Chapter {27}

19 0 0
                                    

Nakakalungkot naman. Walang nagcomment sa previous chappie ko :( Buti na lang, kahit papaano nadagdagan ung reads ko. Salamat silent readers :* Comment comment din pag may time ha? Hahaha

Oh, another chappie bago magpasukan nanaman :)

----- 

“WHAT?! HOW COULD YOU DO THIS DAD?!” sigaw ko kay dad nang ipatawag nya ako sa hotel kung saan sya nananatili ngayon. Nandito rin pala sya sa Europe for a business conference

“Calm down yel. Wala naming masamang nangyari kay danica eh. I just did that to warn her father”

“Huh? What are you talking about?”

“Remember the time na may nagtangkang pumatay sayo nung nasa Pilipinas ka dahil sa isang papeles? Tauhan yun ni ric”

“Si.. si tito ric??”

“Yes. Danica’s father” tumingin sa akin si dad “Ang mga papeles na hinahanap nya sayo ay ang contrata tungkol sa stocks ng kumpanya. He knows na sayo ko yun ipinatago kaya nya hinahanap sayo”

“Ano naming kailangan nya sa kontratang yun?”

“Well, hindi nya matanggap na ako na ang bagong major stock holder ng kumpanya which means, I own it now”

 "But dad. Hindi yun ang sinabi mong dahilan noon. Akala ko ba may kalaban ang kumpanya na may gustong kumuha ng kontratang yun?"

"Oo nga. Kalaban na si ric ngayon ng kumpanya"

"But you both own that company!"

"Noon. Pero ngayon, it's mine and kaya ko tinago sayo dahil pinagbigyan ko sya sa pabor na hiniling nya sa akin. Mabait pa nga ako para pagbigyan sya eh"

"And what is his favor?"

"Bigyan ko raw sya ng ilan pang linggong palugit para bayaran ang mga utang nya sa kumpanya. Pero son, hindi nya nagawang magbayad sa itinakda kong oras kaya napunta na lang sa akin ang pangangalaga ng kumpanya na itinatag naming pareho. Dahil sa mga utang nya, ako ang naiwang may pinakamalaking stock at pinagbotohan pa to ng board at ako ang naitalagang bagong may-ari ng kumpanya"

"Okay okay. I understand na may nangyayaring gulo sa pagitan nyo ni tito ric. Pero bakit kailangan pang madamay dito si danica?! What if she got hurt??"

"Don't act like you love her"

"I do love her dad!!"

"That's why you're cheating on her? O c'me on! I don't think that's love son! Hahaha"

"What.. what are you talking about?"

"I know what happened to you and that woman you saw at the bar" di ako nakaimik "How? Sabihin na lang natin na mabilis kumalat ang balita..."

"It was a mistake. Dad please don't tell danica"

"I won't. Don't worry son haha kaya wag ka na rin mag alala sa babaeng yun ha? Meron naman syang military bodyguard eh kaya for sure, di yun masasaktan. And, I don't have any intentions of killing her. It's just a warning to ric"

"Ano ba kasing ginawa ni tito ric para balaan mo sya ng ganito?"

"That scumbag gave me a threat. Babalik daw sya at aagawin ang kumpanya sa akin. Ipinakita ko lang na mas makapangyarihan ako sa kanya at kayang kaya kong gumawa ng masama sa pinakamamahal nyang pamilya kahit kelan ko gusto"

Lumabas ako ng hotel at naglakad lakad. Hindi ko akalaing hahantong sila dad at tito ric sa ganito. Nang bago pa lang noon si tito ric sa Dubai ay nakilala nya si dad. Tinulungan sya ni dad para makapagpatayo ng kumpanya at kinalauna'y pinaghatian na nila ito kaya silang dalawa ang naging may-ari. They were very good friends until money torn them apart

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon