Pag gising ko, wala na si josh sa kwarto
"josh?"
Sumiliip ako bintana at nakitang nakikipaglaro sya sa mga bata sa may baybayin ng dagat. Bumubuo sila ng sand castle
Nakita nilang nakatingin ako sa kanila kaya kumaway sila sa akin kaya kinawayan ko rin sila
\(^_____^)/
Ang cute lang tignan ni josh. Para syang tatay na nakikipaglaro sa mga anak nya.. :") Tatay factor lang. Ahihi. Eh nako. Kinakausap ko nanaman tong sarili ko. Maliligo na nga lang ako..
Habang pinapatuyo ko ang buhok ko matapos kong maligo, nilapitan ko yung gitara ni josh at hinimas
"Naalala ko pa yung kanta na ginawa mo para sa akin.. :"">"
Napapakanta tuloy ako. Medyo sa ulo ko pa kasi yung ibang linya dun eh haha
Pagkatapos ko mag ayos, lumabas na ako ng kwarto. Nakita kong nakatayo sa may pintuan si sister Karla
"And eveytime that you're beside meee~ Lalala"
"Mukang maganda ang gising mo hija ha?"
"Ay Good morining po sister! haha medyo po"
"Good Morning din :) Kumain ka na. Naghanda si kuya Norman ng pagkain dyan" kasamahan nila si kuya norman dito sa orphanage
"Mamaya na lang po ng konti. Di pa naman po ako gutom. Kumain na po ba sila?" patungkol ko sa mga bata
"Oo. Nagmamadali nga eh. Pano, pinangakuan ni josh na maglalaro sila haha"
"Ah ganun po pala :)"
Bumaling uli sya sa tinitignan nya kanina "masayang masaya ang mga bata sa pakikipaglaro dyan kay Josh"
"Mahilig po kasi yang si josh sa mga bata kaya agad silang nagkakasundo"
"May kapatid din ba syang bata?"
"Hindi na po bata yun haha college na po. Pero mas bata sa kanya"
"Ahh siguro mabait syang kuya" tumango ako "Salamat sa pagdadala mo sa kanya dito ha?"
"Ah wala po yun sister :)"
"Sigurado ako magiging isa rin syang mabuting ama"
"Panigurado po yan :)"
"Matagal na ba kayong magkakilala?"
"Opo.."
"Kaibigan mo ba sya?"
"Uhh opo"
"Pero bodyguard mo sya ngayon diba? Tapos parang nag iiwasan kayo? Bakit?"
"...."
"Ahh nako pasensya na. Di dapat ako nanghihimasok sa buhay nyo"
"Ayos lang po sister. Pasensya na rin po"
"Wala yun. Sige na hija, samahan mo na lang sila dun maglaro :D"
Bago ako lumabas at sumali sa kanila ay may kinuha ako sa bag ko sa may kwarto
"Who wants to play Volleyball??"
"AKO!!" lumapit sila sa akin. Dati ko na silang tinuruan maglaro nito kaya marunong na talaga sila
"Boys vs Girls!!"
"Oo nga para challenging!!"
"Sige! Sa amin si ate Danica!!"
"Amin naman si kuya Josh!!"
"Ang matalo may parusa!!"
"Tara gameee!!"
Nagsimula na ang laban. Lamang ang team naming girls. Pero syempre, di naman nagpahuli ang team ng boys. Sa dulo, nanaig ang girl power at kami ang nagwagi! Kaya dahil dun, may parusa silaaaa! HAHAHA!!
"Haha Loser!"
"Pinagbigyan lang namin kayo eh"
"Hinde! Magaling talaga kami!"
"Mabait lang kami kaya kayo nakakascore!"
"Oh tama na yan, baka magkaaway away pa kayo. We all did our best. Ganyan talaga sa game, may natatalo, may nananalo. Pero di naman ibig sabihin nun di kayo magaling :)" sabi ni josh
"Oh ano nang parusa ang ibibigay natin sa kanila, girls?" tanong ko naman
Nagdesisyon ang mga girl teammates ko na lagyan sila ng make up sa muka at pagsalitain na parang beki. Game na game naman silang pumayag sa gusto namin. Ako ang nagmake up kay josh at ang team ko naman ang naglagay sa mga kateam ni josh
"Ermerged lagpas na ang lipstick ko tehh!! Ikaw talaga! Sinisira mo ang aking maladyosang beutyness! Ayusin mo nemen! Sabunutan kita eh! Bruhang to! Mas magaling pa ako sa iyo eh!!" sabi ni josh kaya napatawa kaming lahat kasama na ang mga batang hindi nakasama sa laro. Pati na rin sila sister natawa sa kanya
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA =)))))))))))))))))"
"Bagay sayo maging bakla!" pang aasar ko
"Sinong bakla?!" matikas at barako nyang tanong sa mga kateammates nya
"WALA!" -boys
"Mga tunay kaming lalaki kaya pumayag kami sa gusto nyo. Kami'y matitipuno at makikisig na kalalakihan!!" sigaw ni josh
"TAMAAA!" -boys
Pinokpok nya ang dibdib nya na animo'y tambol at ginaya si tarzan
"AhhhAHHHHahhhhAHHHahhhhAHHHHHahhhhh!!!" -josh
Ginaya naman sya ng mga bata "AhhhAHHHHahhhhAHHHahhhhAHHHHHahhhhh!!!"
Pagkatapos ng tawanan ay tinawag na kami ng mga madre para kumain ng tanghalian. Nag linis na sila ng muka at umupo na kami sa hapag kainan. Nagdasal kami bago kumain. Marami ang nakahain ngayon dahil sa mga dinala kong supply para sa kanila. Natuwa akong makita na magana silang lahat sa pagkain
Pagsapit ng gabi, maagang pinatulog ang mga bata. Pumasok na din kami ni josh sa kwarto. This time, hiniram nya na ang banig para sa lapag na uli sya matulog at para makatulog na rin daw ako ng maayos
"Kelan ka pa nagsimulang pumunta sa orphanage na to?" tanong nya
"Matagal na. Pagbalik ko kasi noon galing Dubai, nagsimba ako. Dun ko nakilala si sister Karla. Sinama nya ako sa isang orphanage na pinaglilingkuran nya sa Maynila at nabanggit nyang may ilan pang bata na nasa Cebu. Sumama ako sa pagpunta nya dito. Nakita ko ang kalagayan ng mga bata. Masisiskip ang mga kwarto nila. Kulang sa bitamina at pagkain. Naawa ako kaya naisip ko na tulungan sila. Tsaka pasasalamat ko na din ito kay God dahil gumanda ang buhay namin.."
"Kaya pala mahal na mahal ka ng mga bata dito.."
Pagkatapos nun ay natulog na kami. Bukas na kasi kami aalis pabalik ng Manila
--
Josh's POV
Nandito na ako ngayon sa bahay namin. Kanina lang kami nakauwi ni danica dito sa Manila. Hinatid ko sya sa kanila at sinabi nyang day off ko raw muna ngayon. Baka raw kasi napagod ako sa byahe namin
Habang natutulog ako, may kumatok sa pinto. Psh. Naiwahn nanaman siguro ni Shaine yung susi nya. Kahit kelan talaga ulyanin yun =____=
*tok tok tok tok*
Nagtakip ako ng unan at sumigaw
"MAMAYA KA NA BUMALIK SHAINE! GUMALA KA NA MUNA!!"
*tok tok tok tok*
Aish. Di nya yata ako narinigh "Sandali!"
Lumakad ako papunta sa pinto "Naiwan mo nanaman ba---"
reaksyon ko > O__O
S-sya ba talaga yan? Tama bang nakikita ko??
"Hi... hi josh... :)"
Kinusot ko ang mata ko. Sya nga!! Di ako nakaimik
Ngumiti sya
"R-rr-rose??!"
BINABASA MO ANG
After All
Teen FictionHe loves her. She loves him. Lie torn them apart. But fate brought them back together. Will they give their romance a second chance or just let each other go?