Those Rainy DaysChapter 12
Lumalalim na ang gabi. Hindi pa din ako makatulog kahit na katabi ko si RJ. Siguro nangangamba pa rin ako sa haka-haka ko na may Aswang nga rito sa lugar nila Jess or Aswang nga talaga si Jess. Baka magulat na lang ako, inaalmusal na namin si Sunog.
Ano kayang lasa ni Sunog kapag ginawang tapa? Lasang libag kaya?
Mas dumikit ako kay RJ dahil sa narinig kong kaluskos sa labas. Nasa first floor kami ng bahay ni Jess. May bintana sa bandang uluhan ng kama. Si Sunog naman nakahiga doon sa sofa na malapit dito sa hinihigaan namin ni RJ.
Nilakasan ko ang loob ko at sumilip sa labas. Nakita ko 'yung magandang garden nila Jess. Manghang-mangha ako sa pagka-byotepol ng garden nila. May iba't ibang kulay ng bulaklak na nakikita kahit gabi dahil sa mga Christmas lights.
Bakit kaya may Christmas lights sila ngayon? Hindi naman pasko? Ano? Excited lang?
Bumalik ako sa pagkakahiga. Wala palang threat. Masyado lang akong paranoid. Matutulog na sana ako nang may nakita akong lumulutang na damit.
"Waaaaaaaaaah!" sigaw ko. "Putek ka Sunog! Bakit ka nanananakot!?"
Agad naman iniluwa ng pintuan si Jess. Nakakasuka daw kasi s'ya. "Anong nangyayari?" at may hawak pa talagang tinidor si Aswang.
"Akala ko multo kasi may lumulutang na damit. Si Razeqi lang pala." pagpapaliwanag ko sa kanila. Pero hindi pa rin sila makamove on.
Lumipas na ang isang mahabang gabi at umaga na. Nakaupo kami ngayon sa lamesa nila Aswang at nag-aalmusal. Tinusok ko ng tinidor 'yung hotdog. "Baka naman gawing mong hotdog 'yung 'ano' ni Razeqi ah. Hindi 'yun masarap." pang-uurat ko kay Sunog.
"Oo alam ko." sagot ni Jess saka tumawa. Lumabas tuloy 'yung dimples n'ya. Edi s'ya na may dimple. Saksakin ko ng tinidor 'yang leeg n'ya para matauhan s'ya kahit papaano. "Kukuha lang ako ng Graham cake. Babalik din ako."
"Kahit hindi ka na bumalik e."
"Ano po, Ate Pam?"
"Ay wala ang ganda mo kako." pagsisinungaling ko. Umasa naman nang wagas si Aswang.
Tiningnan ko si Sunog. "Hoy!" pagtawag ko kay taong uling. "Paano kung gawin n'ya ngang hotdog yang ano mo?" ngumuso pa ako dun sa ano nya. "Papayag ka?"
"Malamang hindi ako papayag." napangisi s'ya. " Pero kung gusto nyang gawing lollipop, why not. Diba?"
"What the fu. . ." bakas sa mukha ko ang pandidiri. "RJ? Bakit ang manyak ng kapatid mo?"
"Ewan ko dyan. Nababarkada siguro." sagot nya saka balik sa pagkain.
"Wow? Parang ikaw hindi." pang-aasar ni Sunog sa kapatid nya saka tawa ng wagas. Nakatikim tuloy s'ya ng kutos sa Bebe ko.
"Manahimik ka nga, Taong Uling! Gawin kitang abo d'yan para pumuti ka, e." pagbabanta ko sa kan'ya saka walkout.
Hinawakan ni RJ 'yung kamay ko. "Sorry sa ugali ng kapatid ko, ha." pagpapaliwanag nya.
"Bitiwan mo 'ko," tugon ko.
Hindi nya pa din ako binitawan. Tikal putek.
"Bitaw nga sabi e!" sigaw ko na rinig na halos ng mga kapitbahay.
Mas hinigpitan pa ni RJ ang pagkakakapit n'ya. "Ano bang problema mo?" tanong n'ya sa'kin.
Tinitigan ko s'ya sa mata. Fierce ako mga Beh. "Ako dapat ang magtanong n'yan. Ano bang problema mo?" sabi ko saka hatak ng aking magandang kamay mula sa kamay nya.
"Ako pa ang may problema ha?" namumula na sya sa inis.
"Malamang!" sigaw ko sa kanya.
"Ayaw na ituuu," sulsol ni Sunog. Putek. Nangengealam.
Tiningnan ko sya ng masama. "Pakyu ka hanggang next week," binalik ko ang tingin ko kay RJ. "Syempre ikaw ang may problema dito. Natatae na ako tapos pipigilan mo pa 'ko?" dumiretso ako agad sa CR pagkasabi ko nun. Iniwan ko sila ni Sunog na nakatunganga sa dining area.
Nakakainis. Pati ba naman pagtae ko. Pumunta lang kami dito sa bahay ni Aswang naging moody na ya. Ano kayang sumpa ang nakapalibot dito sa bahay ni Aswang?
Naghugas na ako ng p'wet pagkatapos ko maglabas ng sama ng loob. Muntik na akong abutan at matae sa panty nung pinigilan ako ni RJ. Nagsabon ako ng kamay at nagpatuyo. Ang power ng CR nila aswang. Ang bango ng tissue at scented ang inidoro. Naenjoy ko tuloy ang pagtae ko.
-
Nagbus na kami pauwing bahay. Snob pa din s'ya sa'kin hanggang ngayon. Edi snob din ako sa kan'ya. Anong akala n'ya? S'ya lang famous dito?
Kinalabit ko si sunog. "Pahingi ngang mani!" utos ko.
"Wala akong mani! Pugo lang. Dalawa 'to. Ilan gusto mo?" mahalay n'yang sambit.
Binato ko s'ya ng bottled water. "Pakyu ka hanggang next week." saad ko saka bato muli ng bote. Sana nga may bote din ako ng empi long neck o bote ng red horse. Ang baboy kasi ng bunganga. Kulang yata sa disiplina.
Muling nangibabaw ang katahimikan sa aming tatlo. Actually, hindi naman ganoon katahimik kasi maingay ang trapiko sa labas.
Sa sobrang inip ay naisipan ko nang ipikit ang aking mga mata't nagsimula nang matulog.
Nakahiga ako ngayon sa isang kama. May hose na nakakabit sa aking kamay at naka-konekta sa isang plastik na may lamang tubig.
Lumingon-lingon ako sa paligid. "Nasaan ako?" tanong ko sa wala.
Maya-maya pa't may nagsalita. "Sa wakas nagising ka na." magiliw n'yang sambit.
"Sino ka? Nasa'n ako?" tanong ko.
Umupo s'ya sa upuang nasa gilid ng kamang hinihigaan ko. "Bakit ka kasi tumalon doon sa tulay?" tanong n'ya.
"Ako? Tumalon? Sa tulay?" gulong gulo na ang utak ko kaiisip. Paanong tatalon ako sa tulay?
"Buti na lang nahabol pa kita. Kung hindi patay ka na ngayon." pagpapaliwanag n'ya.
"Hindi ko maintindihan. Bakit ako tatalon sa tulay?" taranta kong tanong.
Tumayo s'ya. "D'yan ka lang. Sasabihin ko lang sa Doktor na gising ka na. 'Wag kang tatalon ulit, ah?" 'yun lang at umalis na s'ya.
Iniwan n'ya ako sa kwarto habang gulong-gulo ang isip. Ako? Magpapakamatay? Tatalon sa tulay? Imposible.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang doktor. Binukas ng Doktong ang kan'yang bibig. "Ate Pam, bababa na tayo." sabi nito gamit ang boses ni sunog.
Naramdaman kong may umuuga sa'kin. "Ate Pam! Hoy! Gising! Iiwan ka namin ni kuya dito." pang-bubulyaw sa'kin ni Razeqi.
Pinunasan ko ang laway ko sa pisngi at bumaba na ng bus. Isa na namang kakaibang panaginip. Ako? Magpapakamatay? Utut! Don't me.
BINABASA MO ANG
Those Rainy Days
HumorNakalimutan kong magdala ng payong. Book Cover Credits to: Rirumi