kaming mga studyante kapag bumabati? No one knows haha.

Ngumiti sya ulit. Kamukha nya talaga si Slendrina. "Okey class, sit down and sit properly." saad nya.

Ngumiti kami sa kanya. "Thank you, Ma'am." plastik naming tugon.

"At dahil first day ngayon, I want all of you to describe yourselves here in front." pag-uutos nya. "Let's start with you, Miss." sabi nya sabay turo sa akin. Gosh! Tinuro ako ni Ma'am Slendrina este Ma'am Celine. Ang awkward pa naman ng tingin sa akin ng mga tikal kong classmates.

Tumayo ako ng chest out pwet out. At dahil nasa unahan na din naman ako kaya 'di na ako nagtsunami walk. "I'm Patricia Anne Manalang, Pam for short,
15 years of age, and I live in Sucat, Parañaque City." pang beauty queen kong pagpapakilala.

"Ano'ng mga talent mo Pam?" tanong ni Ma'am Celine.

Itinaas ko ang noo ko. Hindi mataas ang hair line ko kaya okey lang. "My talents are singing, writing and a bit of drawing." proud kong sagot.

"How about dancing? Aren't you good in that talent?" maechoss na tanong ni Ma'am Celine. Hinu u nya si Dora sa sobrang dami nyang tanong. Akala nya siguro talk show 'tong klase nya.

"I'm not good in dancing because, uhm, when I was a kid, I only focus in singing and drawing. As time passes by, I tried writing so, I didn't encounter dancing yet." kinakabahan kong sagot. Halos dumugo na ang ilong ko ng mala-water falls dahil sa pag-eenglish ko ng wagas. Masyado kaseng epalski si Ma'am Celin de Rina e. Ang sarap nya ikulong sa cellar.

"Thank you very much, Pam. Who's next?" pag-entrada ulit ni Teacher. Nagtanong pa sya kung sino yung sunod pero tinuro nya din naman yung may mataray-look kong katabi.

"Hi! I'm Venice Archangel. Nice to meet you guys." mataray nyang sabi sabay upo with matching flip hair pa. Iflip ko yang leeg nya tingnan ko lang.

Napataas yung kilay ni Ma'am Celine sa inasal ni Venice de Tungkabebe. Nagmukha tuloy syang naghihingalong Slendrina sa ginawa nya. "You're mean huh? Let's see if you can match me with your attitude." sabi ni Ma'am habang nakataas ang kilay. May binubulong-bulong si Venice sa sarili nya. Sinusumpa nya siguro ang kasumpa-sumpang mukha ni Ma'am Celine.

Makaraan ang ilang pagpapakilala at naumay na ako sa mga chararat na peslak mga kaklase ko, nanlaki ang mga mata ko sa kaklase kong tinawag ni Ma'am Celine. "Next!" untag ni Ma'am.

Those Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon