Chapter 6

82 10 2
                                    

Those Rainy Days

Written by tintin


Pam's P.O.V.

May mga makakasalamuha kang mga tao sa mundong ito. Yung iba sa kanila ay totoo at yung iba naman ay parang ahas na nagtatago sa damuhan at naghihintay ng tamang panahon para saktan ka.

Sa bawat galaw mo ay may mga matang nakasunod. Hihintayin ka nilang tumalikod saka ka nila sasaksakin. Nagtiwala ka sa kanila, pero ano? Sinaktan ka lang. Iniwan ka lang nilang luhaan. Mag-isa. Walang kakampi. Walang kasama.

Naalala ko noong bata pa ako. Naglalaro kami nun ng tumbang preso. Buhay pa si Robin ng mga panahon na 'yon. Habang si Roseta ang taya, hinagis ko yung tsinelas ko papunta dun sa lata kaso hindi tumama. Akala ko tutulungan ako ni Linda na makuha ang tsinelas ko pero . . . pero pinatid nya ako. Ansakit! Taya na nga ako tapos may galos pa ang tuhod at siko ko.

Umiyak ako nun. Hindi ko sinubukang tumayo dahil sa kahihiyang idinulot ng kawalang hiyaan ni Linda.

Pero may isang batang lumapit sa'kin. Tinulungan nya akong tumayo. Hindi ko sya kilala. Parang bagong lipat lang ang pamilya nya dito.

Inilahad nya ang kamay nya sa'kin. "Tumayo ka dyan. Marumi yang lupa." sabi nya sa'kin.

Iyon ang pinakaunang pangyayari sa buhay ko na hinding hindi ko malakalimutan. Naaalala ko ang pangyayaring iyon dahil kay Venice. Kahawig nya kasi si Linda. Parehas silang pango at malaki ang mata.

Anyways, katabi ko ngayon si Venice. Ansama ng titig nya sa'kin na parang ginigilitan nya ako ng leeg sa isip nya. Hindi nga ako nagkakamali. May lahing kulto itong si Venice the explorer. IneExplore nya ang pempem nya gamit ang apat nyang daliri.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nagkasya yung apat nyang daliri sa kemper nya. Weird pero astig! Try nya kayang mag-apply sa perya. Tatawagin sya bilang si Venice: the elastic CHORVA. Bongga yun. Extra income. Bwahahaha.

Tiningnan ko sya. "Gandang ganda ka na naman?" buong loob kong tanong sa kanya.

"Asa." mataray nyang sagot sabay irap na akala mo ikinaganda nya. Dukutin ko 'yang mata nya e, tingnan ko lang kung makairap pa sya.

Habang tumatakbo ang oras ng klase, hindi ako mapalagay. Marahil puno na siguro ang napkin ko kaya ganito ang feeling. Ang lagkit na.

"Sir! May I go to C.R. ?" agad-agad kong sabi dahil tatagusan na ata ako.

Lumingon sya sa akin. "What are you going to do in the C.R., Ms. Manalang?" sabi nya saka naghagikhikan ang mga tikal kong classmates.

"Do I have to mention it, Sir?" naiilang kong tanong sa kanya

"Of course, Ms. Manalang." tumingin sya kay Venice." Ayaw ko namang maulit ang nangyari kahapon. Am I right? Ms. Archangel?" sabi nya kaya nagsitawanan ang mga classmates kong feeling belong sa usapan.

"I won't do that Sir." sabi ko. "My parents raised me to be a decent person. A person who's not like her." nagtangis ang bagang ni Venice. Sapul na sapul siguro sya sa mga words of wisdom ko para sa kanya. "Jicelle? Pwede mo ba akong samahan sa CR? Nagfoflow na kasi e." pagpapatuloy ko.

Umalis na kami agad ni Jicelle sa Classroom without having Sir's permission. Emergency na e. Umaapaw na talaga.

"Do you have an extra?" tanong ko kay Jicelle.

Naningkit ang mga mata nya. "Bakit ka nag-eenglish?" tanong nya sa'kin.

"Sorna. Nadala lang." saad ko. " May napkin ka pa dyan? Naiwan ko kasi yung napkin ko, hehe" awkward kong sabi.

Those Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon