Chapter 1

279 16 3
                                    


Chapter One

"Who's Daryll?"


Nagising si Kelly sa kanyang mahimbing na pagtulog ng mabulabog nang parang mga palakang kokak na kumakanta sa baba ng bahay nila. Sa isip-isip niya ay baka sina Mommy K at Tita Negs iyon at nagco-concert na naman sa kusina.

"THIS GIRL IS ON FIREEEE~" boses pa lang ay alam na niyang si Tita Negs ang bumirit at with matching kulot-kulot voice pa.

Sa sobrang inis ni Kelly, ay nagtaklob na lamang siya ng unan sa ulo upang mabawasan ang ingay na naririnig niya.

"I'M GONNA SWING FROM THE CHANDELIER! FROM THE CHANDELIER!" kilalang kilala niya ang boses na iyon at alam niyang si Mommy K yun na feel na feel pa ang pagkanta. At take note, ginamit pa ang sandok bilang mic niya.

Hindi na nakatiis pa si Kelly at bumangon na sa kama pagkatapos ay naghilamos at saka bumaba para sawayin ang dalawa.

Yan ang laging bumubungad kay Kelly sa tuwing magigising siya sa umaga. Kung hindi nagpapatugtog ang dalawa, maririnig mo naman sila na nagkakantahan at tila nagco-concert pa sa dami ng naka-prepare nilang kanta.

Pagkababa ni Kelly ay dumiretso agad siya sa kusina at nakita ang dalawa na sumasayaw naman ngayon habang kinakanta ang Twerk It Like Miley. Hindi man lang siya napansin ng mga ito dahil enjoy na enjoy sila sa kakaindak ng kanilang mga puwit.

Tumikhim siya upang makuha ang pansin ng dalawa. Ngunit nabigo siya dahil tuloy-tuloy parin ang dalawa sa kakasayaw.

Sa sobrang inis ay kinuha niya ang nakitang kawali pati narin ang takip nito saka pinag-umpog. Agad naman siyang nilingon ng dalawa at nginitian siya. 'Yun lang pala kaharap niyo eh.' bulong ni Kelly sa sarili.

"Oh gising ka na pala baby Kelly. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Tita Negs.

"Actually, kanina pa po. Kaso hindi niyo ata ako napansin kasi masyado kayong busy sa concert niyo." ani Kelly at nag-roll eyes pa.

"Naku! Sorry anak hah. Next time kasi lakasan mo yung boses mo para marinig namin." ani Mommy K at pinaghila ng upuan si Kelly.

'So ako pa kailangan mag-adjust?' ani Kelly sa sarili. Tumungo na lamang siya bilang sagot at nagsimulang kumain.

Habang kumakain sila, hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa kasasalita at pagkukwentuhan. Actually daig pa nila ang mga babae sa sobrang kadaldalan nila. Oo, hindi kayo nagkakamali ng basa. Hindi nga sila mga babae, binabae pwede pa.

"Oy siya nga pala bakla, warla daw kayo ni Papa Junjun mo? Totoo ba yun? Anyare ba? Chika mo naman." sunod-sunod na tanong ni Mommy K.

Sumubo muna si Tita Negs ng kanin bago sumagot at tumayo pa sa pagkaka-upo. "Aba! Walang hiyang lalaki yun. Matapos akong juntisin hindi man lang ako nagawang panagutan!" may kasama pang talsik ng kanin na sabi niya.

"Hoy negrang pangit na bakla, wag kang asyumera okay? Tandaan mo, hindi ka majujuntis dahil wala kang matres." napatawa naman si Kelly sa sinabi ng Mommy K niya. "Ay oo nga pala nakalimutan ko, wala pala akong matres. Panu mo nalaman yun? Ang talino mo huh." manghang mangha na sabi ni Tita Negs saka bumalik sa pagkaka-upo. Minsan talaga di alam ni Kelly kung nagjo-joke lang si Tita Negs or totoo na wala talaga siyang alam.

"Ah siya nga pala junakis, maggo-grocery tayo mamaya huh. Bilin mo na lahat ng gusto mo. K?" ani Mommy K.

"Yes Mommy K." walang ganang sabi ni Kelly saka tumayo na sa upuan. "Akyat na muna po ako huh."

"Okie duki!" sambit nito.

Pag-akyat ni Kelly, dumiretso kaagad siya sa kama at sinubukang matulog ulit. Nakulangan kasi siya sa tulog niya kanina dahil nga sa nabulabog siya ng ingay nila Mommy K. Hanggang sa lamunin na nga siya ng antok at mahimbing na nakatulog.

Hindi alam ni Kelly na sinundan pala siya ni Mommy K sa kanyang pag-akyat. Nakita nitong natutulog nga si Kelly at nilapitan ito. Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa magandang mukha nito.

Masayang masaya siya dahil napalaki niyang maayos at maganda si Kelly. Matalino pa ito at laging nag-uuwi ng medalya sa tuwing lumalaban sa mga contest. Para sa kanya ay isang napakalaking biyaya ng Diyos si Kelly.

Hindi niya sinunod ang gustong ipangalan dito ng kanyang tunay na ina dahil Kelly talaga ang gusto niyang pangalan. Pangarap niyang maging pangalan ang Kelly ngunit dahil alam niyang malabong mangyari na maging pangalan niya ito, ipinangalan na lang niya ito sa kanyang anak.

At kung dumating man ang araw na makilala nito ang mga tunay niyang magulang ay hindi niya ito ipagkakait sa anak. Sana nga lang ay hindi ilayo si Kelly ng mga tunay nitong magulang sa kanya dahil pagnangyari ang araw na iyon ay paniguradong malulungkot siya ng bonggang bongga. Napamahal na kasi talaga sa kanila ni Negs si Kelly at hindi nila kayang mawala ito sa kanila.

Nasa malalim na pag-iisip si Mommy K, ng marinig niyang tumunog ang iPhone ni Kelly sa side table ng kama. Kinuha niya ito at tinignan kung sinu ang nag-message. Alam niyang kailangan rin ni Kelly ang privacy pero hindi niya mapigilang mag-usisa.

Pinindot niya ang read button at sinimulang basahin ang message.

My King Daryll

Good morning my queen. Don't forget to eat your breakfast. Alam mo namang ayokong nagugutom ka. Mag-ingat ka lagi huh. I love you my queen aphrodite. ♥

'My King Daryll? Sinu si Daryll? May jowa na ba ang junakis ko?'
Naguguluhang tanong ni Mommy K sa sarili.

Itutuloy...

VOTE. COMMENT. BE A FAN.


My Father Is A Gay (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon