Si Danica Navarro ------------------------------------------------------------------------------->
Kinabukasan, maagang dumating sila Ry at Josh. Maaga kasi pasok ngayon ni kuya. Sabay na daw sila habang di pa gaanong traffic. Umuulan ulan kasi eh. Sabay nalang din ako. Sana share kami ng payong ni Ry, haha
"tara na pre, baka lumakas pa yung ulan"-Josh
"tara tara. mahirap pa naman makahanap ng sasakyan ngayon"- kuya mike
"oo nga tara na. Share share na tayong tatlo dito sa payong" -ry
"KUYA WAIT! sabay na din po ako!"
"ha? mamaya pa pasok mo diba?"
"E magkikita kita po kasi kami ng mga kaibigan ko. May pag uusapan lang tungkol sa... sa... sa group proj namin!"
"Group Project? Totoo ba yan?"
"Opo kuya! Sige na isabay niyo na po ako. Ayokong mabasa sa malakas na ulan mamaya e. Please?"
"Baka kung saan saan ka nanaman pumunta eh"
"Sasabay nga po ako sa inyo pumasok eh. Diretso school po ako. ^^"
"Tsk. Mamaya ka na umalis pag di na masyadong umuulan. Nawala mo pa naman yung payong mo. Kung san san mo kasi pinapatong eh"
"hindi ah. Naiwan ko po ata yun sa jeep kahapon. Di kasi magkasya sa bag ko e kaya hinawakan ko na lang nun"
"May payong pa ko dito pre. Share na lang kami" alok ni Josh
"Ah eh, baka gawin nanaman tong issue ni Rose eh. Kay Ry nalang ako sasabay kung pwede?"
"Sige. Pahiram muna kami ng payong mo pre ha" -ry
"sige sige, eto oh."
Sumakay na kaming apat ng jeep. Buti di pa ganun kalakas yung ulan kundi basang sisiw ang peg namin pagpasok ng school.
"oi Danica, diretso uwi ka mamaya ha!"-kuya mike
"OPO. Ikaw din kuya ha! Diretso uwi! Wag ng pumunta kila rox!"
"Rox? Diba kila Bianca ang punta mo mamaya?" -Ry
"oh? Kala ko nga kay Daphne eh hahaha" -Josh
"hahaha wala kong pupuntahan mamaya. Kakatamad gumala ngayon eh."
"Eh bukas? Nagtext sakin si Maxie eh. Iremind daw kita na kakain daw kayo bukas sa labas" -Josh
"Oo nga noh? buti pinaalala mo. Limot ko na eh. hahaha"
"Nagtext daw siya sayo kagabi ah?" -Josh
"Eh ang daming text. 72 unread pa nga ako hanggang ngyon eh. Di ko na binabasa. Dinedelete ko pag di naman importante. Puro hi at hello lang naman kasi e! haha"
"hahaha adik. Basta pag kila Julie ah? Alam na. Sama ko!" -Ry
"Julie? Sino yun Ry?" :\
"ah kaibigan nung chix ng kuya mo. haha pero elementary friend ko din sya. Ang ganda na niya na talaga ngayon e. Laki ng pinagbago since last ko siyang nakita."
"ahhh type mo?" tanong ko. Sana hindi.
"medyo. Dati ko ding crush yun eh :')"
Ouch. Saksak puso, tulo ang dugo.
Pagdating namin sa school, dumiretso na si kuya sa room niya.
"ui Danica, asan na yung mga kaibigan mo?" -Josh
Nasa isip ko pa rin yung Julie na un. Kung sino siya, anong itsura niya, mabait ba, matalino.. Kaya di ko namalayan na kinakausap ako ni Josh at umalis si Ry.
"ha? Sorry. Anu ngang sinasabi mo?"
"Sabi ko bat ka tulala?"
"Ah wala, may naisip lang"
"ahh asan na yung mga kaibigan mo?"
"Di ko nga rin alam eh."
"gusto mo samahan muna kita dito?"
"ahh wag na. ayos lang ako. uhm asan na si Ry?"
"Sinundo niya si Jazz sa parking lot. Wala daw kasing payong e."
"sinundo niya? Anu ung Jazz na yun, Prinsesa? Kapal niya ha!"
"Teka, bakit galit na galit ka? Nagseselos ka no!"
"A--ako? Hindi no! Bat naman ako magseselos? Nakakainis lang talaga yung babaeng yun. Ang landi! Feelingerang palaka!"
"ahhh nagagalit ka kasi nilalandi ni Jazz si Ry. Gusto mo nga kasi si Ry!"
"OO! ay wait, anong nasabi ko? Faq. I mean, oo, nkakagalit kasi nilalandi niya si Ry! Pero hindi ko gusto yun noh!"
"Sus palusot ka pa eh. Halata ka kaya! hahaha Yieeee"
Halata? Bakit parang hindi naman alam ni Ry? :( Buti pa siya nahahalata niya :( Pero sh*t. dapat walang maka-alam nito eh. Ayoko nga ng inaasar ako!
"wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kanya at wala ring ibang makaka-alam. Yieee Ryan!"
hala? pano niya nabasa yung nasa utak ko? Mind Reader! O__O
"feeling mo nababasa ko yung nasa utak mo no? hahaha hindi. Nasesense ko lang :))) Yiee gusto niya si Ry hahaha"
"Hindi nga! Gumagawa ng storya to!"
"Talaga? gusto mo lang talaga siya eh haha"
"OO! sige nga! Pano mo nasabing gusto ko yun?"
"Hmmm, matagal ko ng pansin yun e. Gusto mo kasama si Ry, hinahanap mo siya pag pupunta kami sa inyo, iba kaya ngiti mo pag kausap ka niya. Nagbablush ka! hahaha"
Seriously? O__O
"oo kaya! hahaha >:)))"
hala? he's getting creepy na. Bakit para talagang nababasa niya yung mga iniisip ko? :S
"ewan ko sayo! Bahala ka! Wag mo na kong kakausapin EVER!"
"hoy! san ka pupunta? hahaha!"
"sa lugar kung saan walang katulad mo!!" nag walk out nako.
Hayy! Nakakainis. Sa lahat naman ng makaka-alam ng sikreto ko kaibigan pa niya. Mag gagalit galitan na nga lang ako sa kanya para tigilan niya na ko tska para wag na kong gambalain ng masasamang titig nila Rose at Emily.
May meeting pala ang mga club mamaya. Saan kaya ko sasali?
BINABASA MO ANG
After All
Teen FictionHe loves her. She loves him. Lie torn them apart. But fate brought them back together. Will they give their romance a second chance or just let each other go?