Chapter 8

39 7 5
                                    

Those Rainy Days

Written by Justine G.



Pam's P.O.V.


May napanuod akong pabalas, That Thing Called Tadhana. Maganda. Nakakakilig. Hindi ko nga akalaing mararanasan ko ang nangyari dun sa kwento. Hindi ko akalaing magmamahal din ako at kikiligin. Sana hindi ako masaktan. Sana hindi ako umiyak dahil sa pag-ibig.

Hindi ko pinangarap na balang araw na magmamahal rin ako gaya nila. Sabi ko noon na ang pagmamahal ay kalandian lang pero ngayon, isa na ako sa malalanding sinabihan ko. I'm one of those crazy girls sabi dun sa kanta. Crazy in love.

Noong gabing iyon. Nagtapat sa akin si RJ. Mahal n'ya raw ako. Sinabi n'ya sa'kin na gusto nya raw akong ligawan. Hindi ko sya sinagot agad kaya mag-iisang Buwan na rin syang nanliligaw sa'kin. Kailangan ko ring magpachoosy. Baka masabihan akong easy-to-get.

Febuary na ngayon. Ang bilis lumipas ng mga araw. Kasing bilis ng pagkawala ng pagmamahal sa'yo ng boyfriend mo. Nakulangan sya ng kalinga at pagmamahal kaya humanap sya ng ibang mapagkukunan. Humanap sya ng taong mas mabibigay ng sapat ang mga pangangailangan nya.

Minahal mo s'ya sa abot ng makakaya mo pero hindi pa rin sya nakuntento. Naghanap pa ng iba. Binalewala nya lang ang pagmamahal na inialay mo para sa kanya. Ang pagmamahal mo na para lang sa kanya.

Malapit na ang Valentine's Day kaya marami na akong hugot. Nasanay na kasi akong walang love life noon. Pero ngayon meron na. Natuto na akong lumandi ngayong Grade 10. Si RJ kase e. Bad influence. Choss.

Sabado ngayon kaya walang klase. As usual. Dead bat 'tong cellphone ko. Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas syete na pala. Naalala ko tuloy 'yung eksena namin ni RJ sa ulan kahapon. Nakakatuwa lang na isipin na may manliligaw na ako for the first time. Hindi ko nga akalain na magugustuhan ako nung mokong na yun e. Kewafu kasi.

Agad na kumulo ang sikmura ko. Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian. Nakakatamad kasi e. Tinapos ko pa lahat ng series ng Teen Wolf. Ang korni nga ng season 4. Pero maganda pa din.

Pumunta na ako ng kusina para kuhanin ang paksiw na niluto ko kanina. Ako lang lagi ang tao dito sa bahay kaya kailangan kong matuto. Magugutom ako kapag wala akong alam na ulam na kaya kong lutuin.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kwarto. Akmang papahiga na ako nang may narinig akong naggigitara sa labas. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko si RJ na naggigitara sa labas ng bahay namin. Agad na namula ang mga pisngi ko dahil sa kanyang ginawa. Kitang kita ko ang pagkatamis-tamis nyang ngiti na nakaukit sa kangyang mga mata.

Lumabas ako ng bintana at pumatong sa bubong ng 1st floor namin. Dito dumaan si Jun Toling at 'yung pinsan nya para makapagnakaw sa bahay nung mayaman dun sa dulo.

"Gabi na! Magpatulog ka naman!" panloloko ko sa kanya.

Tinitigan nya ako. "Sorry po. Sadyang mahal lang kita kaya ako nanghaharana ngayon." magiliw nyang pahayag sa akin. Kitang kita ko sa kyot nyang mga mata ang saya habang nag-gigitara sa labas ng bahay namin.

Napangiti ako. "Mama mo mahal! Dun ka sa bigas! Hindi napapagod magmahal." pagsasalaysay ko. "Kaya nasasaktan e." sabi ko sabay hagalpak ng tawa. Kahit corny 'yung sinabi ko, tinawanan nya pa rin. Ibang klase talaga 'tong mokong na 'to. May paninindigan.

"Bakit nadyan ka ba kasi sa bubong?" tanong.

"Trip ko e. Pake mo ba?" balik tanong ko.

Napangiti sya. "Sabi ko nga po, Boss." sigaw nya sa akin. "Baba ka nga muna dyan. May ibibigay ako."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para makapunta sa kanya. Kamuntikan pa nga akong madapa sa hagDAN e. Buti na lang hindi. Ayaw ko namang harapin si RJ nang may ube sa mukha. Baka maturn off si mokong.

Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong nya agad ako ng kanyang matamis na hal - ngiti! Ano ba?! Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis. Halos langgamin ang labi nya sa sobrang tamis ng ngiti nya.

Inabot nya sa akin 'yung mga bulaklak. "Para sa'yo sayo, Pam." sabi nya na parang nahihiya.

Nag-init ang katawan ko nang iabot nya sa akin 'yung mga bulaklak. 'Yung klase ng init na parang pulang pula na ako. Hindi 'yung klase ng init na nalilibugan. Iba 'yun. Bastos.

"Bakit kasi ganitong oras ka pa pumunta?" tanong ko.

"Atat na kasi ako sa oo mo e." ngiting ngiti nyang sagot. Parang nanlalambot ang mga paa ko sa sobrang kilig nang sabihin nya ang mga salitang iyon. "Bakit ba kasi ayaw mo pa akong saguti?"

"True love waits, Dre." mema kong sagot. Parang ayaw magfunction nang maayos 'tong utak ko. Parang puro na lang RJ ang laman nito.

Napakamot sya ng ulo. "Asan ba kasi 'yang waiting area ng love?" tumitig sya sa akin. "Para makapaghintay na ako," saad nya.

"Hindi ka dapat umupo na lang at maghintay." hinawakan ko ang balikat nya. "Mag-effort ka din dapat." sabi ko saka suntok ng mahina sa dibdib nya. Potek! Ansakit! Parang bato 'yung dede nya.

"Anong effort ba ang gusto mo." tanong nya. Titig na titig sya sa'kin. Parang nanigas ang buong katawan ko dahil sa titig nya. Para akong isang batong hindi kayang gumalaw kahit na anong pilit. Bakit ganyan ka RJ? Bakit ganyan ang epekto mo sa akin.

Magsasalita pa sana ako kaso may biglang pumasok sa gate. Ano?! May pumasok?! Agad kong tiningnan kung sino 'yung pumasok. Oh shet! Si . . . Si Mama!

"Pam! Sino 'yang binatang 'yang?" pambungad nyang tanong.

"Si . . . Si . . . RJ! Si RJ po Ma." kabado kong sagot. Tae naman kasi e. Pahamak 'tong si RJ.

Tinitigan nya si RJ. "Anong ginagawa n'yan dito? Gabi na ah!" mausisa nyang pagtatanong.

Napakagat labi ako. "Hehe. May hinatid lang po." awkward kong sagot. Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Parang aatakihin yata ako sa puso nito ng wala sa oras.

May humawak sa balikat ko. "Nanliligaw po ako kay Pam." pag-entrada ni RJ. Putek talaga 'tong mokong na 'to. Pamahak e.

"Manliligaw? Ikaw? Nino? Ni Pam?" sunud-sunod na tanong ni Mudra kay RJ. Lentek kese e. Umamin pa kasi ang mokong.

Those Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon