Chapter 5
"Mommy K and Tita K?!"
"Is you ready Kelly?" napairap naman si Kelly ng marinig na naman ang malupet na english ni Tita Negs. Minsan kasi, hindi niya alam kung matatawa o maiinis siya sa pagi-english nito kasi feeling niya minsan, sinasadya na ata nito. "Opo Tita. Ready na ako." sagot niya."Okay, let's go! Gorabels na tayo."
Ngayon kasi ang nakatakdang pagdidiwang nang kaarawan ng nanay ni Daryll na si Daisy at inimbitahan nito sila Kelly na pumunta at makisalo sa kanila. Sakto naman na hindi busy si Mommy K sa KV Bakeshop na itinayo niya nung isang taon kaya pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Daisy.
Nang makarating na sila sa bahay este sa mansyon nila Daryll, rinig na rinig kaagad nila ang malakas na sound at tawanan sa loob nito.
"Kellybells, hindi mo naman sinabi sa amin na mayaman pala tong nabingwit mo." ani Tita Negs. "Manahimik ka dyan Juanito Santiago." sita naman ni Mommy K.
"Yuck!!! Don't dare to call me like that. Beyonce is okay." binatukan naman siya ni Mommy K. "Beyonce? Ilusyonadong bakla ka talaga."
"Ano? Magdadaldalan na lang ba tayo dito or papasok tayo?" putol ni Kelly sa dalawa. Tumango naman ng sabay ang dalawa. "Wait tatawagan ko lang po si Daryll." dagdag pa niya.
Pagdating ni Daryll ay kaagad na silang sinamahan nito papasok sa loob. Pagkapasok nila ay nabungaran nila ang mga kamag-anak ni Daryll na masayang nagku-kuwentuhan. Nilapitan nila si Daisy na abala sa pagi-entertain ng kanyang mga bisita.
"Ay ang sexy naman pala ng nanay ni Daryll e." bulong ni Tita Negs kay Mommy K sabay tawa. Tinignan naman siya ni Mommy K na hindi rin mapigilang na mapangiti dahil maski siya ay natatawa rin dito.
"Ma." tawag ni Daryll sa nanay niyang busy pa rin sa pakikipag-usap. Nilingon naman kaagad sila nito. Napangiti naman siya ng makita si Kelly.
"Ohhh. Hi Kelly. Nandito ka na pala. Sila na ba ang family mo?" aniya sabay tingin kayla Mommy K. "Ay hinde. Picture lang namin to. Oo, picture na nakatayo. Echusera." pamimilosopo ni Mommy K.
"Mommy K." pabantang sabi ni Kelly.
"No, its okay Kelly. Sanay na ako sa mga ganyan. Actually magkakasundo nga kami e. Dahil pareho kaming maloko." ani Daisy. "Ayun naman pala e. I'm sorry if na-offend kita huh. I was just trying to joke on you baka sakaling mainis ka sa akin." sambit ni Mommy K.
"Don't worry about it. By the way, Daisy Lopez nga pala, Daryll's mother." sabay lahad ng kanyang kamay na kaagad namang tinanggap ni Mommy K. "Kristopher Velasco but Kris or K is fine. And this Ita beside me is my friend, Juanito Santiago." natatawang sabi ni Mommy K atsaka tinuro si Tita Negs na nakabusangot.
"Negi na lang po." ani Tita Negs sabay lahad din ng kamay kay Daisy. "It was really nice meet you K and Negi. C'mon let's take a seat."
Habang kumakain sila ay nagpaalam na muna si Daisy dahil kailangan pa niyang salubungin ang mga bagong dating niyang bisita. Nagsimula na muli silang magkuwentuhan pero naputol din kaagad ng dumating ulit si Daisy na may kasamang tatlong babae.
"I'm sorry to interrupt you guys. Gusto ko lang sanang ipakilala sa inyo ang mga pinsan ko. Alam ko na kilala mo na sila Kelly, pero gusto ko rin silang ipakilala sa Mommy at Tita mo. So K and Negi, this is Bea." pakilala ni Daisy sa mestiza at may maikling buhok na babae.
"At ito naman si Katie." tukoy naman niya sa babaeng nakasalamin at nakamessy bun ang buhok. "And lastly, this is Kate but you can also call her K. Nakatatandang kapatid ni Katie." turo niya sa babaeng sexy at medyo kulot ang buhok.
"Hello." sabay-sabay na bati ng tatlo. "Hi, I'm Negi." ani Tita Negs at nakipagshake-hands sa tatlo. Nakangiti naman nila itong tinanggap.
"Kristopher Velasco, but you can call me K or Kris." ngumiti naman ang tatlo at saka umupo sa mga bakanteng upuan.
Nagulat naman si Mommy K ng tumabi sa kanya yung Kate gayong may bakanteng upuan naman sa tabi ni Kelly. "So, you must be Mommy K?" biglang tanong nito. "Uhm yeah. How did you know?"
"Lagi ka kasing kinu-kuwento sa akin ni Kelly. Kami kasi ang laging magkasama kapag bumibisita siya dito kina Daryll." tumango tango na lamang siya.
"Pareho pala tayo ng nickname noh?" dagdag pa nito. "Ahh oo nga e." tanging nasagot niya.
Hanggang sa matapos ang party ay hindi pa rin tumitigil sa kakadaldal si Kate sa kanya kaya medyo naiirita na siya. Minsan nga ay pasimple niya pa itong iniirapan dahil naiinis na siya sa kadaldalan nito.
"Alam mo Kristopher, sayang ka e. Ang gwapo mo kasi tapos gay ka naman. Ayaw mo ba talagang maging guy?" halos maibuga naman ni Mommy K ang kanyang iniinom na juice dahil sa tanong ni Kate. "Nagtanong ka pa talaga huh? Sa itsura kong ito, sa tingin mo, gusto ko pang maging lalaki?" aniya.
"Hmmm. Hindi pa naman kasi mahaba ang hair mo kaya may chance pa. Atsaka hindi ka rin masyadong nagme-make up di katulad ng ibang gay dyan." anas pa nito.
"Hayst. Manahimik ka nga lang dyan. Nandidiri ako sa mga sinasabi mo." humalakhak na lamang si Kate.
"Uhm... Excuse me po." tawag pansin ni Kelly sa dalawa. "Oh Kelly, bakit?"
"Ah Tita K, aalis na po sana kami nila Mommy K." ani Kelly.
"Oh sure. Goodbye sa inyo. Ingat kayo." sagot naman nito atsaka bumaling kay Mommy K. "Its really nice to meet you Kristopher." anito sabay ngiti.
"Its nice to meet you too, K. Goodbye."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Father Is A Gay (SHORT STORY)
Fanfiction#MyFatherIsAGay What if isang araw ay bigla kang nagkaroon ng instant baby? Ipinagkatiwala at iniwan sayo ng kanyang mga magulang. Hanggang sa lumaki ito at itinuring mo nang tunay mong anak. Pero isang araw, lumitaw na lang bigla ang kanyang mga ma...