Prologue"A Day to Remember"
Abala si Kristopher sa panunuod ng TV ng may marinig siyang malakas na iyak ng sanggol sa labas ng kanyang bahay. Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang yun na naman ang anak ng kapit bahay niyang si Jocie na kakapanganak pa lamang nung isang linggo.
Ngunit dumaan ang limang minuto, hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak ang sanggol. Naisip niyang silipin ito sa bintana ng kanyang bahay.
Laking gulat niya ng makakita siya ng isang basket sa tapat ng gate niya na may laman na sanggol. Dali-dali siyang lumabas at binuksan ang gate.
Luminga-linga siya sa pagbabakasakaling makita ang kung sinu mang tao na nag-iwan ng sanggol sa tapat ng bahay niya. Ngunit nabigo siya dahil ni wala man lang bakas o tao siyang nakita. Kinuha niya ang baby sa loob ng basket at inihele ito upang tumigil sa kaiiyak.
Naisip niyang ipasok sa loob ang sanggol dahil gabing gabi na at baka mahamugan ito. Pagkapasok niya sa bahay, umupo siya agad sa sofa bed at tinitigan ang sanggol na buhat buhat niya.
Unang kita niya palang dito ay nabighani na agad siya sa ka-cutan nito. Di niya malaman ngunit ang gaan-gaan ng loob niya sa baby. Marahan niyang kinurot ang pisnge nito.
Naaliw na siya sa bata ng bigla niyang maalala ang basket na iniwan niya sa labas. Inilapag niya muna ang bata sa sofa bed at nilagyan ito ng unan sa gilid upang hindi mahulog.
Binalikan niya ang basket at kinuha ito. Sinara niya muna ang gate atsaka pumasok ulit sa loob. Tinignan niya ang laman ng basket at nagbabakasakaling makakita ng kahit anong bagay na may kaugnayan sa bata.
Hindi naman siya nabigo at nakakita ng isang sobre sa loob nito. Binuksan niya ang sobre at tinignan ang nasa loob nito. Nakita niya ang isang limang daang piso at isang papel. Binasa niya ang nakasulat sa papel.
'Pasensya ka na hah, yan lang ang nakayanan ko wala na kasi akong pambuhay sa anak ko kaya ibibigay ko na lang siya sayo. Alam kong kaya mo siyang buhayin at mamahalin mo siya ng totoo. Gusto ko sanang Grace ang ipangalan mo sa kanya dahil para sa akin ay isa siyang biyaya mula sa Diyos, pero kung ayaw mo naman na ipangalan yun sa kanya ayos lang. Siya nga pala, kahapon ko lang siya ipinanganak. Alam kong sa ginawa ko ngayon ay napakasama ko ng ina ngunit alam kong mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Inaasahan kong aalagaan at mamahalin mo siya. Maraming salamat Kris.'
Sa binasa niya nakumpirma niyang babae nga ang baby. Ngunit nagtaka siya dahil kilala siya nang babaeng nag-iwan sa sanggol. Sinu naman kaya ang mag-iiwan nito sa mga kakilala niya? Wala naman siyang kaibigan na buntis dahil puro bakla ang kaibigan niya. Hindi rin namang pwede si Jocie dahil nung isang linggo pa ito nanganak at lalaki iyon. Inaanak niya pa nga yun eh.
Hindi na lang niya inisip iyon dahil masaya pa nga siya dahil nagkaroon siya ng instant baby!
Napangiti siya ng lapitan niya ang baby. Nakangiti kasi ito at nakita niya na wala pa itong ngipin. Binuhat niya ito at hinalikan sa pisnge.
"Wag kang mag-alala baby, aalagaan kita at mamahalin na parang tunay kong anak. Ang cute cute mo talaga, pa-kiss nga ulit." sabi niya sabay halik ulit sa pisnge nito.
---
Ellay's Note: First story ko po ito. Pasensya na kung medyo sabaw. Hahaha. Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
My Father Is A Gay (SHORT STORY)
Fanfiction#MyFatherIsAGay What if isang araw ay bigla kang nagkaroon ng instant baby? Ipinagkatiwala at iniwan sayo ng kanyang mga magulang. Hanggang sa lumaki ito at itinuring mo nang tunay mong anak. Pero isang araw, lumitaw na lang bigla ang kanyang mga ma...