Chapter 2
Pam's P O V.
Ang bagal ng paligid. Parang may isang taong ginawang slow motion ang lahat gamit ang kanyang magic remote control.
Nagsimula ang pagbagal ng lahat nang may tinawag si Ma'am Celine. "Next!" tinuro nya yung cute na guy sa likod ko.
Napanganga na lang ako nung tumayo sya. Matangos yung ilong nya. Maputi sya. Ang kinis ng mukha nya na bumagay sa mapupula nyang labi. Is he the one?
"What's your name Mister?" malanding tanong ni Ma'am Celine. Putek na yan! Ang panget na nga, malandi pa!
Tumingin sa klase si kuyang red lips. "I'm Raven Jake Espino but you can Call me RJ. I'm 17 years old. Nice to meet you guys." sabi nya habang nakangiti. Gooosh! Natutunaw ako.
Ngumiti si Ma'am Celine. "Where do you live? RJ?" bulgarang pagharot ni Ma'am Celine. Baka gusto nya sigurong puntahan yung bahay nito. Gosh! Anlande talaga putek!
Tumingin naman kay ma'am Celine si RJ saka tingin ulit sa klase. "I live in Ayala Alabang." sagot nya. Oh shet! RK si Rj!
Ngiting ngiti pa rin si Slendrinang malande. "You may sit down RJ." sabi nya sabay tapik sa bewang ni RJ. Kakakilabot putek!
SinunDAN ko ng tingin si RJ nang biglang magtama ang mga mata namin. Agad nyang inuga ang ulo nya at dumiretso sa upuan na sa bandang likod ko. Natulala lang ako sa nangyari.
* * *
Nagdaan na ang recess. So far, nakakabored pa rin yung mga teachers. Fav ko na sana si Ma'am Celine kaso ang landi nya e.
Pumunta akong canteen. 100 lang yung pinabaon sa'kin. Tinitipid na naman ako. Anyway, siksikan dito sa canteen ng school na nilipatan ko. Ang dami pang mga jejemon at tungkabebe. High school ba ito na exclusive for Rh4pH4gCxz? For sure hindi. Nakapasok ako dito e.
Tumunganga lang ako sa labas ng canteen. Ang hirap kasing bumili. Ang sikip. Kumukulo pa naman yung sikmura ko.
May kumalabit sa likod ko. "Patricia, right?" sabi ni RJ. Gosh! Si RJ!
Ngumiti ako. "Hehe. Pam na lang." awkward kong sagot. Enebe.
"Hirap bumili diba? Gusto mong ibili kita? Treat ko." pagyayaya nya sa akin.
Agad akong namula sa sinabi nya. Di pa kami gaanong magkakilala pero kinausap at niyaya nya na akong bumili. Libre nya pa. Ano kayang meaning nito? Debale na nga. For sure wala lang 'to. Wala pa namang nagmahal sa'kin e.
"Sure!" mabilis kong sagot. Ayaw ko namang tumanggi sa grasya.
Kumuha sya ng pera sa bulsa nya. "Saglit lang ah. Bibilisan ko lang bumili." ngumiti sya sabay pasok sa canteen.
Kahit ilang beses ko nang nakita yung pagkaganda-ganda nyang ngiti, hindi pa rin ako nagsasawa. Bakit kaya? Ewan ko.
Habang naghihintay kay RJ, may lumapit sa aking babae. Nakalipstick sya na super kapal. "GF ka ba ni RJ?" tanong nito sa akin habang nakamataray look na kala mo ikinaganda nya.
"Ah . . . Eh . . . Hindi. Bakit?" sagot ko sa kanya. Feeling close kase si ate. Kala mo naman famous. Pwe!
"Good! Wag mo syang landiin ah, dahil akin lang sya." confident na sagot ni ate. Nagbago na lang bigla yung hitsura nya from (-_-) to (0o0).
May humawak sa balikat ko. "Ano pong problema nyo kay Pam." boses ni RJ ang narinig ko. Kaya pala gulat na gulat si ate.
"Wala. Wala yun. May tinatanong lang. Hehe." sabi ni ate habang namumula. Kasing level na ng kapulahan ng mukha nyang chaka yung labi nya.
Nginitian sya ni RJ. "Okey. Alis na kami ah." sabi ni RJ saka akbay sa'kin.
Umalis na si ate at nagtitili sa kawalan. Naglakad na din kami ni RJ papuntang room. Inabot nya sa akin yung binili nyang babana Que saka banana ice cream float. Yung totoo? 'Di ba sya mahilig sa banana?
Kumain kami ng sabay sa loob ng room. Hinarap ko yung upuan ko sa upuan nya gaya ng sinabi nya. Picnic daw kasi kami.
Kinagat ko yung banana que. "Salamat nga pala sa libre ah." sabi ko habang ngumunguya.
"Wala yun." sabi nya sabay ngiti. "Don't talk when your mouth is full. Baka mabulunan ka." pag-aalala nya.
Lumunok ako. "Hindi pa naman full yung bibig ko e. May space pa naman." mema kong sagot. Nakakaawkward na syang kausap pero hindi ko alam kung bakit.
Pumasok si Venice na pinahiya kanina ni Ma'am Celine sa pintuan ng classroom namin. "Pabida na nga, malandi pa!" eksaherada nyang sabi sabay tingin sa akin.
Hindi ko na lang sya pinansin.
Kumain lang kami ng kumain ni RJ habang si Venice naman ay nasa tabi ko. Ang sama ng titig nya sa'kin. Inggit lang ba sya dito sa kinakain ko o insecure sya kase nilibre at kasabay ko pang kumain si Rj?
Di na ako nakatiis sa titig nya. "Yung mata mo ate. Antalim-talim! Baka masaksak ako." eksaherada kong sabi sa kanya.
Tumayo sya. "At kelan pa tumalim ang mata?" sabi nya saka hagalpak ng tawa.
"Utak?" sabi ko sabay tayo. "Wala ka nun diba?" tinitigan ko sya ng pinakamataray kong look. "Idiom po yung sinabi ko. Nag-aaral ka ba?" pagpapatuloy ko.
Nagwalk out si Venice na di alam ang idiom at pinahiya kanina ni Ma'am Celine, dahil sa inis. Pahiyang pahiya si ate. "Magtutuos tayo ulit!" sabi nya saka irap na kala mo ikinaganda nya. Aasa pa syang maganda sya e sa huli, sya rin naman ang masasaktan.
Kinalabit ako ni Rj. "Whoa! Angas! Ikaw pa lang ang kumalaban kay Venice at nagpahiya sa kanya." pagkabilib ni RJ. Akala ko mate-turn off na sya sa inasal ko kanina.
Turn off daw? Ano? Crush ka nya?
"Oh? Wala pang kumakalaban dun?" pagulat effect kong sagot.
"Wala pa bago mo sya kinalaban." ngumiti sya. "Basta wag mo akong tatarayan ah." sabi nya sa akin saka ngiti na kita yung complete set of white teeth nya.
"Oo naman. Ikaw pa ba?" sabi ko sabay tawa with matching pabebe effect. "Wala nang manlilibre sa'kin kapag ginawa ko yun." pagpapatuloy ko.
Tinitigan nya ako habang nakangiti. "Ang ganda mo pala." sabi nya.
"Ako? Hindi ah." natataranta kong sagot.
Nakatitig pa din sya sa'kin. "May itatanong ako sayo. Seryoso ah." sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?" nagtataka kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Those Rainy Days
HumorNakalimutan kong magdala ng payong. Book Cover Credits to: Rirumi