Chapter 2

196 7 6
                                    


Chapter Two

"BonDATE"


"Kelly, anung mas gusto mo ditey. Itong charmee or itong whisper?" tanong ni Mommy K kay Kelly. "Hmm. Siguro yung whisper na lang po. Mas kumportable kasi ako doon eh." ani Kelly.

"Ay mas maganda siguro kung ito na lang dalawa. Para kung di ka na kumportable dito sa whisper, may extra ka pa. Agree?" sambit pa nito na animoy nagco-commercial sa pag-eexplain.

"Uh sige po 'mmy."

"How about this, century tuna or sexy chix? Si Anne Curtis or si Jasmin Curtis?" tanong ulit ni Mommy K. "Sexy chix na lang 'mmy. Di ko pa kasi natitikman yan eh. Try muna natin."

"Hmmm. Siguro mas maganda na lang din kung itong dalawa na lang. Para kung hindi ka masarapan dito sa sexy chix, ito na lang century. Diba?" hindi na tumutol si Kelly at tumungo tungo na lamang.

"Eh anu namang mas bet mo sa hotdog, with cheese or without cheese?" naka-ngisi pang tanong nito. "With cheese po 'mmy." bored na sagot ni Kelly.

"Ay siguro mas ma--"

"Mommy K, wag mo na nga lang akong tanungin kung yung gusto mo rin lang naman ang kukunin mo." napanguso naman si Mommy K.

"K fine. Oh siya sige, gumora ka na doon sa gusto mong bilhin. Magkita na lang tayo doon sa cashier. K?" napangiti naman si Kelly at agad na pumunta sa gusto niyang bilihin.

Kumuha siya ng blue basket at nagsimula ng mamili ng mga paborito niyang junk foods.

Kuha lang siya ng kuha ng mga pagkain na matipuhan niya. Hindi niya na pansin na nasa likod niya pala si Mommy K at ibinabalik ang mga tsitsiryang kinukuha niya. At ng paalis na siya, naramdaman niyang magaan ang dala-dala niyang basket kaya tinignan niya ito.

Nagulat siya ng makitang tatlong piraso na lamang ng tsitsirya ang nakalagay dito. Nag-angat siya ng tingin at nakita si Mommy K na naka-ngiti sa kanya.

Ngumuso naman siya. "Mommy K naman eh. Ang hirap kayang kunin ang mga yan tapos ibabalik mo naman." aniya at saka pinaikot ang mata.

"Kellybells, junk foods is not good to your health. Look at your body, malapit ka na talagang maging joana." ani Mommy K.

"Joana?" nagtatakang tanong ni Kelly.

"Joana, flat chested." pinanlakihan naman kaagad ng mata si Kelly ng marinig ang sinabi ni Mommy K. "Charaught!" habol pa nito at saka tumawa ng wagas.

Marahang hinampas naman ni Kelly ang braso ni Mommy K. "Baliw ka talaga 'mmy! Kung anu-anong pumapasok sa utak mo." aniya.

Pasimpleng tinignan naman niya ang kanyang dibdib. 'Medyo malaki naman ah' aniya sa sarili.

"Wag mo ng tignan yan. Chemistry lang naman yung sinabi ko eh." sambit naman ni Mommy K.

'Huh? Nakita niya ba ako? Eh nakatalikod naman siya ah. May may mata ba siya likod? At saka anung chemistry?' sunod-sunod na tanong ni Kelly sa sarili.

"Wala akong mata sa likod Kellybells. At saka chemistry means joke. Hindi rin ako mind reader kung yan ang iniisip mo." tumango tango na lang si Kelly.

"Oh gora agora na tayo. Alas dos na baka nandoon na si Juanito sa bahay at magmukha na namang aso yun na naghihintay sa labas." natawa naman si Kelly ng ma-imagine ang itsura ni Tita Negs na naghihintay sa labas ng bahay nila.

Pagkatapos bayaran ang mga pinamili nila, dumiretso na agad sila sa parking lot. Pagka-upo nila sa sasakyan, naisipan ni Kelly na tignan ang kanyang cellphone. Nanlaki ang mata niya ng makita ang 10 missed calls at lahat iyon ay galing kay Daryll.

Dali-dali niyang nireplyan ito ng sorry. At napangiti siya ng mag-reply ito kaagad.

Napansin naman ni Mommy K ang pagngiti ni Kelly. "Sinetch ba yang katext mo at pangiti-ngiti ka pa dyan huh. Jowa mo ba yan?" biro ni Mommy K na may halong katotohanan.

"H-hindi noh. I mean, w-wala akong boyfriend. Si Denise tong ka-text ko." napangisi naman si Mommy K. "Kellybells, you know your not good in lying. Alam mo naawa ako sa boylet mo. Dine-deny mo kasi siya eh."

"A-anu ba yang mga pinagsasabi mo Mommy K? W-wala talaga akong boyfriend. P-promise." nakokonsensya man sa sinabi, wala naman siyang magawa dahil kailangan niya ito gawin. Ayaw niya kasing masira ang tiwala sa kanya ni Mommy K.

"Anak, wag ka ng magsinungaling. Tanggap ko naman kung may jowa ka na e." aniya sabay kindat.

Nagulat naman si Kelly sa sinabi ni Mommy K. "A-alam mo na po ba talaga?" nauutal na sabi niya.

"Super duper omega yes!" malanding sabi nito. "P-panu?" di parin makapaniwalang sabi ni Kelly.

"Nabasa ko kasi yung text niya sayo kanina. At saka alam mo, nagtatampo ako sayo. Kasi di mo agad sinabi sa amin na may jowa ka na pala." nakalabing sabi nito. "Di mo naman kailangan itago iyon sa amin sweetie. Nasa tamang edad ka na kaya oks lang samin na magka-jowa ka."

"Sorry 'mmy. Promise hindi na ako magtatago sa inyo." ani Kelly. "Promise yan huh. Anyways, pogi ba yang boylet mo?" tanong ni Mommy K.

"Oo naman noh. Hindi naman ako papatol sa aglipay." nakipag-apir naman sa kanya si Mommy K.

"Manang mana ka talaga sa akin. Pero kung pogi talaga siya, pwede bang paubaya mo na lang siya sa akin?" natigilan naman si Kelly sa sinabi ni Mommy K.

"Huh?"

"Charaught lang!" ani Mommy K at saka lumabas ng sasakyan ng tumatawa.

Itutuloy...


My Father Is A Gay (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon