"Kamusta ang tulog mo hija? Halika't nagluto na ako ng umagahan natin" anyaya sa akin ni tita
Pangalawang araw ko nang natutulog dito kila josh pagkatapos ng tatlong araw kong pananatili sa ospital. Sa guest room ako natutulog sa tabi ng kwarto nya..
Umupo na ako sa hapag kainan. Bumaba na din si shaine at maya maya ay tumabi na si josh sa kapatid nya at kumain na kami. Pagkatapos nun ay umalis na ang magkapatid
"hija, kailangan ko din kasing pumasok eh. Ayos ka lang ba mag isa dito?"
"Opo tita :)"
"Manuod ka na lang sa t.v dyan. Ipainit mo na lang yung ulam sa ref pagdating ng tanghali. Ay teka" may kinuha sya sa bag nya "eto, bumili ka na lang ng pagkain kung ayaw mo yung nasa ref--"
"Wag na po!" hindi ko tinanggap ang perang alok nya "Hindi naman po ako lalabas tita. Ok na po sa akin yung nandyan na pagkain"
"Sigurado ka ba? Kunin mo na lang kaya? Baka kailanganin mo"
"Ok na po talaga tita. Sige na po, baka malate pa po kayo"
"Osya sige, mauna na ako. Pasensya ka na pala at kinuha ni josh ang telepono mo. Baka raw kasi bumalik ka sa bf mo o kaya i contact ka nya at saktan ka uli nya" nginitian ko sya "sige na. Pumasok ka na sa loob. Isara mo yung mga pinto"
"Opo. Bye, ingat po :)"
Pagpasok ko ay hinugasan ko ang pinagkainan namin kanina. Mamaya pa raw kasi huhugasan ni shaine yun pagdating nya. Wala naman akong ginagawa kaya ako na lang :)
Pagkatapos sa plato ay binuksan ko muna ang t.v at nanuod sandali. Nang wala nang magandang mapanuod ay pinatay ko na ito at nagdesisyon na lang akong maglinis. Wala naman akong papakialaman o gagalawin sa mga gamit nila. Magpupunas punas at magwawalis walis lang ako :)
Kay josh na lang ang kwarto na hindi ko pa nawawalisan. Papasok kaya ako? Baka sinarado nya yung pinto para di ako makapasok? Tignan ko nga.. pag ikot ko ng doorknob.. bumukas... kaya pumasok na ako
Manly ang itura ng kwarto nya. Blue, black, white ang parang theme ng kwarto nya
Nagwalis ako sa kwarto nya at inayos pa ng bahagya ang kama nya. Biglang napukaw ng closet sa harap ng kama nya ang atensyon ko. Parang may nagtutulak sa akin na lapitan ito at buksan...
Hala sabi ko di ako mangingialam eh! Kaso kasi... ugh. Sisilip lang naman ako eh hihi ^___^ sandali lang :P
Maayos na nakasampay ang mga damit nya at mga uniporme. Maayos rin namang nakatupi ang ilan nya pang damit. Nandito yung mga military uniforms nya at yung suot nya kanina. Uniform nya siguro yun sa pagiging bodyguard nya na trabaho nya ngayon
Pag lingon ko, di ko pala napansin na may ilang mga nakadikit na larawan sa likod ng pinto ng closet nya. Picture ng pamilya nya, noong nag aaral pa sya sa PMA, at picture nila...
...ni danica...
Karamihan dito, mga picture nila noon. Five years ago pa to if I'm not mistaken. Sila pa dito at bata pa sila.. pero may isang picture ni danica na matured na sya. Parang recent photo lang? Pero stolen shot sya
Bakit naman sya magpopost ng picture ni danica, na stolen, kung sila naman. Ibig sabihin ba hindi sila? Wala kayang balikang naganap? Eh pano kaya sya nakakuha ng picture nya? Nagkikita kaya sila minsan? o baka naman, madalas...
Ano kaya?
--
"uy kaninong cellphone yan ha?" tinagi nya "ayyyyy! Ikaw haaaa! Siguro ninakaw mo yan no haha" biro ko sa kanya
BINABASA MO ANG
After All
Teen FictionHe loves her. She loves him. Lie torn them apart. But fate brought them back together. Will they give their romance a second chance or just let each other go?