Chapter 7

44 7 0
                                    

Pam's P.O.V.

Sa mga kwento, hindi mawawalan ng kontrabida. Hindi buo ang isang istorya kung walang sagabal na hahadlang sa masayang katapusan ng isang kwento.

Nilikha sila ng may akda upang inyong kainisa, Kabwisitan o 'di kaya'y kaawaan.

May dalawang uri ng kontrabida:

'Yung una ay 'yung bulgarang nananakit sa bida. Sila 'yung tipo ng taong kakakilala mo pa lang, masama na agad ang turing sayo. 'Yung parang pagkakita pa lang sa'yo beastmode agad. Parang tinadhana silang saktan ka at hadlangan ang happily ever after mo.

Ang ikalawa ay 'yung tipong hindi pahalata. Nagpapanggap na mabait pero hindi pala. Ang ganda ng trato nya sa'yo kapag nakaharap ka pero kapag nakatalikod ka na, halos mapatay ka na nya sa mga salitang binibitawan nya sa'yo. Parang walang katapusan ang mga paninirang ikinakalat nya para lang masira ang imahe mo sa ibang tao.

Gayun pa man. Dapat nating mahalin ang kapwa natin gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili, alinsunod sa Bibliya.

Make your friends close and your enemies CLOSER.

Kahit na masasama ang ginawa nila sa atin, dapat lang tayong magpatawad. Tanggapin na hindi na mababago ang nakaraan at kalimutan ang sakit na idinulot nito sa kasalukuyan.

Ika-pitong araw na ngayon ng Disyembre. Halos ilang Buwan na rin ang lumipas nang tumungtong ako sa ika-sampung baitang ng aking pag-aaral.

Anlamig na ng simoy ng hangin ngayon. Kasing lamig ng pakikitungo sa'yo ng syota mo kasi nga may iba na sya. Sabi ko na kase e. Walang forever. Dapat kasi hindi na kayo umasang magtatagal kayo. Lalo lang kayong masasaktan.

Andito ako ngayon sa Laguna with my group mates para sa group project namin sa Science. Kailangan naming mag-interview ng mga tao kung sino sa tingin nila ang nakatuklas ng tunay na hugis ng ating mundo. Ako ang naka-assign para mag-interview. Epal kasi 'tong leader namin e. Feeling close sa'kin. Pasalamat na lang sya at mabait ako kundi . . .

Nilapitan ko ang isang manong na nagtitinda ng balot. "Manong, interview lang po. Sa tingin nyo po. Sino ang nakadiskubre na bilog ang mundo?" tanong ko sa kaya.

"Tanga ka ba ineng? Sa tingin mo, iskweyr ba ang mundo?" napangisi sya. "Kung pag-aaral 'yang inaatupag nyo at hindi paggagala, edi sana natuto kayo"

Tumaas bigla ang kilay ko. "FYI, manong. We're here to do our science project. Mawalang galang na po pero kung makapanghusga po kayong bulakbol kami, e parang katulad kami ng anak nyo." napataas ang boses ko. "Wala pa po kasing kagamitan noong panahon ni Ferdinand Magellan kaya hindi pa po nila alam ang tunay na shape ng mundo." ngumisi ako. "Sino po ang tanga ngayon?" sabi ko saka walk-out. Sumunod na lang sa akin 'yung mga classmates ko. No choice sila e. Beastmode ako.

Hindi na ako nagpabebe pa at malapit na ang deadline nitong project, kaya kailangang matapos na'to ngayong araw. Lumapit ako sa batang kumakain  ng lollipop. Colorful 'yung lollipop n'ya na malapad at parang pamaypay.

Umupo ako sa tabi nya. "Hi. Beh, pwede ka bang mainterview?" tanong ko rito.

Tumingin s'ya sa'kin saka ngumiti. "Opo. Tungkol saan po ba?" balik nitong tanong. Napansin kong kulang sya sa pag-iisip este sa ngipin. #LollipopPaMore.

"Ah, sige." itinapat ko ang recorder sa kanya. " Sa tingin mo, sino ang nakadiskubre na bilog ang mundo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po ba nila alam noon na bilog ang mundo?" tanong nya sa'kin. Feeling ko, lalaking matalino 'tong batang 'to.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo." napahagikhik ako. "Wala pa kasing kagamitan noon. Hindi pa rin nila nalilibot ang buong mundo. Akala nila na may hangganan ang mundo, kasi may hati ka na makikita sa dagat." pagpapaliwanag ko.

Those Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon