Chapter Four"KeRyll Love Story"
"So ibig sabihin bakla, si Daryll yung tinutukoy mo na nagsagip sayo sa holdaper nung naggro-grocery ka?" ani Tita Negs matapos ikwento ni Mommy K kung paano niya nakilala si Daryll. "Uh-huh." tumango tango naman ito.
"So ibig sabihin, siya rin yung lalaking tinutukoy mo na knight in shining armor mo? At yung lalaking na love--" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan na agad ni Mommy K ang bibig niya. "Ikaw talagang negra ka, sobrang daldal mo. Hindi mo ba mapipigilan yang bunganga mong malaki? Baka gusto mong mapalayas kita dito?" bulong niya pa kay Tita Negs.
"Ano ka ba naman bakla, hindi ka na mabiro. Syempre keme lang yun." sabay tawa na halata namang pilit.
"Ano nga yung sinasabi mo Tita Negs? Di ko kasi masyadong narinig e. Pwede pakiulit?" ani Kelly.
"Naku wala yun. Don't minded it, it is nothing to worry about because you know, yeah. Ah basta, let's eat na." sagot naman nito.
Nagkatinginan naman sila Kelly at Daryll na parehong pinipigilang tumawa dahil sa nakakanose-bleed na pagi-english ni Tita Negs.
"Hindi mo naman sinabi sa akin Queen, na magaling palang mag-english ang Tita mo. Sana pala nagpaturo ako." bulong ni Daryll sabay tawa ng mahina.
Habang kumakain ay hindi na nakayanan ni Mommy K ang katahimikan kaya nagsimula na siyang tanungin si Daryll. "So Daryll, anung course ang kinukuha mo?" aniya sabay subo sa kinakain niya. "Business Management po." sagot naman nito.
"Ohh. So paano naman kayo nagkakilala nitong si Kelly?" tanong ulit ni Mommy K. "Uhm anu po." naputol siya ng biglang tumawa si Mommy K.
"Ay ganun ba? Nakakakilig naman pala." nagkatinginan naman ang tatlo. "Gaga! Wala pa nga siyang sinasabi kinilig ka na agad? Ano advance? Advance?" ani Tita Negs. "Ay wala pa ba? Oh siya sige, continue."
"Magkaklase po kami ni Kelly simula high school." ani Daryll. "Ah so paano mo siya nilagawan? Kwento mo na daliii. Excited na kong malaman." singit naman ni Tita Negs.
"First year pa lang po kami, nabighani na agad ako kay Kelly. Bukod sa sobrang maganda siya, matalino at mabait rin siya kaya agad niyang nakuha ang atensyon ko. Tuwing nakikita ko siya, nagslo-slow motion ang lahat. Pero dahil sobrang dami niyang kaibigan at sikat pa siya, hindi ko siya malapitan. Kaya kinaibigan ko na lang ang best friend niyang si Denise para makalapit din ako sa kanya. Hanggang sa nilagawan ko na siya nang magsecond-year na kami. Actually, nagpatulong pa po ako kay Denise." napangiti naman si Daryll ng maalala ang mga panahong nililigawan niya si Kelly.
"Niligawan?! Agad-agad?!" exaggerated na sabi ni Mommy K.
Tumango-tango naman si Daryll at pinagpatuloy ang pagku-kuwento. "Hindi nga po siya pumayag dahil magagalit ka daw po at masyado pa kaming bata. Pero nung nagthird-year na po kami, pumayag siya na maging mag-MU kami." aniya. "Two years pa kaming naging mag-MU tapos college na kami ng sinagot niya ako. So bale, three years na po kaming mag-on." dagdag pa niya.
"So matagal na pala talaga kayong magkakilala at wala ni isang bagay na ikinuwento si Kelly sa amin tungkol sa iyo." sambit ni Mommy K. "Ako naman po yung may gusto nun 'mmy. Akala ko po kasi magagalit kayo at paghihiwalayin kami." sagot naman ni Kelly.
"Sus. Anu to? Palabas? Pero kilala ka na ba ng pamilya ni Daryll?" sunod-sunod na tumango naman si Kelly. "Opo 'mmy. Actually, sobrang bait nga po nila lalo na po ang mommy ni Daryll na si Mommy Daisy."
"Mabuti naman kung ganoon." ani Mommy K.
Matapos kumain ay nagkuwentuhan pa sila at natuwa naman si Mommy K at Tita Negs kay Daryll dahil sobrang bait nito at medyo kalog din kagaya nila.
"Daryll, baka hinahanap ka na ng parents mo." ani Mommy K ng mapansing madilim na sa labas.
"Alam naman po ni Mama na nandito ako e. Pero sige po, para makapagpahinga na rin kayo." sagot naman ni Daryll at tumayo na sa pagkaka-upo. "Alis na po ako Mommy K at Tita Negs. Salamat po sa lunch at dinner. Dadalaw po ulit ako dito promise. Ingat po kayo at wag masyadong maii-stress. Baka masira ang beauty." nakangiting sabi ni Daryll.
"Aysus. Nambola ka pa huh. Oh siya sige, gumora ka na. At baka mawarla ka sa maderdear mo. Next time na lang ulit." ani Mommy K. "Bye Daryll! Its so much nice to meet you." napatawa naman si Daryll sa sinigaw ni Tita Negs.
"Mommy K, hatid ko lang po si Daryll." ani Kelly. "Okay. Ingat. Bye ulit."
At ng makarating na sila sa labas, agad na hinarap ni Daryll si Kelly sa kanya at saka ngumise. "Panu ba yan Queen, official na tayo at wala ng makakapigil sa atin. Sobrang saya ko talaga ngayon sana hindi na matapos."
"Ako din Daryll. Sobrang saya ko dahil hindi na natin kailangang magtago. Oh sige na. Umuwi ka na, baka kanina ka pa hinihintay nila Mommy Daisy." aniya.
"Ouch naman Queen. Tinataboy mo ba ako? Sawa ka na ba sa akin? Di mo na ba ako ma--" natigilan naman siya ng bigla siyang hinalikan ni Kelly sa pisnge. "What the heck Queen?! Bat mo ginawa yun?!" ani Daryll na hindi pa rin nakaka-recover sa ginawa ni Kelly.
"Bakit? Ayaw mo ba? Ginawa ko lang naman yun kasi anlayo na ng iniisip mo e. Di agad mahal? Sobrang mahal kaya kita." inilagay naman ni Daryll ang dalawang daliri niya sa bibig ni Kelly. "Sshhh. Queen, tama na muna. Mamamatay na ako sa pagpipigil ng kilig dito oh. Baka mamaya di ko na mapigilan at sumigaw ako dito. Sige ka." ani Daryll na hindi mapigilang mapangiti.
"Baliw ka talaga." tanging nasabi ni Kelly dahil maski siya ay nahihiya sa ginawa niya.
Kinurot naman ni Daryll ang pisnge ni Kelly dahil sobrang pula na nito. "Ayiieee. Namumula ang reyna ko." sabay kiliti pa sa bewang nito. Hinampas naman iyon ni Kelly. "Anu ba Daryll, tumigil ka na nga."
"Asus. Sa akin ka pa talaga nahiya huh? Hahaha. I love you, Queen ko." mas lalo namang namula ang pisnge ni Kelly. "I love you too King." sagot naman niya.
"Oh sige na, umalis ka na. Ako naman ang mamatay sa kilig dito oh." tumawa lang si Daryll at lumapit kay Kelly. "Ayos lang kahit mamamatay ka sa kilig Queen, basta ako lang ang magpapakilig sayo." bulong niya sabay kindat at halik sa pisnge nito.
Sumakay na si Daryll sa kanyang kotse at hinintay na lang siya ni Kelly umalis. Kumaway muna ito sa kanya at nagflying-kiss pa na siyang kinatawa ni Kelly.
Itutuloy...
Ellay's Note: Merry Christmas Guys! Have a blast. Woohoo! ❤ Don't forget to VOTE. COMMENT. and be a FAN.
BINABASA MO ANG
My Father Is A Gay (SHORT STORY)
Fanfiction#MyFatherIsAGay What if isang araw ay bigla kang nagkaroon ng instant baby? Ipinagkatiwala at iniwan sayo ng kanyang mga magulang. Hanggang sa lumaki ito at itinuring mo nang tunay mong anak. Pero isang araw, lumitaw na lang bigla ang kanyang mga ma...